Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all 58341 articles
Browse latest View live

Engineer patay sa ratrat sa Davao City

$
0
0

PATAY ang isang engineer nang ratratin sa labas ng UCPB Sales–Uyanguren, Davao City, ala-1:00 ng hapon kanina.

Kinilala ang biktima na si Engr. Eleseo Orcullo Salvan, 54, mechanical engineer, ng Luzviminda Village, Maa, Davao City.

Nabatid na nag-withdraw ang biktima sa bangko nang barilin ng riding-in-tandem na sakay ng itim na motorsiklo.

Inaalam na ang motibo sa krimen lalo’t wala namang nawala sa biktima maging ang kanyang na-withdraw na P56,000 sa bangko.

The post Engineer patay sa ratrat sa Davao City appeared first on Remate.


Danny Granger to sign with Clippers

$
0
0

FORMER Indiana Pacers star Danny Granger reportedly informed general manager/coach Doc Rivers on Thursday night that he will sign with the Los Angeles Clippers.

Granger is set to clear waivers to become a free agent on Friday at 5 p.m. ET.

The Indiana Pacers traded Granger, 30, to the Philadelphia 76ers a week ago, clearing the way for his contract to be bought out.

Granger will be a free agent in the summer, and financial limitations with the Clippers’ roster and payroll make it doubtful that he’ll be anything but a rental for the rest of the season.

Philadelphia acquired Granger and a future second-round draft pick in a deal with Indiana for Evan Turner and Lavoy Allen on Thursday. Granger is in the final year of his contract, earning $14 million. Philadelphia is engaged in a tear-down of its roster, gathering draft picks to rebuild with young players.

A combination of injuries and the emergence of Paul George reduced Granger’s role with the Pacers. He was an All-Star in the 2008-09 season with an average of 25 points per game. Noli Cruz

The post Danny Granger to sign with Clippers appeared first on Remate.

Meralco pinagpapaliwanag sa February billing

$
0
0

BINIGYAN ng limang araw ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Manila Electric Company (Meralco) para ipaliwanag ang ipinatupad na bagong billing statement ngayong Pebrero.

Ito ay makaraang batikusin ng mga consumer ang hakbang ng Meralco na nagdulot ng kalituhan.

Sinabi ni Valte na batay sa rekomendasyon ng Department of Trade and Industry (DTI), hindi dapat bayaran ng mga consumer ang panibagong billing statement ng Meralco.

Una nang iginiit ng Meralco na tanging ang “current charges” ang babayaran ng mga konsyumer, hindi ang “total amount due”.

Posible namang pagmultahin ng P50,000 ang Meralco kung mapapatunayang may paglabag sa nasabing billing.

The post Meralco pinagpapaliwanag sa February billing appeared first on Remate.

Bagong pambansang mga simbolo isinusulong

$
0
0

arnis

INILATAG ni Bohol Representative Rene Relampagos na gawing pambansang tsinelas ang bakya at pambansang pagkain ang “adobo” sa Kamara.

Bukod sa mga nabanggit, gusto rin ni Relampagos na gawing pambansang bahay ang Bahay Kubo, Jeepney bilang pambansang sasakyan; Arnis bilang pambansang martial arts at sport; Cariñosa bilang pambansang sayaw; PH monkey eating eagle bilang pambansang ibon; Kalabaw bilang pambansang hayop; Bangus bilang pambansang isda; Narra bilang pambansang puno; PH pearl bilang pambansang hiyas; Sampaguita bilang pambansang bulaklak; Anahaw bilang pambansang dahon; at Mangga bilang pambansang prutas.

Ayon kay Relampagos, ito ay para magkaroon ng kongkretong depinisyon ang mga pambansang simbolo ng Pilipinas.

The post Bagong pambansang mga simbolo isinusulong appeared first on Remate.

Bebot na accountant itinumba sa Bulacan

$
0
0

PATAY ang isang babaeng accountant nang pagbabarilin sa harap ng kanyang bahay sa Balagtas, Bulacan, kaninang umaga.

Kinilala ang biktima na si Evelinda Tamares.

Sa imbestigasyon, nasa gate ng kanyang bahay si Tamares nang pagbabarilin ng hindi nakikilalang suspek.

Sa inisyal na imbestigasyon, galing ang biktima sa Metrobank Balagtas branch at nag-withdraw ng ipampapa-suweldo sa kanilang mga trabahante nang pagdating sa kanilang gate sa Violeta Subdivision sa Guiguinto, ay lapitan ng apat na lalaki at pinagbabaril.

Nang humandusay ang biktima ay kinuha ng mga ito ang perang bitbit na pera ng bikima.

Tinatayang nasa P150,000 ang natangay na payroll money ng mga salarin.

The post Bebot na accountant itinumba sa Bulacan appeared first on Remate.

Double standard na admin ni PNoy pinuna

$
0
0

TINAWAG ni Navotas Rep. Toby Tiangco na double-standard justice ang pinaiiral sa ilalim ng administrasyong Aquino.

Binigyang diin ito ni Tiangco sa aniya’y inilunsad na ‘Destroy Binay’ plot ng gobyerno.

Pangunahing pinuna ng kongresista ang Office of the Special Prosecutor ng Ombudsman dahil sa namimili lamang ito ng dapat kasuhan kabilang na si dating Makati Mayor Elenita Binay.

Politika o ang nalalapit na 2016 election ang nakikitang dahilan ng United Nationalist Alliance na pinamumunuan nina Vice Mayor Jejomar Binay at Manila Mayor Erap Estrada upang kalkalin pa ng administrasyong Aquino ang kaso laban kay Ginang Binay na dinismis na noon pang 2011.

Hindi lamang aniya ang mga Binay kundi ang iba pang kaalitan sa politika ang tila pinaghihigantihan ng administrasyong Aquino.

Banggit pa ni Tiangco na kapag kakampi aniya sa politika ay binibigyang proteksyon at kinukunsinti lalo na sa isyu ng DAP samantalang kapag hindi kaalyado sa politika ay binubuhay ang mga matagal ng nailibing na kaso.

Pinaalalahanan pa ni Tiangco ang Ombudsman na huwag magpagamit sa Malakanyang dahil sisirain nito ang integridad ng tanggapan.

The post Double standard na admin ni PNoy pinuna appeared first on Remate.

KAY SARAP MAGNAKAW SA PONDO NG BAYAN

$
0
0
sa kantot sulokGUMASTOS umano ang Philippine National Police (PNP) ng tinatayang P130,000 para sa pagpapa-check up ni Janet Lim-Napoles, utak ng P10 billion pork barrel scam.
Ang pera ay inubos sa pagrenta ng ultrasound machine na ginamit sa pagsusuri kay Mrs. Napoles. Ang gusto nito noong una ay sa St. Lukes siya ma-check up pero sa halip, sa PNP General Hospital siya dinala noong Miyerkules.
Ilang senador kagaya nina Sens. Antonio Trillanes at Chiz Escudero ang nagsabi na dapat nang mailipat sa karaniwang kulungan kasama ng sari-saring kriminal si Napoles.
Una, bagama’t mahalagang testigo ang ginang sa nasabing scam, hindi naman siya napapakinabangan para maidiin ang mga nakasapakat niya sa pandarambong sa pondong bayan.
Walang masustansiyang ebidensiya at salaysay na ibinibigay si Napoles kung kaya hindi malalagay sa panganib ang kanyang buhay. Ibig sabihin, hindi na siya dapat nakapiit sa Sta. Rosa, Laguna kung saan ang kanyang mga guwardiya ay may hiwalay na allowance sa PNP bukod sa suweldo.
Kung nasa Sta. Rosa, iba pa ang ginagastos ng gobyerno kapag ibinibiyahe siya sa mga pagdinig ukol sa scam. At heto nga, dagdag gastos din ang pagpapa-check up sa kanya sa ospital. Hindi biro ang P130,000 winaldas ng pamahalaan sa check up lang ng isang hindi naman importanteng tao.
Para sa isang Pinoy na hirap makakain ng tatlong beses isang araw at namamatay sa sakit dahil hindi makapagpasuri sa doktor, kasuklam-suklam ang ginagawang ito ng gobyerno.
Para makahingi ng tulong sa gobyerno sa paghingi ng pangpagamot, maghihirap ng ilang araw, linggo at kung minsan ay buwan pa bago maabutan ng kakarampot na barya ang nasabing halaga ay sobrang laki ng tulong para sa maraming mahirap na pamilya sa iskuwater. Tapos ay winawaldas lang ito sa isang taong utak sa bilyon pisong pangungulimbat sa kuwarta ng bayan.
Malaking katarantaduhan talaga. Kaya nga ang sabi ng iba, kaysarap naman magnakaw sa pondo ng bayan.

 

The post KAY SARAP MAGNAKAW SA PONDO NG BAYAN appeared first on Remate.

ANG MGA BUMBERONG COASTGUARD NG TSINA

$
0
0
puntong-marino-edgard-arevaloKINANYON ng tubig ng Chinese Coast Guard ang mga mangingisdang Filipino sa dako ng Panatag Shoal (Scarborough Shoal) noong ika-27ng Enero 2014. Mismong si Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) General Emmanuel Bautista ang naghayag nito sa pagtitipong balitaan ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP).
Muli, ang pangyayaring ito ay umani ng samo’t saring reaksyon at panukala. Naghihinanakit ang mga kababayan nating mangingisda; bakit daw hindi sila pinoproteksyonan ng ating Coast Guard? Isa na naman daw itong paglabag sa ating karapatan bilang isang bansa. Ito raw ay pag-atake sa ating mga maliliit na mamamayan. Dapat daw ay kasuhan natin ang mga kapitan ng barko ng Coast Guard ng Tsina sa paglabag sa basikong karapatan pantao at responsibilidad nilang sumagip ng buhay o tumulong sa mga nasasakuna. Sapagkat sa halip na gawin ang kanilang tungkulin, sila mismo ang lumabag dito.
Subalit sa dakong huli, ano lang ba ang mga pamamaraang puwede nating gawin tungo sa “mahinahong pagresolba” sa mga pag-abusong ito?
Muli, ang diplomatikong pamamaraan gaya ng protesta.
Sa huling kaso ng pambobomba ng tubig, at gaya ng inaasahan, hindi tinanggap ng Tsina ang protesta.
Ayon sa kanila, sa kanila ang Panatag Shoal – kahit pa nasa 351 nautical miles ito buhat sa pinakamalapit nilang isla (Hainan Island) at 119 nautical miles lang mula sa baybayin ng Zambales. Ito’y dahil hindi kinikilala ng Tsina ang nakasaad sa UNCLOS kahit pa isa ito sa mga bansang pumirma ng pagsang-ayon dito. Nakasaad sa UNCLOS na pasok sa 200 nautical miles Exclusive Economic Zone ng Pilipinas ang Panatag Shoal. Katunayan, tinatawag din iyon na Bajo de Masinloc dahil ito nga’y nasa ibabang dako lang ng Masinloc, Zambales.
Hindi ito bagay na dapat ipagkibit–balikat lang o isyung dapat pagsawaan natin sa pagsasabing, “Wala naman tayong magagawa laban sa malakas na bansa gaya ng Tsina.” Manapa’y tipunin natin ang mga ebidensya ng mga pang-aabuso gaya ng mga video, larawan o sinumpaang salaysay ng mga saksi sa paglabag sa batas pangkalikasan, at sa pagtapak sa ating mga karapatan bilang bansa na isinasaad sa UNCLOS. Meron pa ang Pilipinas hanggang Marso 30, 2014 upang isumite ang ating “memorial.”
Ang memorial ay isang dokumentong ligal na isusumite ng Pilipinas sa International Tribunal on the Law of the Sea (ITLOS). Maglalaman ito ng mga argumento na suportado ng mga ebidensya at mga dokumento ng susog sa ating maritime claims sa West Philippine Sea (WPS) at ang mga paglabag ng Tsina sa mga itinatadhana sa UNCLOS. Ang mga mamamayan nating nakaranas o nakasaksi ng mga ito ay kailangan lang na makipag-ugnayan sa gobyerno upang maisama ang kanilang mga nalalalaman. Maaari silang magtungo sa pinakamalapit na tanggapan ng pamahalaan gaya ng Philippine Navy, Philippine Coast Guard, o ibang ahensya gaya halimbawa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Huwag sana nating sayangin ang pambihirang pagkakataong ito kung saan maitataguyod at maipaglalaban natin ang karapatan ng ating mga maliliiit na mangingisdang napagkakaitan ng kabuhayan, o ang pagkasira ng ating mga yamang dagat, o ang titulo sa mga teritoryong sadyang atin.  Huwag nating palampasin! Makialam tayo rito sapagkat lahat tayo, apektado.
Nasa tamang direksyon ang Pilipinas, ayon sa Amerika, sa pagsasampa ng kaso sa ITLOS laban sa Tsina. Ilang beses nang gumawa ng mga hakbangin ang huli upang pigilan ang Pilipinas sa pagsasampa ng kaso. Ang “pinakahuli at desperadong hakbang ng Tsina”, ayon sa Rappler, ay ang mungkahi nitong kapwa paglisan ng mga barko (ng Tsina at Pilipinas daw) mula sa pinag-aagawang Panatag Shoal kapalit ng hindi na pagsusumite ng Pilipinas ng memorial.
Ang offer na ito at ang patuloy na pagtanggi ng Tsina na lumahok sa proseso sa ITLOS ay malinaw na indikasyon na alam nilang “may tulog” sila sa kaso. Hindi na tayo dapat mapaniwala ng panlilinlang na ito. Ganito rin ang taktikang ginamit sa atin noong 2012 sa stand-off sa Scarbourough—usapang kapwa magpull-out ang mga barko, subalit tanging Pilipinas lamang ang tumupad. At simula noon, sinakop na nila ang Panatag Shoal.
Bahagi ng mga hakbangin ng Pilipinas tungo sa tamang direksyon ay ang pakikipag-usap ng Pilipinas sa Malaysia. Sa huling pagbisita ng Pangulo Benigno Aquino III doon, napag-usapan nila ng Hari ang pag-aalyansa ng mga bansang may kaparehong sitwasyon sa Pilipinas sa usapin sa South China Sea. Ang bansang gaya ng Hapon ay nauna nang nagpahayag ng kagustuhang makipagtulungan sa Pilipinas laban sa mga nakababahalang ikinikilos ng Tsina.
Tamang hakbang, sa aking pananaw, sapagkat hindi natin maaasahan ang Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) na kumilos bilang isang organisasyon dahil miyembro rin dito ang mga bansang kaalyado o “impluwensyado” ng Tsina at hindi boboto laban sa huli.
At higit sa lahat, himukin natin ang kongresista sa ating mga distrito. Huwag isuko ang paglalaan ng pondo para sa pagpapatuloy ng mo-dernisasyon ng ating Philippine Navy at Philippine Air Force na may pangunahing mandato sa Territorial Defense Operations o pagtatanggol ng ating teritoryong tubig at himpapawid (maritime and air domains).
Ang aral na ating mapupulot sa isa-isang pagkawala ng mga islang dati’y atin: Hindi maaaring angkinin ng isang bansa ang teritoryo na walang tao at doo’y nakatuntong o nakabase o hindi nito kayang ipagtanggol. At hindi maipagtatanggol ang mga pag-aari sa paraang lalabis sa natatanging kakayahan ng sandatahang lakas nito.
(sumulat sa edarevalo90@yahoo.com or mag-tweet sa atty_edarevalo)

The post ANG MGA BUMBERONG COASTGUARD NG TSINA appeared first on Remate.


BUMABALIK NA NAKAKAHON

$
0
0
bantay ocwKAPAG umaalis ang OFW, may seat assignment ito bilang pasahero sa eroplano. Ngunit dahil sa mga ‘di inaasahang pagkakataon, may nangyayari sa ating kababayan na hindi maiiwasan. Ang dating pasaherong nakaupo sa eroplano, bumabalik sa bansa na cargo o nakakahon na lamang. Palibhasa’y walang kasiguruhan ang ating buhay kaya wala naman talaga tayong mapanghahawakan kundi ang ating pangkasalukuyan lang. 
Kaya madalas nating marinig ang pangarap na magkaroon ng isang magandang kinabukasan para sa pamilya, kaya palagi na lang silang nakatuon sa panghinaharap.
Mahirap ang buhay sa abroad. Mahirap na mga kalagayan at taong pakikisamahan. Kalaban din ang hindi naman kinasanayang klima. Sobrang lamig o sobrang init. Na nagiging dahilan din ng ‘di napapanahong kamatayan ng mga OCW.
Sabagay palaging hindi naman napapanahon ang kamatayan. Wala naman kasing normal na tao na nagpaplano kung hanggang kailan siya mabubuhay. O ‘di kaya’y kung kailan niya gustong mamatay. Mapa-abroad man o maging dito sa Pilipinas, palagi nating kinahaharap ang kawalang-kasiguruhan.
Mahirap magplano ng ating hinaharap dahil hindi nga natin hawak ang bukas. Sa tagal na rin ng pagbabantay ng ating Bantay OCW sa ating mga kababayan, maraming beses na rin kaming sumalubong sa kanilang mga bangkay.
Sila ang mga dating pasahero na dati-rati’y sa passenger terminal sinasalubong ng kanilang mga mahal sa buhay, ngunit kung minsan, sa cargo terminal na ang bagsak nila. Kasama nagtatapos dito ang mga pangarap ng ating OFW.
Kaya palagi sana nating ipagpasalamat ang buhay na pansamantalang ipinahihiram sa atin ng ating Maylalang na si Jehovah. Gamitin ito sa makabuluhang mga bagay at maging kapaki-pakinabang na ginagawa ang kanyang mga layunin sa halip na puro sarili lamang ang iniisip natin.
o0o
KAMAKAILAN lang, personal na nagtungo si Irene sa Bantay OCW at inilahad ang napakapait na karanasang sinapit sa Saudi. Nakasaad sa kontratang pinirmahan niya sa POEA na isang Mohammed Abdullah Abdulazis Salimi ang kanyang employer. Pagkarating na pagkarating pa lang niya sa bahay ng amo, mahigpit na iniutos ng among babae, na kung tawagin ay madame, na manatili lang siya sa loob ng kwarto at huwag lalabas. Apat na araw siyang hindi pinalabas sa kuwartong iyon at hindi rin pinakain, kahit tubig, wala ring ibinigay. Teacher ang kanyang madame.
Nang ika-apat na araw na, doon lamang siya pinakain ngunit inilipat na siya sa pangalawang amo nito na isa ring teacher. Halos gayundin ang kanyang naranasan.
Pagkatapos, inilipat naman siya ng ikalawang employer sa ikatlong employer nito, na isa ring teacher. Tulad ng mga nauna, isang beses lamang siyang pakainin, kape at tinapay lamang din tuwing gabi, pagkatapos ng mahabang oras ng pagtatrabaho. Tumagal naman siya nang mahigit isang (1) buwan sa ikatlong amo. Akala ni Irene, dito na siya magtatagal. Pinahiram siya ng dalawang beses sa kapatid nito upang magtrabaho roon.
Nang nagreklamo na si Marilyn sa Bantay OCW mula sa Athens at nakausap ang kinatawan ng Rayza International Agency, na hindi pinakakain si Irene, sagot nila, bahagi lamang ‘anya ng training iyon sa OFW upang masanay siya sa mga susunod pang amo. At habang nagaganap ang lipatan ng employer, kumilos naman ang POEA laban sa ahensiyang ito na papanagutin sa pagpapauwi kay Irene.
Makalipas ang mahigit isang buwan, laking gulat ni Irene dahil ibinalik na siya sa ikalawang amo niya.  Dito siya binugbog, sinakal at pinagtulungan ng lima katao. Si madame, tatlong mga anak nito kasama pa ‘anya ang Pinay na sipsip sa amo na si Nerva, nakibugbog din. Gayong nakita niyang may iniabot na sobre ang ikatlong employer sa malupit na pangalawang employer, wala rin siyang suweldong natanggap mula roon.
Selos ang pinag-ugatan ng lahat. Nagsimula iyon nang makita ng among babae na ibinababa ng among lalaki ang mga gamit niya at binilhan siya ng tinapay nito, pagkarating na pagkarating pa lamang niya sa tahanan ng amo.
Nakapangutang si Irene ng P7,000 na naging P20,000 dahil sa tubo rito. Nakasampa na sa Adjudication office ng POEA ang Case no. 14010172 at tiniyak naman ni DA Jesus Gabriel Domingo na mabilis nilang tatapusin ang kaso at kaagad ilalabas ang schedule ng mga pagdinig.
Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Inquirer Radio dzIQ 990 AM, Lunes – Biyernes, 10:30 am 12:00 noon, audio/video live streaming:www.ustream.tv/channel/dziq Helplines: 0927.649.9870 / 0920.968.4700 E-mail: bantayocwfoundation@yahoo.com/ susankbantayocw@yahoo.com

The post BUMABALIK NA NAKAKAHON appeared first on Remate.

Lady Eagles umibabaw sa Lady Bulldogs

$
0
0

DINAGIT ng Ateneo Lady Eagles ang 25-22, 8-25, 25-19, 25-22 panalo laban sa mabangis na National University Lady Bulldogs sa semifinals stepladder ng nagaganap na 76th UAAP women’s volleyball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Ang Lady Eagles na minamanduhan ng Thai coach na si Anusorn Bundit ay makakaharap ang defending champions De La Salle Lady Spikers sa Finals.
Nagsanib puwersa ang “Tres Marias” na sina league-top scorer Alyssa Valdez, rookie Michelle Morente at Jorella De Jesus upang ilipad ng Lady Eagles ang set 1.
Sa men’s division, namuro ang defending champions National University Bulldogs matapos walisin sa tatlong sets ang Ateneo Blue Eagles, 29-27, 25-22, 25-22 sa game 1 ng kanilang best-of-three finals.
Nahirapan din ang Bulldogs na sumandal sa kanilang championship experience laban sa Blue Spikers na unang pumalo sa finals ay noong pang 1980.
Humataw si Edwin Tolentino ng 12 points, siyam na attacks at tatlong blocks upang tulungan ang Bulldogs na sagpangin ang game 1 at tanghaling best player of the game.
“Masaya at nakuha namin itong binigay ni God sa amin,” ani Tolentino. ” sa Game 2 gagawin namin ang lahat para makuha na ang titulo.”
Sa set 1 nakalayo ng limang puntos ang NU, 21-16 subalit dumagit ng 5-1 ang Blue eagles upang idikit ang iskor sa 22-21.
Umiskor sa palo si Bulldog netter Peter Torres para sa 23-21 pero kumana ng 3-0 ang Ateneo upang makauna ito sa set points, 23-24.
Tatlong set point ang nasayang ng Blue Eagles at makakuha ng SP ang Bulldogs ay tinapos na nila agad ang laro.
Lumaban din ng pukpukan ang Blue eagles sa set 2 nang habulin nila ang six-point lead ng Bulldogs14-8.

Naitabla ng Ateneo ang iskor sa 16 bago muling kumalas ang Bulldogs, 17-20 at tapusin ang pangalawang set.

The post Lady Eagles umibabaw sa Lady Bulldogs appeared first on Remate.

8 sasakyan nagsuwagan, 11 sugatan

$
0
0

AABOT sa 11 katao ang nasugatan makaraang araruhin ng pampasaherong bus ang walong sasakyan sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa tinaguriang “killer highway” sa Quezon City kaninang hapon, Marso 1, 2014.

Ayon sa ulat ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit, tinatahak ng passenger bus na Mayamy Transport  ang naturang lugar nang rumampa sa center island ng Commonwealth Avenue papuntang Quiapo at saka mabilis na  mapunta sa kabilang lane  ang naturang bus papunta ng Fairview dahilan para banggain naman ang walong mga sasakyan.

Ayon sa Traffic sector ng QC Police, sinabi ng ilang mga pasahero ng isang UV Express, isa sa mga binangga ng bus , na ang driver at conductor ng naturang bus ay tumakas makaraan ang aksidente.

Sugatan naman ang isang motorcycle rider,  isa sa walong sasakyan na inararo ng Mayamy Transport.

Isinugod sa East Avenue Medical Center ang mga nasugatan sa aksidente, habang patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.

The post 8 sasakyan nagsuwagan, 11 sugatan appeared first on Remate.

Sarangani, inuga ng 4.0 magnitude na lindol

$
0
0

INUGA ng magnitude 4.0 na lindol ang Sarangani kaninang hapon, Marso 1, 2014.

Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang sentro ng  lindol na may layong 174 kilometro timog silangan ng Sarangani Davao Oriental at may lalim ng lupa na 104 kilometro dakong 1:22 ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng naturang pagyanig.

Wala namang naitalang pinsala sa mga tao at mga ari arian ang naturang lindol at wala ding naiulat na aftershocks.

The post Sarangani, inuga ng 4.0 magnitude na lindol appeared first on Remate.

THE HUMAN FLAG!

$
0
0
UMABOT sa 19,500 elementary at high school students, kasama ang kanilang mga magulang, ang nagsama-sama upang mabuo ang human flag kasabay sa kanilang paggunita sa ika-19 taong pagkakatatag sa Muntinlupa bilang siyudad. Plano nilang isali sa Guinness Book of World Records ang naturang okasyon para maagaw sa Taiwan ang titulo.

UMABOT sa 19,500 elementary at high school students, kasama ang kanilang mga magulang, ang nagsama-sama upang makabuo ang human flag kasabay sa paggunita sa ika-19 taong pagkakatatag sa Muntinlupa bilang siyudad. Plano nilang isali sa Guinness Book of World Records ang naturang okasyon para maagaw sa Taiwan ang titulo.

The post THE HUMAN FLAG! appeared first on Remate.

Romblon city hall nasunog

$
0
0

NATUPOK ng apoy ang ilang bahagi ng municipal building ng Romblon, Romblon ngayong gabi.

Ayon kay Mayor Gerard Montojo, nagsimula ang sunog sa treasurer’s office na agad kumalat ang apoy sa iba pang bahagi ng gusali.

Hinihinalang electrical problem ang dahilan ng sunog.

Inaalam pa kung magkano ang pinsala sa insidente.

The post Romblon city hall nasunog appeared first on Remate.

Riot sa Pasay City jail, 3 preso sugatan

$
0
0

TATLONG preso ang sugatan nang magkainitan ang dalawang grupo ng mga bilanggo sa Pasay City Jail.

Ang nagkainitang grupo ay ang “Sige Sige” at “Sputnik.”

Agad namang nadala sa Pasay City General Hospital ang sugatan.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), upang malaman kung sino ang nagsimula ng karahasan.

Kabilang sa sinasabing rason ng kaguluhan ay ang love triangle.

The post Riot sa Pasay City jail, 3 preso sugatan appeared first on Remate.


Minero na-trap sa gumuhong minahan

$
0
0

ISANG minero ang na-trap habang tatlong iba pa ang sugatan nang gumuho ang isang minahan ng carbon sa Bararangay Dunga, Danao City, Cebu, Sabado kaninang umaga.

Alas-6:30 ng umaga kanina nang gumuho ang bahagi ng lupa habang nagmimina ang apat na biktima na kinilalang sina Melvin Landera, Ruben Malabago, Cirdo Bakang at Ranil Villanueva.

Inaalam pa ang sanhi ng pagguho.

The post Minero na-trap sa gumuhong minahan appeared first on Remate.

Shoplifter na bebot dakip sa La Union

$
0
0

DAKIP ang isang babae nang magpuslit ng ilang paninda sa isang mall sa Barangay Biday, San Fernando, La Union.

Kinilala ang suspek na si Myrna Santos, 38, tubong Zamboanga City at residente ng Baguio.

Lumalabas sa imbestigasyon na pumasok si Santos sa mall at nagpuslit ng mga grocery items na umabot ang halaga sa P10,000 saka inilagay sa brown bag nito.

Nang hindi dumiretso sa cashier ay agad na dinampot ang salarin.

Nakuha sa kanya ang ilang klase ng gatas, lotion, deodorant, pabango, alak at iba pa.

The post Shoplifter na bebot dakip sa La Union appeared first on Remate.

Dahil split na, bati na!

$
0
0

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Marami ang nakakapuna lately na pumapayag na ang maganda at chinky-eyed actress na magkasabay sila sa production number ng kanyang dating lady friend na minsa’y hindi talaga niya pinapayagang makasama sa production numbers.

In due deference to the young actress who’s the bigger star between the two, ina-avoid talaga ng production people na huwag silang magkasama.

But lately, marami ang nakapupunang, hindi lang sila magkasama sa production number, pinagtatabi pa sila. One thing na hindi uubra a few months ago when the feud between them was peaking and the supposed ‘villainess’ affair with the hunky and well-endowed (well-endowed daw, o! Hahahahahaha!) guy was in full gear.

Hahahahahahahahahahahaha!

Why is that so?

Could it be that their ‘reconciliation’ is very much in the offing? Hahahahahahahahahaha!

Dapat lang naman. After all, maganda naman ang kanilang pinagsamahan at may panahon pa ngang ‘yung mahusay umarte pero not so popular young actress was the shoulder to cry on by the svelte more popular actress.

Nice!

Is that you, Kim Chiu and Maja Salvador? Hahahahahahahaha!

‘Yun na!

AYAW BILHIN ANG BUONG BAKA

NATAWA ang working press sa sinabi ni Toni Gonzaga sa thanksgiving party niya sa Packo’s the other night na dahil sa penchant for ‘testers’ raw ng mga tao sa ngayon, ayaw na tuloy bilhin ang buong baka.

In Toni’s case, mas gusto raw niyang bilhin ang buong baka kaya ayaw niyang pa-tester.

“Pero nirerespeto ko po ang paniniwala ng iba,” she adds as an after thought. “‘Yun naman po ay paniniwala ko lang.”

Anyhow, dahil sa pandemonium response sa kanilang Starting Over Again movie ni Papa Piolo Pascual, may binabalak daw na sequel ang Star Cinema.

Na dapat lang naman dahil 360 million na raw ang kinita as of presstime ng movie.

Anyhow, what if the sequel would demand more sizzling love scenes?

Her answer was brief and succinct, hindi raw talaga siya kumportable sa mga love scenes.

‘Yun na!

HALHAL ‘DELA’ SA PAGDYA-JUSTIFY SA BAGO NIYANG MUKHA!

DEFENSIVE si Fermi Chakita every time her new ‘face’ is being talked about of late.

Sa edad niya kasing llebo singkwenta na, mukhang mas bumata raw siya at nabawasan ang mga wrinkles sa kanyang chakang (chaka pa rin daw, o! Hahahahahahahahahaha!) pagmumukha.

Anyway, hindi sapat na ‘binanat’ ang kanyang skin, dapat ay nagpa-noselift din ang gurangis na ‘to.

Hahahahahahahahahahahaha!

Kaya kasi hindi mahagip ang kanyang pagmumukha ay dahil sa dapang-dapa ang kanyang kailungan kaya hirap talagang kunan siya in a flattering light. Harharharharhar!

Anyway, ayaw matulog ang matandang ito sa panghaharang sa amin ni Peter Ledesma.

Barya-barya na nga lang ang TV guesting namin sa TV5, kinana pa rin ng syongitelyang ito ang guesting namin sa Face the People that’s being hosted by Gelli de Belen and Tintin Bersola-Babao.

Well, I don’t fucking care if this demomic matrona would do everything in her power so as to derail our showbiz career.

Hanggang kailan naman kasi siya makapanghaharang aber? Hahahahahahahaha!

Hayan at wala na nga ni katiting na feedbacks ang kanilang Police Chorva dahil sa katangahan at kapangitan niya. (Hahahahahahahaha!)

Might as well na lumayas na siya sa TV5 dahil ang kapangitan at burak (burak daw, o! Hahahahaha!) niyang pag-uugali ay di nararapat sa telebisyon. Hahahahahahahahaha!

Magpunta na silang dalawa ni Hinghing Halinaw sa Animal Planet dahil doon sila nababagay. Hahahaha!

Yucky!

Magdyeta ka nga pala matandang chaka. Hahahahahaha!

Hayan at hirap na hrap ka ng maglakad dahil sa laki at bigat ng tiyan mo, doble carang halimaw.

Ikaw rin, it could happen to you!

Beware!

Hahahahahahahahahaha!
YAM CONCEPCION, RELAKS LANG!

KUNG ang ‘kapatid’ niya sa kwadra ni Ms. Claire dela Fuente na si Meg Imperial ay sunud-sunod ang projects, cool na cool lang si Yam Concepcion dahil meron palang isang malaking proyekto na niluluto ang Kapamilya network para sa kanya na follow-up bale sa top-rating soap nila ni Ejay Falcon na Dugong Buhay.

Well, dapat lang naman. After all, she’s not only a ravishing beauty but inordinately talented as well.

Good luck Yam. You deserve the kind of success that you’re getting lately.

***

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at pete_ampoloquio@yahoo.com and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

The post Dahil split na, bati na! appeared first on Remate.

Pagkatapos ng kontrobersyal na sampalan, parehong endorsers pa ngayon!

$
0
0

MARAHIL ay bihira na ang nakakaalala na nagkaroon ng ugnayan dati sina Regine Velasquez at Ariel Rivera halos isang dekada na ang nakakaraan? That time, GF din ni Ariel si Gelli de Belen at dahil nga ang dalawa’y (Regine at Ariel) palaging magkasama sa mga programa at out-of-town shows, nagkaroon ng something ang dalawang sikat na singers natin noon. Hindi nga lang happy ending ang love story ng singer-tandem dahil nga kailangan nang mamili ni Ariel kung sino kina Gelli at Regine ang tutuluyan? Si Gelli ang nagwagi at hindi lingid sa lahat na iniyakan ito ni Regine. Hanggang sa tuluyan na ring nagpakasal ang Fil-Am singer na si Ariel kay Gelli at ‘ika nga’y they live happily ever after’.

Noong panahong husband-and-wife na sina Ariel at Gelli, naging syota naman ni Regine si Ogie Alcasid na nauwi rin sa kasalan pagkatapos ma-grant ang annulment ni Ogie sa hiniwalayan ding asawang si Michelle Van Eimeren, dating Ms. Australia na naging kinatawan ng kanilang bansa sa Ms. Universe lampas-dekada na rin ang nakakaraan.

Mapagbiro nga talaga ang tadhana dahil parang nag-rigodon lamang ang “love story” nina Gelli, Ariel, Ogie at Regine.

Napag-usapan ang kanilang nakaraan dahil sa preskon ng Confessions of A Torpe, isang TV5 program na nag-pilot na noong February 24.

Magkasama sa nasabing sitcom sina Gelli at Ogie kaya’t ‘di maiwasang itanong kay Gelli ang nangyaring awayan sa pagitan nila noon ni Regine, maybahay ngayon ng katrabahong si Ogie.

Sa pahayag ni Gelli, bago pa raw ikasal sina Ogie at Regine noong 2010, nagkapatawaran na sila. Kumbaga, panahon lamang ang nakakapaghilom ng sugat gaano man ito kalalim .

Naalala pa ni Gelli, February 3, 2003 ay naging guest si Regine sa “SIS”, isang morning talk show sa GMA-7 na ang mag-sisters na Gelli at Janice de Belen ang hosts.

“Bago naman siya i-guest noon, tinanong muna ako ng staff kung okay lang ba sa akin na mag-guest si Regine?

Kumbaga, respeto lang ng staff sa host? Sabi ko, okay na ako,” ani Gelli.

At bilang pagpapatunay na all’s well sa pagitan ng dalawang kampo, dumalaw sina Gelli at Ariel sa burol ni Mang Gerry, ang tatay ni Regine noong first week ng February. Sincere ang pagpunta sa burol ng mag-asawa sa Bulacan.

At hindi naman siguro mabubuo ang samahang Gelli at Ogie sa Confessions of A Torpe, kung hindi pa nakamo-move-on ang dalawa.

—@@@—

AT sino din ang mag-aakala na after the controversial sampalan blues sa isang bar sa The Fort, month -long ago lang ang nakakaraan ay magiging magkatuwang pa sa isang product endorsement sina Anne Curtis at John Lloyd Cruz?

Ang dalawa’y napiling mag-endorse ng isang brand ng sardinas in connection with body fitness ek-ek.

Si Anne, a.k.a. Dyesebel ay nauna nang kinuha ng nasabing kompanya at dahil kinakailangan nila ang katuwang ni Dyesebel para i-promote ang body fitness along with the product, thus, the name John Lloyd appears.

Tuloy, Lloydie (palayaw ng aktor) will undergo fitness training sa mga coach na sina adine Tengco at Jim Saret ng Pinoy Biggest Loser. May konting bilbil pa kasi si John Lloyd kaya’t kailangan nitong magbawas ng tiyan.

Subali’t ang pagiging chubby ni Lloydie ang dahilan kung bakit ‘di ito nakasipot sa launch ng said sardine product sa isang 5-star hotel. Noong panahong ilo-launch ang product, tiyempong nagkaroon ng bike accident ang aktor sa Capas, Tarlac and he has to go minor surgery dahil sa tinamong gasgas at sugat sa ilong.

—@@@—

LAST 2 weeks nang mapanonood ang Honesto at bilang pagpapaalam sa ere, nagkaroon ng isang thanksgiving preskon ang Dreamscape para i-announce ang highlight ng remaining episodes. Gaya ng napanonood nating trailer ng Honesto sa ngayon, may barilang magaganap sa pagitan ng kampong magka-away, between sa mga masasamang pamilya ni Joel Torre at ang mga aping sina Raikko Mateo, ang bida ng Honesto.

Nakaaaliw sumagot si Raikko dahil pinasalamatan niya ang mga nagsusulat sa diyaryo (mali lang ang pagkakabigkaks nito ng radyo imbes dyaryo) sa mga suportang ibinigay nila sa kanilang programa.

After Honesto, mapanonood si Raikko sa “Wansapanataym” sa buong buwan ng Marso at inihahanda na rin ang isang seryeng magtatampok sa batang aktor sa lalong madaling panahon.

The post Pagkatapos ng kontrobersyal na sampalan, parehong endorsers pa ngayon! appeared first on Remate.

Cristine Reyes, naghihintay ng 1st move ni Paulo

$
0
0

THERE was a sign of relief from the press sa ginanap na finale presscon for Honesto dahil naging very honest sina Cristine Reyes, Paulo Avelino at ang wonder boy na si Raikko Matteo sa mga tanong especially from the sexy and flawless Cristine. “Oo single ako ngayon at loveless at hanggang maari, gusto kong bigyan ang sarili ko ng break para magawa ko ang gusto kong gawin para sa career ko. “Siguro, 2 to three years pa at isang taon na akong walang lovelife,” litanya ng Calayan endorser.

Dagdag pa nito, “Sa rami ng work ko, siguro puwede rin akong magka-lovelife kung mismo ang guy ang unang gumawa ng first move kasi kung ako ang aasahan, kulang ang oras ko. Magiging loveless talaga ako.”

Inamin nitong seryosong tao ang kanyang partner sa Honesto na si Paolo Avelino at never naman daw itong nagparamdam na may gusto sa kanya. Gusto niya ang pagiging dedicated nito sa kanyang work at nababaitan naman siya rito na isa sa kanyang gustung-gusto sa kanyang magiging makarelasyon. “Di naman siya nagparamdam, wala ngang first move eh!” paeklay nito.

Inamin din nitong lahat ng kanyang mga naging ex ay naging friends niya ngayon like Rayver Cruz na magkalapit lang ang kanilang tinitirahan kaya madalas silang nagkakausap at lumalabas. Unlike Derek Ramsey na magkalapit din ang kanilang tinitirahan pero walang panahon na mag-bonding dahil sa sobrang abala ang dalawa sa kanilang trabaho.

Aniya, “Nagkasama kami sa isang wedding ng anak isang kaibigan, magkasam rin kami sa pag-uwi. Di ba may tsika na nagkalikan na kami? Hindi, friends lang talaga kami.”

Inamin din nito ang tsika sa kanilang dalawa ni Dennis Trillo na nakitang magkasama pero kailangan ilihim ang kanilang pagiging magkaibigan dahil kailangan daw, as simnple as that! hence, di na namin inungkat at kinulit.

Inamin nito na naging syota niya si Mark Herras at tuloy pa rin ang kanilang communication dahil mayroon silang Starstruck family. Nagulat siya sa isyu ngayon ng aktor na may naanakan ito pero sabi nito, kung siya ang nasa lugar ni Ynah Asistio at mahal pa rin ang aktor, tatanggapin niya ang pang- yayari. “I will deal with it,” one-liner nito.

Sa ngayon, inamin nitong may nagpaparamdam sa kanya na isang basketball player named Kevin sa Instagram.

Ipinakilala ito sa kanya ni Vice Ganda and she finds the guy mabait. Medyo gusto niya dahil weakness niya ang guy na mabait lalo pa, marami itong ipinapadalang picture sa kanya na kasama nito ang kanyang batang kapatid.

Aniya, “Hindi ko alam kung nanliligaw siya kasi ‘hindi ba ang nanliligaw ay pumapanhik ng bahay pero ngayon, iba na talaga, idinadaan na lang sa pa-text-text eh. Tanggapin na natin na ito na ang nangyayari ngayon. Di ako alam kung siya na pero bata pa naman kami, 25 ako at 23 siya pero gusto ang quality niya, mabait.”

And the finale, friends lang talaga ang turingan nito sa kanyang mga naging ex at kung may magseseryoso sa kanya na magkabalikan at maging sila na ang magkatuluyan, “Dapat nand’yan siya sa panahong ready na ako to settle down kasi gusto ko rin magka-baby. Hinihiram ko nga ang aking pamangkin kasi love ko babies.”

Isang linggo na lang at magwawakas na ang Honesto na kahit nagre-rate ito ng napakataas ay kailangan nitong magpaalam hindi tulad ng May Bukas Pa na inabot ng halos isang taon. Napag-alaman namin na good for 6 weeks lang ang MBP pero hindi nila akalaing nakadiskubre sila ng wonder boy sa katauhan ni Santino kaya na-extend ito ng ilang buwan at halos inabot ng isang taon.

Kaya naman nabuo ang Honesto ay dahil kailangan ng manonood ng palabas na nagbibigay inspiration at encouragement. But sad to say, it has to end and this time, Kapamilya means business. Maraming mga show ang naka-line-up at ang iba ay nagsimula nang mag-taping at kailangan bigyan din ng trabaho ang maraming talents. But the fans of Honesto need not to despair dahil mayroon silang apat na linggo na mapapanood ang 5 year old actor sa Once Upon A Time at may isa pang project na niluluto para sa kanya ng ABS-CBN at Dreamscape.

The post Cristine Reyes, naghihintay ng 1st move ni Paulo appeared first on Remate.

Viewing all 58341 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>