
TUMAAS na naman ng dalawang piso ang bawat kilo ng iba’t ibang uri ng bigas sa mga pamilihan sa Caloocan City dahil sa kakulangan ng suplay nito.
The post AYAW PAAWAT SA PAGTAAS! appeared first on Remate.
TUMAAS na naman ng dalawang piso ang bawat kilo ng iba’t ibang uri ng bigas sa mga pamilihan sa Caloocan City dahil sa kakulangan ng suplay nito.
The post AYAW PAAWAT SA PAGTAAS! appeared first on Remate.
NASA bansa na ang X Factor Israel champion na si Rose Fostanes.
Eksaktong alas-7 ngayong gabi nang lumapag ang eroplanong kinalululanan ng singer sa NAIA.
Sinalubong si Fostanes ng mga kinatawan ng OWWA.
Agad namang didiretso si Fostanes sa kanilang bahay sa Taguig.
The post X Factor Israel champion Rose Fostanes nasa bansa na appeared first on Remate.
PATAY ang 11-anyos na lalaki nang 46 beses sinaksak ng kanyang kaibigan na 16-anyos dahil sa hidwaan sa networking site na Facebook.
Sa ulat, natagpuang patay na ang biktimang si Mark Jericho Surio sa likod ng bahay nito sa Bulacan.
Ang biktima ay may 46 na saksak sa katawan.
Hinihinalang suspek sa krimen ang mismong kaibigan ng biktima na 16-anyos na lalaki.
Pinaniniwalaan na nagalit ang suspek dahil sa pag-hack ng biktima sa kanyang Facebook account.
Umaapela ang pamilya ni Surio na maparusahan ang suspek kahit na menor de edad ito.
The post 11-anyos, 46 beses sinaksak ng kaibigan dahil sa Facebook appeared first on Remate.
TAG-INIT na ngayon pero hindi dapat kalimutan na susunod na ang tag-ulan.
Ito Ang Totoo: sa Pilipinas, dadalawa lang naman iyan kaya “predictable” o puwedeng malaman kung anu-ano ang mga posibleng mangyaring problema o sakuna dala ng panahon.
Karanasan na rin ang nagturo sa atin na sa tag-init, mas malimit na magkaroon ng sunog, sa mga kabahayan, negosyo at maging sa kagubatan.
May mga sakit ring naglipana sa tag-init tulad ng chicken fox, measles, mumps (beke), sore eyes at typhoid.
Pero sa Lungsod ng Olongapo at bayan ng Subic, ngayon pa lang kinatatakutan na ang pagbaha sa tag-ulan.
Kaya kanda-kumahog si Olongapo Mayor Rolen C. Paulino sa pagpapahukay ng mga ilog, kasama na ang bibig nito sa Subic Bay dahil grabe na talaga ang “siltation.”
Bumili na rin ang lungsod ng karagdagang dalawang “dump trucks” para mapabilis ang trabaho.
Tanong na lang ngayon ay kung sasapat ba ang nagagawang paghuhukay para mapigilan ang katulad ng dinanas nitong nakaraang taon na pinakamalaking pagbaha sa kasaysayan ng lungsod.
Tatlong “rubber boats” at isang traktora naman ang binili sa bayan ng Subic ni Mayor Jay Khonghun.
Aniya, sa kawalan ng suporta ng pambansang pamahalaan para sa magastos na paghuhukay ng mga ilog, kakapusin ang Subic sa “prevention” ng pagbaha kaya pinagtuunan na rin ng pansin ang “rescue” sa pamamagitan ng rubber boats.
Dismayado si Mayor Khonghun sa Malacañang, DPWH, DILG at iba pang sangay ng gobyerno sa kawalan ng aksyon o sagot man lang sa kanyang mga liham, kalapip ang mga resolusyon ng Sangguniang Bayan, na humihiling ng tulong.
Ito Ang Totoo: ang paghahanda laban sa pagbaha ay dapat gawin sa panahon ng tag-init habang wala pang sakunang nagaganap dala ng buhos ng ulan.
Ibig sabihin, kung tutulong man ang mga nakatataas na kinauukulan, dapat ngayon na at hindi kapag bumabaha na o tapos na ang baha.
Ito Ang Totoo!
The post PAGHANDAAN ANG TAG-ULAN appeared first on Remate.
TOTOO nga kaya ang paniniwala ng marami na wala nang katuturan ang EDSA People Power Revolution 1?
Ito’y sa kabila ng katotohanang dinagsa naman ng tao ang paggunita nito sa Cebu kamakalawa.
Nang magdaos nga ng misa sa EDSA Shrine si Bishop Soc Villegas na batang Cardinal Sin, naging kapansin-pansin din ang pagkalangaw ng mga upuan ng simbahang ito. Hindi tuloy napigilan ni Bishop Villegas ang maglabas ng sama ng loob, kahit kaunti lang.
SOMETHING IS WRONG
ANG pagkawala ng interes ng mga taong EPPR1 at mismong mga mamamayan ay malaking palatandaan ng pagtingin ng mga ito sa kasalukuyang pamahalaan.
Paano kung sa EDSA idinaos ang “Salubungan”, eh, nilangaw rin? At kung napuno man ay pawang mga nagpoprotesta laban sa pamahalaan ang gumawa nito?
Ito rin ba ang isang malaking dahilan kung bakit hindi isinentro ng pamahalaan ang selebrasyon sa EDSA at isinagawa na lang ito sa Cebu? Paano ang tingin ng marami na palusot lang ng pamahalaan ang pagdaraos ng EPPR1 sa Cebu at pagsasabing gumampan din ang Visayas at Mindanao ng mga katumbas na laban sa diktadurya noon at pakikiisa sa EPPR1?
MAY KATUTURAN PA RIN
PARA sa atin, malaki pa rin ang katuturan ng EPPR1. Isang leksyon dito ang katotohanan na nasa mamamayan ang tunay na lakas sa pagbagsak at pagtayo ng isang pamahalaan gaano man makapangyarihan ang huli.
Makapangyarihan ang huli dahil hawak nito ang mga militar, pulis, CAFGU at iba pang armado, husgado, Kongreso, Palasyo at mga lokal na pamahalaan.
Pero sa pamamagitan ng People Power, kayang durugin ng mga mamamayan ang pamahalaan kahit itatag pa ito sa moog ng martial law kung taliwas na ang kilos nito sa interes ng una.
Ano nga ang magagawa ng daang libo lang na armadong puwersa ng pamahalaan sa milyon-milyong mamamayan na gustong magtatag ng pamahalaan na magsusulong ng kanilang interes?
BIGO KAYA NILALANGAW
MAGANDA na sana ang pasimula ng kasalukuyang pamahalaan dahil nagsimula ito sa pangakong dudurugin nito ang mga nakaugat na sobrang korapsyon at pandarambong sa mga taong 2004-2010.
Pero apat na taon na ito at dadalawang taon na lang ang nalalabi para ito lilisan ngunit wala pa rin itong masasabing malaking pagbabago sa nabanggit na mga salot sa pamahalaan. Kung may nagagawa man ito, tanging sa pulitika lang nagaganap at ang mga hindi nito kasundo lang ang nape-perhuwisyo.
Nananatili ang korapsyon at pandarambong at ang masama nito, sa tingin ng taumbayan, ay lumipat lang ng kamay ang mga ito.
WALANG KATARUNGAN
HIGIT na masama, tabinging-tabingi ang katarungan sapagkat walang pagkilos ang pamahalaan upang ilagay sa harapan ng dambana ng katarungan ang mga may tangan sa poder. Ito pa naman ang pinakaaayaw ng mga mamamayan. Walang puwang sa buhay ng mga mamamayan ang katarungang walang pagkakapantay-pantay at pinaiiral ng mga mapagkunwari at abusado na rin sa kapangyarihan.
‘Yun bang === kung hindi kinakasuhan ang mga taga-Palasyo at mga kaalyado ng mga ito sa Kongreso at mga lokal na pamahalaan gaano man katarantado ang mga ito, diyan na tahimik ngunit umaalma ang mga mamamayan.
Kung hindi sa halalan inilalabas ito, mismo sa mga lansangan. At ang masama pa, kung ipinakikita na ng mga ito ang kawalan nila ng interes maging sa katulad ng EPPR1 na napakahalaga sa ating pambansang buhay, paktay na ang kinabukasan ng nakatayong pamahalaan.
HIRAP AT GUTOM
KABILANG sa mga sukatan ng mga mamamayan ng pagiging seryoso ng pamahalaan sa buhay pambansa ang pag-aahon sa kahirapan ng nakararaming mamamayan.
Sa nakalipas na apat na taon, bakit dumarami ang nagsasabing pahirap nang pahirap ang kanilang buhay? Taliwas naman ito sa ipinangangalandakan ng pamahalaan ng payaman na na payaman ang Pilipinas.
Pero sa harap nito, umaamin naman ito na napakalaki ng pagkukulang nito kung kinokompronta na ito ng mga organisasyong katulad ng United Nations at International Labor Organization. Sinasabi ng UN na bigo ang pamahalaan sa pagsugpo sa kahirapan at sinasabi naman ng ILO na hindi nararamdaman ng mga mamamayan, lalo na ng mga obrero, ang sinasabing pagyaman ng Pilipinas.
Hangga’t wala talagang pagbabago sa gutom at kahirapan at kung mayroon man ay pasama nang pasama, lalangawin at lalangawin nga ang EPPR1 at lalong nakikitang walang kredibilidad ang pamahalaan.
BLACKEYE AT KNOCKOUT
KUMBAGA sa boksing, maituturing ngayon na naba-blackeye at nana-knockout na ang mga kalaban sa pulitika ng mga nasa administrasyon at may kaugnayan ito sa halalang presidensyal sa 2016.
Akalain mo bang “guilty” agad ang mga nasa oposisyon kahit imbestigasyon pa lang ang inaabot ng pagkalkal sa kabulukan ng mga ito.
Subalit kung mismong sa EPPR1 ay naba-blackeye at nana-knockout ang administrasyon, may malaking problema.
Iba ang pamantayan ng mga mamamayan sa gusto nilang pagkamit ng katarungan at tamang pamamahala sa pamahalaan. Paano kung ang tingin ng mga mamamayan ay kasing bulok at umaalingasaw sa kabulukan ang mga nasa poder o administrasyon ng mga ipinaparada nilang mga bulok at umaalingasaw sa pamahalaan? Hmmm!
oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333.
The post EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION 1 NILANGAW appeared first on Remate.
SA tulong ng kanyang magandang tinig, nagawang mangibang-bayan at makapagpatayo ng sariling negosyo ng Pilipinang si Cean Devries.
Sa University of Sto. Tomas sa Pilipinas nagtapos ng kursong Hotel and Restaurant Management si Cean. Bagama’t nakapagtapos ng kolehiyo, hindi opisina, kundi ibang karera ang kanyang pinuntahan- ito ay ang pagiging bahagi ng bandang kung tawagi’y Ultrashock, kung saan ay isa siyang mang-aawit. Ito ang naging daan upang makarating siya ng bansang Indonesia.
Ayon kay Cean, anim na buwan lamang ang maaaring itagal ng working permit ng isang banda sa nasabing bansa, kung kaya’t makalipas ang anim na buwan ay napilitang magsibalik sa Pilipinas ang ilan niyang ka-grupo, subalit siya ay nagdesisyong manatili roon.
“I had chosen to stay because I met someone- my husband. He proposed marriage and so I stayed.” Kuwento niya.
Mapalad rin si Cean sapagkat napansin ng may-ari ng lugar na dati nilang tinutugtugan ang kanyang husay sa pag-awit na naging daan upang maging interesado itong alamin ang iba pa niyang kakayahan.
Nang malaman kung ano ang kursong kanyang tinapos ay agad siyang inalok nito upang maging manager ng buong lugar.
Makalipas ang isang taon, nagdesisyon si Cean at ang kanyang asawa na magtayo ng sariling negosyo.
Sa kanilang pagsisikap at pagtutulungan ay naitayo ang Options Entertainment International, isang talent agency na nagpapadala ng mga mang-aawit sa iba’t ibang bansa.
“Ang company namin is engaged in arranging live music entertainment for five star hotels in Indonesia; we have several artists from the Philippines and from here, we train them and they go to abroad.” Kwento pa niya tungkol sa kanilang kompanya.
Nabanggit niya na hindi biro ang kanilang pinagdaanan bago naging matagumpay ang negosyo nilang ito sapagkat ‘ika nga niya ay ‘from the scratch’ sila nag-umpisa.
“Ang meron lang kami guts and confidence kailangan mahaba ang pisi mo. Eventually nakuha namin yung first contract then nagroll over na lang’ yun. Timing na rin na hindi pa gaanong maraming entertainment companies when we started.” Wika niya.
Ayon kay Cean, marami silang kliyenteng bilib sa kakayahan ng mga Pinoy, hindi lamang dahil sa galing natin sa pag-awit kundi dahil na rin sa pagiging masinop, masipag, matigaya at husay sa pagsasalita ng Ingles. Hanga rin diumano ang mga ito dahil sa pagiging orihinal at flexible sa musika ng mga kababayan natin.
Tunay na malayo na ang narating ng dating mang-aawit ngunit ngayo’y big-time na negosyanteng si Cean at ito ang payo niya para sa mga gaya niya ay nais na magtagumpay- “All you have to do is just do your best in whatever you do.”
*******
Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan overseas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa PTV-4 tuwing Miyerkules, 8:30 ng gabi. Bisitahin ang Facebook fan page: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT.
The post PUHUNAN SA TAGUMPAY appeared first on Remate.
IDINEKLARA ngayon ang pagtatapyas sa presyo ng LPG simula sa Marso 1.
Sa ulat, simula alas-12 ng madaling-araw sa Marso 1 ay magbabawas ng presyo sa LPG ang Solane na aabot sa P4.68 kada kilo o P51.48 bawat 11 kg na tangke.
The post Tapyas-presyo sa LPG simula Marso 1 appeared first on Remate.
HAHAHAHAHAHAHAHA! I had the most amusing encounter last night when I went to a painting exhibit of a friend in one of the hotels within the Rizal Avenue area. Hahahahahahaha!
There was this svelte and finicky dressed young woman in a body-hugging gown that clinged to her svelte body seductively.
I was not in the mood to mingle with people so I just kept mysef busy posing in some private nooks of this historical hotel that was strategically situated within the heart of Manila.
At this point, my bff Peter Ledesma told me that the lady I was ogling at a couple of minutes ago was this sexy actress (sexy actress because she really can act) from a super hot network who once was predicted to have a rosy future by virtue of her extremely photogenic facial features.
‘Yun nga lang, somewere along the way, she was smitten with a brown-skinned sexy actor and plunged headlong into marriage. But being married seemed not to be guy’s style and in a matter of months, they were divorced.
Hahahahahahahaha!
After that, it was downhill all the way for the sexy actress.
For some reasons, parang nawalan na ng gana sa kanya ang major network na sa kanya’y nag-alaga.
The last time we heard from her, occasionally ay lumalabas-labas raw siya sa isang network na oo nga’t mapera pero hindi masyadong kinakagat ng masa.
Anyway, to make a long story short, parang biglang nawalan sa kanya ang show business kaya nang gabing makita namin siya, di talaga namin inakalang siya ‘yun.
Somehow, she was not made-up to perfection but somehow, the beauty was still there.
‘Yun nga lang, yung dating sparkle niya ay nawala na.
Parang ordinary na chick na maganda na lang siya at nawala na ‘yung innate glamor ng isang showbiz denizen.
How so very pathetic!
Ang nakababaliw lang, nang hahawakan na namin siya sa may baywang, hindi raw siya kumportable sa ganon. Harharharharharhar!
Tinalo ang mga bagets sa Got to Believe ng ABS CBN sa pagka-demure. Hakhakhakhak!
Ganuned? Hahahahahahahahahahahaha!
Ma! Harharharharhar!
TOKEN LIZARES, HER KIND OF MUSIC IS AGELESS!
SHE is not what you would call as a spring chicken but Token Lizares is still sprightly and energetic. The moment she also opens her mouth and starts to sing a note or two, you’ll be amazed with the kind of manic energy that radiates from her well-toned body.
Anyway, the talented chanteuse is going to stage a fund raising concert fittingly titled My Token of Love with very special guests Richard Poon, German ‘Kuya Germs’ Moreno, Michael Pangilinan, Prima Diva Billy, Niza Limjap, AJ Tamisa and Le Chazz under Butch Miraflor’s competent musical direction.
Proceeeds of the concert will be for the renovation of the Holy Family Home, Bacolod Foundation, Inc.
Holy Family Home – Bacolod Foundation, Inc. is an institution which provides residential care, protection, prevention, and rehabilitation for the abandoned, neglected, orphaned girls.
Anyway, the event will be held on the 22nd of March at Teatrino Greenhills, San Juan, Metro-Manila at 7:30 pm.
SUMPA NI FERMI CHAKA, PATULOY NA KUMAKALAT!
HAHAHAHAHAHAHAHAHA! Habang nagtatagal ang Police Chorva nina Fermi Chakita, lalong tumitindi ang pagka-irita rito ng sanlibutan.
Oo nga’t maganda naman ang pagdadala ni Raymond Gutierrez pero once na lumipat na ang focus ng camera kina Fermi Chaka at Shalaletch, yuck! Nandidiri nang talaga ang mga televiewers at biglang inlilipat sa ibang channel ang TV. Hahahahahahahahaha!
Pa’no naman, this plebeian-looking bungalya is no longer suited or adpatable to the present times.
Hahahahahahahahaha!
Sa chakang hilatsa na lang ng pamugmukha ng lisping matrona na ‘to ay talaga namang nakaiirita na ever. Hahahahahahahahahaha!
Yuck!
Anyway, ang say ng ilang sources natin ay na-karma na raw talaga ang doble-carang matrona na ‘to dahil sa ginawa niya sa mag-inang Dolly Ann carvajal at IC Mendoza na hindi niya tinantanan hangga’t hindi napatatalsik sa TV5.
Ang ending, bumabalik naman lahat ng kabalahuraan niya sa kanya. Hahahahahahahaha!
Buti nga!
Sa totoo, bilang na ang araw ng umaalog-alog ang dentures na matrona. Hahahahahahahaha!
‘Yun na!
I’m so very happy indeed!
Harharharharhar!
MEG IMPERIAL, MARAMI NA ANG NAGPAPANTASYA!
HATAW talaga sa ngayon ang career at beauty nitong si Meg Imperial.
Imagine, this early, marami na ang nag-aabang sa kanilang afternoon thriller na Moon of Desire kung saan isang werewolf ang kanyang gagampanan sang-ayon sa ilang insiders na aming nakausap.
Kaya pala may moon dahil kapag lumalabas na ang kabilugan ng buwan ay may malaking pagbabagong nangyayari sa character na ginagampanan ng flawless na teenage actress.
Kung werewolf si Meg, ano naman kaya ang role ng eskalera rin ang gandang si Ellen Adarna?
Well, nakasisiguro kaming patalbugan sa pagpapaseksi ang dalawang young sexy actresses na ‘to.
‘Yun na!
Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at pete_ampoloquio@yahoo.com and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here. And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!
The post Ilusyunada’t feeling star! appeared first on Remate.
BIBIDA na pala sa isang teleserye ang Fil-Am young actor na produkto ng isang Reality contest na bini-build-up ngayon ng poor third TV network. Atleast ngayon ay nagkakaroon na ng progress ang buhay ng tinutukoy nating young actor na matindi pala ang pinagdaanan noong wala pa siya sa showbiz.
Yes, dati nang nabalita na pagko-callboy ang dating trabaho ng batang aktor na agad-agad naman nitong itinanggi. Hindi raw siya ‘yung nagtrabaho sa bar na malapit sa sementeryo ng Blumentritt kundi pinsan niya raw ‘yon.
Eh, paulit-ulit na sinasabi ng ating source na siya talaga ‘yung pinipilahan ng mga sari-saring bading. Kasi maliban daw sa mabango, flawless at very huge ang pagkalalaki nito. Ikaw ba naman kasi ang maging anak ng kano, no!
Saka kaya raw kinagiliwan ng mga bayot noon ang bibidang aktor sa serye ay dahil hindi siya demanding at okey na sa kanya kahit na tawaran mo pa ang kanyang asking price. Ang nakatatawang eksena, pati raw ‘yung bading na nagtitinda ng isda sa palengke na malapit lang sa bahay ni actor ay nahada rin siya na ang kapalit ay datung at fish na pang-ulam na ni Papa. Hahaha! so nakatatawa naman gyud!
DREAMSCAPE HEAD DEO ENDRINAL, SUWERTE KAYA LAHAT NG PROJECT PANALO
SA industriya nating ito, isa sa masasabi mong marunong makisama at sweet sa lahat ng mga katrabaho ay itong si Sir Deo Endrinal na head ng Dreamscape Entertainment Television.
Yes, grabe ang PR niya sa entertainment press at sino ba naman kami ng BFF kong si Pete A. para pansinin ng top executive ng ABS-CBN? Pero tuwing nakikita namin siya kahit saan ay parati niya kaming binabati. At hindi lang siya (sir Deo) mabait sa lahat ng mga artista nila sa Dreamscape kundi sa buong production kabilang na ang mga maliliit na taong nagwo-work sa kanila tulad ng PA, crew, cameraman, etc. Kaya kita niyo naman kapag in-offer sa isang artista ang project ay walang tanggi kay sir Deo dahil tumatanaw ng utang na loob ang mga ito sa kanya.
Maituturing ding no.1 starbuilder ang big Boss ng Dreamscape dahil lahat ng mga artistang pinagbida niya ay mas lalong lumaki ang mga pangalan sa industriya. Dahil mula noon hanggang ngayon kapag gawang Dreamscape ang isang teleserye, asahan mo magiging #1 ito sa Primetime Bida ng Kapamilya network. ‘Yung huling dalawang teleserye ni Coco Martin na Walang Hanggan at Juan dela Cruz, naghari talaga sa ratings game.
Ngayon ‘yung Honesto nila sa latest survey ng Total Philippines(URBAN + RURAL) last February 24 ay umabot na sa 35.6% ang rating ng serye na pinagbibidahan nina Raikko Mateo at Paulo Avelino. Honesto hits all-time high national rating! Kaya naman walang duda na ang parating na big budgeted teleserye na Ikaw Lamang na pinagbibidahan ng Prinsesa at Hari ng Teleserye na sina Kim Chiu at Coco Martin na ipalalabas na sa Marso 10 ay mangunguna na naman sa Primetime Bida ng ABS-CBN.
May eye at pulso pagdating sa talent si Sir Deo alam nito kung sino ang sisikat o hindi. At masuwerte rin ang mabait na ehekutibo sa pagkakaroon ng mababait na tao sa Dreamscape tulad ni Biboy Arboleda at kapatid na Eric John Salut na super sipag na mag-promote ng kanilang mga project.
Next month na rin nakatakdang ipalabas ang mangangabog na Dyesebel ni Anne Curtis with Sam Mily and Gerald Anderson. Andyan rin ang hindi patatalo sa katapat na Mirabella ni Julia Barretto with her leading man Enrique Gil. Sobrang blessed ang Dreamscape gyud!
PREMYONG CASH SA TRIP NA TRIP NG EAT BULAGA MAS PINALAKI PA
MAS lalong lumalaki ngayon ang tropa sa isa sa gustong-gustong panooring segment ng mga Dabarkads sa Eat Bulaga na Trip na Trip. At kasabay nito ay pinalaki na rin ang puwedeng mapanalunang cash prize ng contestant na mapipiling winner sa araw na ‘yun.
Happy happy ang mga kalahok dahil maliban na sa nagpapakilig ng araw nila na Los Viajeros na sina Pedro, Eduardo at Diego na kanilang nayayakap at may kandong pa sa kanila. Sa elimination round pa lang, tatlo sa matatanggal ay magkakamit na ng 3 K, 4 K at 5 K at tig-iisang EB Jacket. ‘Yung natirang isa na siyempre automatic winner na ay nakadepende naman sa roleta ang maiuuwing premyo. Kapag tumapat sa Kandungin si dude ang pinaikot na roleta ng kung sino mang winner ay tatanggap siya ng 15 K, 25 K naman para sa Upong Bagong Kasal, 30 K para sa kandungin si babe at kapag tumama sa Akbay-Akbay din pag may time ay 20 K naman ang makukuha.
Ang mga halagang ‘yan ang laman ng apat na maleta kaya Ka-trip pulsuhan mo na para makuha mo ang tumataginting na 30,000.
The post Young actor na bini-build up ng isang TV network, dating callboy appeared first on Remate.
POSITIBO naman ang feedback sa pag-amin ni Mark Herras na may baby na siya kahit hindi naman kagandahan ang comment sa ina ng kanyang anak. Ni-reveal na rin sa isang blog ang picture ng handler ni Mark na nabuntis niya at pati ang pangalan nito.
Pero hindi totoo ang tsika na tatapusin agad ang Rhodora X ng GMA 7 dahil sa pag-amin ni Mark. Hindi makaaapekto ito dahil sa ganda ng istorya ng Rhodora X na tinututukan at ayaw bitawan ng mga televiewers.
At kahit ang ka-partner niyang si Jennylyn Mercado ay sumusuporta sa pagiging tatay ni Mark ng 3-month old baby. Nu’n pa naririnig ni Jen ang tsismis na yan pero never niya tinanong si Mark dahil ayaw niyang lumabas na mahadera at pakialamera. Naiintindihan din niya ang kalagayan ni Mark lalot nasa hustong gulang na ito. Bukod dito, siya rin naman ay may anak na pero patuloy pa rin ang pagbibida niya at marami pa ring projects. I
tinuturing ni Jen na blessings ang pagkakaroon ng anak at magsisilbing inspirasyon para magtrabaho nang husto para sa kinabukasan nito.
Anyway, magsasabog na naman ng lagim si Roxanne (Jennylyn) dahil ikunulong niya sa cabin ng yate si Angela (Yasmien Kurdi) bago ang araw ng kanilang kasal ni Joaquin (Mark). Mabubulabog ang pamilya nila dahil hindi matagpuan si Angela.
May kasalan pa kayang magaganap?
-0o0-
SOLB ang mga kalalakihan sa pagpasok ni Solenn Heussaff sa Adarna dahil halos lumuwa ang boobs sa kanyang costume bilang taong ibon. Ito ang serye na wala raw siyang make-up kasi ibong Adarna siya na nagta-transform na tao bilang si Dayana. Unang pasabog niya sa serye ay aapuyin ng lagnat si Migo (Geoff Eigenmann). Siya ang papawi sa karamdaman ni Migo at lalabas na ka-triangle with Kylie Padilla.
In demand si Solenn kahit tinatanong din niya sa sarili niya kung bakit hindi siya marunong mag-tagalog, hindi marunong sumayaw pero game siya sa lahat. Kahit ano ang role niya, kung ano ang requirements nila ay wala siyang kiyeme. Wala siyang tanong tanong.
”Gusto ko matuto kaya game lang ako,” deklara niya.
Pero wish din niya na maging fluent siya sa tagalog dahil importante yun.
“Kasi feeling ko, may mga tao rin na nagtatanong sa akin kung bakit hindi ako nagiging lead? Pero sa ngayon, ayaw kong maging lead dahil alam kong hindi ko pa kaya. Ayaw ko rin ng drama, dapat comedy. Kasi hindi ko first language ang tagalong. Pag nagdrama ako, hindi ko feel minsan yung words ko dahil nagco-concentrate ako sa memorization, sa pronunciation. Pag comedy, puwede ko gamitin yung baluktot kong tagalong,” sey pa niya.
Hindi ba siya nabitin sa Adarna dahil kung kailan magi-ending na sa March 7, saka lang siya pumapasok?
“No no. Nagulat nga ako na nakasama pa ako. Nanonood ako ng Adarna sa gabi pag wala akong trabaho para mas mabilis akong magsalita ng tagalong. Tapos naka-receive ako ng text na magi-guest ako sa Adarna. Ibong Adarna raw ako, sabi ko ano? Malalim yun pag diwata. Pero pag magsalita ang ibong Adarna parang poet. Sobrang tense ako pag may dialogue. Parang masikip yung puso ko,” natatawa pa niyang pahayag.
The post Wapakels ang career sa mga intriga! appeared first on Remate.
SAM CONCEPCION is getting a lot of controversies for his decision to go sexy. Eh, ano ba naman ang masama kung gusto nya, eh, hindi naman kayo pinipilit na tanggapin? Ha, ha, ha! Mahusay syang kumanta, unang rason para suportahan sa kanyang concert sa Music Museum. Kanya-kanyang diskarte. Wala rin namang boses si Daniel Padilla at nakapuno ng Araneta Coliseum sa rami ng guest na mas sikat pa sa kanya. Same kay Enrique Gil na hindi rin super galing na singer at di naman super sexy. Far from being the best dahil may konting taba pa naman.
Karylle deserves to be happy. Let’s be kind to her. Respeto sa kanyang privacy. Tigil muna sa intriga para sirain ang kasayahan sa kanyang soon to be blissful marital life. Mabait naman ang kanyang magiging asawa. Kaya bigyan ng chance lumigaya ang tambalang ito.
Jericho Rosales is saying goodbye to his single life. Bagay naman sila ni Ms. Jones. Maganda pala ang kombinasyon nila ni Angel Locsin sa The Legal Wife. Ang galing nya sa teleserye na ‘to. Walang binatbat si JC de Vera, he, he. Ang husay ni Maja Salvador at wala pa nga yung sampalan nila ah, ha, ha!
Toni Gonzaga is superb in what she does. Blooming ke TV o film kaya tagumpay ang Starting Over Again at Home Sweetie Home. Kumpleto na ang Sunday viewing pleasure dahil nakakaaliw ang tambalan nila ni JLC. Akala mo totoo ngang mag-asawa. Intriga pa na malamang mas kumita ang film dahil sa kanyang galing at following. Kasi nga kumita ba ang huling project ni Piolo?
Coco Martin is back soon sa Ikaw Lamang. Ang ganda-ganda ng trailer at talagang aabangan na naman sa TV. Parang pelikula na nga, eh. Habang naka-period costume ang kasama niyang sina Jake Cuenca, Kim Chiu at Julia Montes pati na ang hairdo, si Coco ay nagmumura sa kanyang contemporaryong style na gupit, ha, ha. Paki explain nga yan.
The post Iniintriga ang pagpapa-sexy! appeared first on Remate.
MyPhone Youth Tech Congress (YTC) is a 3-day event that will cater technological seminars and workshops to students and young professionals, from February 27 to March 1 at Function Rooms 2 and 3, SMX Convention Center, SM Mall of Asia, Pasay City.
Speakers invited to conduct the seminars and workshops are GMA News and Public Affairs Multimedia Manager Pia Faustino, ABS-CBN Bayan Mo iPatrol Mo Head Rowena Paraan, Rappler Multimedia producer Josh Villanueva and renowned street photographer and photojournalists Luis Liwanag, among others.
The MyPhone Youth Tech Congress is MyPhone’s effort to provide tools and promote awareness to students on how vast the digital and mobile universe is.
MyPhone has invited these top-notch speakers and credible minds to influence the next generation towards a better social media lifestyle.
Interested participants may register on the first day of the event. Admission is free for students, while non-students may also attend with an entrance fee of P50.00
MyPhone will also showcase the brand’s model units, from T22 Duo, the first dual-SIM phone in the country which was released last 2007, up to 2013’s MyPhone Agua Iceberg.
The post MyPhone opens 1st Youth Tech Congress appeared first on Remate.
NAKAPAG-UMPISA na si Ai Ai sa kanyang taping ng Dyesebel bilang isang sirena na ina-inahan ni Anne Curtis bilang si Banak. Naging puspusan nga naman ang kanyang ensayo sa paglangoy at hanggang sa pagsisid sa ilalim ng dagat.
Bagama’t hirap daw lumangoy si Ai Ai dahil naiilang siya sa kanyang buntot, pinag-sumikapan pa rin niya na maging eksperto sa languyan at naging smooth naman ang kinalabasan kanyang paglangoy at pagsisid.
Sa umpisa lang daw siya nahirapan. Kapag kinakamusta raw si Ai Ai tungkol sa tampuhan nila ng dating bff niyang si Kris, wala raw itong reaction at ang gustong pag-usapan ay ang bago niyang manliligaw.
-0-
SA March 30, 2014, umpisa na ng pagpili ng pinakamagandang Pilipina – ang Beauty Pageant ng Bb. Pilipinas. Anim ang aming napiling bet, sina candidate no. 6 Anabel Christine Tia of Misamis Occiden-dental; no. 7 Aiza Fae Faeldonia ng Sultan Kudarat, Cotabato; no. 8 Pia Alonzo Wurtzbacch of Cagayan de Oro; no.13 Kris Tiffany M.Janson of Cebu; no.24 Ednornance Agustin of Davao City; and Mary Jane Lastimosa of North Cotabato.
Si Mary Jane ay sumali na noon at naging second runner-up ng time ni Janine Togonon kung hindi ako nagkakamali. I wish them goodluck. Pasukin din kaya nila ang pag-aartista kung sakali mang may manalo sa kanila ng major title?
Naalala tuloy namin na meron isang napakagandang mestisa na American/Spanish/Pilipino na naging first runner-up ni Cynthia Ugalde sa Miss Philippine Press Photography na ang pangalan ay Helen Gamboa na taga-Pampanga. Sa bawat kandidata noon ay nagre-present ng radio, tv, tabloid at broad- sheet. Kanya kanya silang kandidata. Ang sabi, point lang ang inilamang ng nanalong studyante ng UST na si Cynthia at pagkatapos noon ay pinili siya ng Mayor ng Manila to represent the Miss Universe of 1961.
Si Miss Helen naman ay naging stepping stone niya ang pagiging runner-up para maging artista at recording actress. Konti lang ang may alam na si Helen Gamboa ay produkto ng isang beauty contest. Sana’y maibalik ang patimpalak na ito, ang Miss Philippine Press Photography.
The post Deadma lang ang peg about sa former bff! appeared first on Remate.
NAKALULUNGKOT sa parte ng mga tagahanga nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang biglaang pagwawakas ng hit-seryeng Got To Believe. Kahit sa social media kung saan from it’s first day of airing noong August 26, 2013 hanggang nitong monday February 24, 2014 na tumakbo ng 7 months ay napanatili nito ang pagte-trending sa top 5 spot huh!
Base sa personal experience ko, grabe talaga ang tamba- lang KATHNIEL hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo! Naalala ko lang na sa aking edad at tinagal-tagal sa pagsusulat, dahil lang dito sa social media na ito ay naranasan kong ma-bashed huh! Well, sabi nga nila, kasama ‘yun sa pagiging parte ko na rin sa pamilya ni Daniel at okey lang yun sa ngalan ng pagmamahal! Charot!
Anyways, napakasarap lang isulat ang mga natatanggap kong text messages from Daniel’s followers. May mga nanghihingi ng fan sign, video greetings at kung anu-ano pa. May tumatawag sa akin na feeling nila na kapag nakausap na nila ako ay malaking bagay na yun para sa kanilang pagi-idolo kay Daniel Padilla. Bilang tao dahil naging fan din ako noon nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, so true, ang makita mo lang ng personal ang iniidolo mong artista at malingon ka man lang kahit ikaw ay nasa dulo ng pila ay tuwang-tuwa ka na, hindi ba? Yun iba nga, picture lang ng idolo nila kahit walang signature ay abot langit nang paghanga at proud na proud na!
Anyways, sa isip ko lang, this is the price of everything na ginagawang sakripisyo ngayon ni Daniel sa kanyang pamilya at fans. Ibang klase raw kasing karisma ni Daniel na kahit tayo sa entertainment press ay hindi natin mawari kung bakit? Gift of success kung tawagin ng iba. Kunsabagay, family matters most para sa anak-anakan kong si Daniel Padilla. Nakatutuwa na ang pagpapatayo ng napakalaking bahay sa QC muna ang kanyang inunang gawin. Of course, sa guidance na rin yun ni Karla Estrada na kanyang ina. Bumili rin siya nang sasakyan para sa kanya, sa kanyang Mama Karla at para sa kanyang mga kapatid.
Ganoon si Daniel Padilla. Kaya nga nakasasama rin sa loob minsan ang mga negatibong nasusulat sa bagets but the whole family remains quiet and just counted their blessings and so be it! Mahirap naman talagang nagtatanim ng sama nang loob to anybody. Continue dreaming Daniel Padilla and stay humble, Nak!
The post Continue dreaming and stay humble, nak! appeared first on Remate.
MATAGAL nagtiyaga at naghintay si Empress Schuck bago nabigyan ng magandang project sa ABS CBN. Pero dahil sa super taba siya noon at ang laki-laki ng pata, kinakailangan niyang magtiis ng gutom para lamang pumayat or else, walang project.
Nang pumayat, nagkaroon siya ng afternoon drama-fantaserye na “Rosalka” Pero hindi na nasundan ito. Tanging cameo role na lang ang natatanggap niya sa iba’t ibang serye.
Kaya ngayong tapos na ang kontrata niya ay nagiisip na siyang lumundag sa ibang network dahil naiinip na raw siyang maghintay sa wala.
“Wala talaga for now. Hindi ko alam kung bakit wala pa, kung bakit medyo matagal. Pero siguro they have their reasons kung bakit wala. Pero darating talaga ang time na maiinip ka, mag-iisip ka, ‘Ba’t wala pa?
“Ewan ko, marami pa rin namang opportunities sa ibang lugar. May times kasi na kailangan ko ring mag-move on. Sabi ko nga, marami pang opportunities na puwede kong pasukan. So, tingnan natin kung sino pa ang gustong kumuha sa akin or whatever. Pero kung gusto pa nila akong mag-stay, mapag-uusapan din naman,” ayon kay Empress na hindi na impress sa Kapamilya.
***
DANIEL AT KATHRYN ISANG ARAW NA PASASAYAHIN ANG KANILANG FANS
ISANG araw na hitik sa saya, palaro at sorpresa ang handog ng “Got To Believe” ng ABS-CBN para sa lahat ng dadalo sa kanilang ‘Best Fair Ever’ ngayong Linggo (Marso 2).
Ang fair na gaganapin sa Makati Circuit simula 8AM hanggang 5PM ay alay sa ‘G2B Army’ na binubuo ng mga kabataan na solid supporters ng most romantic series sa primetime TV na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Mabibili ang tickets para sa ‘Best Fair Ever’ ngayong Biyernes (Pebrero 28), mula 10AM hanggang 4PM sa Center Road ng ABS-CBN sa Quezon City.
Ang ticket na nagkakahalagang P500 ay may kalakip na ‘G2B Army Kit’ at magsisilbing pass para sa dalawang rides, photo booth, at ‘G2B Concert.’
Para sa kaayusan ng fair at kaligtasan ng mga dadalo, ang mga sumusunod ang mga paalaalang nais ipabatid ng organizers sa lahat: dalhin ang ticket sa araw ng fair; tiyaking sundin ang location map upang makarating sa Makati Circuit; hindi maaaring magdala ng pagkain sa loob ng venue; bawal ring magpasok ng alak, drugs at firearms; ang mga batang pitong taong gulang pababa at mga buntis ay hindi papapasukin; at may food, game, at ride booths sa loob ng venue. Magkakaroon din ang fair ng Chichay and Joaquin ‘Kalokalike’ search, pati na auction kung saan ipagbibili ang mga painting ni Chichay at iba’t ibang gamit ni Joaquin.
Tampok rin sa ‘Best Fair Ever’ ang tatlong espesyal na programa — isa sa umaga, pre-show sa hapon, at ang main concert na katatampukan ng “Got To Believe” cast.
***
For comment, suggestion & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 2-3 p.m, Monday to Friday. Mabalos!
The post Empress Schuck, inip na kakatambay appeared first on Remate.
ANG Pilipinas ay biniyayaan at pinalilibutan ng mga tubig tulad ng ilog at dagat pero dahil sa sobra-sobrang pag-aaksaya natin, mauubos din ito. Kaya dapat natin itong alagaan dahil maraming bagay ang pinagagamitan nito.
Ang pagpasok ng summer season at sa kakulangan ng ulan ay magdudulot ng pagbaba ng water level sa mga dam na siyang pinanggagalingan ng ating suplay ng tubig. Kapag ito’y mangyayari, siguradong magkakaroon ng shortage sa tubig.
Maging alisto tayong lahat, huwag mag-aksaya, dapat ituro ng mga magulang at guro sa mga bata ang kahalaganhan ng pagtitipid at sa paggamit ng tubig sa bahay at sa opisina.
Ang pamunuan ng National Water Resources Board (NWRB), laging magpapaalala sa publiko sa tamang paggamit ng tubig.
1. Mag-shower nang madalian pero mas makatitipid kung gagamit tayo ng tabo at tubig sa balde.
2. Mas mainam kung tayo ay nakatayo sa loob ng palanggana upang magamit muli ang tubig sa pagpa-flush ng toilet.
3. Iwasan ang mga hindi kinakailangang pagpa-flush ng toilet.
4. Isara ang shower habang nagsasabon at paghuhugas ng labahan.
5. Isara ang gripo habang nagsisipilyo o nag-aahit.
6. Gumamit ng baso sa pagsisipilyo.
7. Huwag magtapon ng upos ng tissue paper, sanitary napkin, sigarilyo at iba pang dumi sa toilet bowl. Ang mga papel at upos na inyong ipina-flush ay gumagamit ng 5 hanggang 7 galon ng tubig.
8. Gumamit ng palanggana sa paghuhugas ng mga gulay, isda, plato at iba pa.
9. kahit kayo’y naghihilamos at naghuhugas ng kamay, maiman na gumamit din ng palanggana.
10. Huwag gumamit ng water hose sa paglilinis ng inyong sasakyan, hagdan o sidewalk. Gumamit ng timba.
The post LIMITAHAN ANG PAGGAMIT NG TUBIG: PAALALA MULA SA NWRB appeared first on Remate.
BAGAMA’T tama naman sa kanyang puna na inutil si DILG Sec. Mar Roxas, sobrang kapal naman ng mukha ni Sen. Bong Revilla na manawagan sa kalihim na magbitiw na sa tungkulin.
Hindi natin kakilala at hindi natin pinapanigan si Roxas pero kung mayrooon dapat unang mag-resign, walang iba kundi itong nanawagan na si Revilla.
Hindi ba’t sobrang kakapalan ng mukha na isinasabit na siya sa kasong plunder kaugnay ng pork barrel scam, kapit-tuko pa rin sa poder si Revilla?
Ang plunder ay kasuka-sukang kaso dahil pagnanakaw ito sa pondong bayan.
Kaya sa ating pananaw, walang kredibilidad si Revilla na sabihin kay Roxas na magbitiw dahil sa pagiging inutil.
Gaya ni Roxas, si Revilla ay walang delicadeza at dapat nangungunang mag-alsa-balutan sa Senado. Period!
***
Maraming magagalit sa akin pero ITO ANG TOTOO, ‘ika nga ni katotong Vic Viscocho, Jr…. kalimutan na natin ang EDSA revolution anniversary.
Matapos ang 28 taon, wala na ang tunay na diwa ng EDSA 1.
Bakit ito isinilebra kahapon sa Cebu? Kasi’y alam mismo ng mga nagpapakana ng selebrasyon na lalangawin lang ito sa makasaysayang lansangan na ‘yan.
Sila-silang mga unggoy lang ang magsisidalo. At paano tayo makukumbinsi na nariyan pa ang diwa ng EDSA 1 kung ang mga taong may pangunahing papel dito ay pawang sangkot sa mga kabalbalan.
Hindi ba’t pinatalsik si Ferdinand Marcos dahil sa pangungurakot?
Pero ang mga hinayupak na mga artista ng EDSA, puro rin mga kurakot.
At ang gobyerno ni PNoy, napaliligiran din ng mga magnanakaw.
Sa kapangyarihan ni PNoy naging talamak ang ismagling, ayon sa survey ng SWS. Nagmamalinis subalit sobrang dumi rin pala. Nagtutuwid-tuwiran, baluktot din naman.
Tanungin n’yo ang mga kabataan kung ano ang EDSA, wala silang pakialam ang isasagot nila.
Kasi’y namulat sila, matapos ang EDSA 1, na puro balitang pagnanakaw sa pamahalaan ang nababasa at napapakinggan.
Sabi ni Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Episcopal Commission on Youth executive secretary Father Kunegundo Garganta, malaking hamon sa mga paaralan maging sa Simbahang Katolika na palaging ituro sa mga kabataan ang makasaysayang EDSA People Power na naging daan para makamit ng mga Pilipino ang kalayaan mula sa diktaduryang pamumuno.
Sa ganang akin, mali naman yatang ipagmalaki sa bagong henerasyon sa mga paaralan na ang diwa ng EDSA ay ang ginawang paglaban sa kurakot at abusong pamamahala pero patuloy namang umiiral ang pagnanakaw sa kaban ng bayan ng mga nakapuwesto sa gobyerno.
Hanggang ngayon, wala pa rin tayong kalayaan sa mga buwitre sa pamahalaan. ‘Wag na tayong lokohin pa.
Malaking kalokohan talaga, itigil na ‘yan!
The post KAPAL NG MUKHA NI BONG REVILLA appeared first on Remate.
Kudos should go to former president and now Manila Mayor Joseph Estrada and the members of his City Council Government led by Vice Mayor Isko Moreno for showing strong political will in implementing and enforcing the Manila City Ordinance on truck ban.
Many good people I know are all praises for Estrada and Isko for looking for ways to ease traffic congestion in Manila which has in the past decades been a test of motorists’ and commuters’ sanity and good health.
What seems obvious now is that these trucks have been so unruly and abusive, as if they are the kings of our small and badly-maintained roads. These truckers had their field day for decades, and now it is time that they are disciplined.
However, other local government units should follow suit, not by imposing daytime truck driving ban in their jurisdiction but in finding solutions to ease traffic bugging their constituents and local businesses.
They should also look for creative or innovative ways to ease traffic in their localities, particularly now that the national government is pushing through with a lot of hard road infrastructure projects.
In the whole scheme of things though, Manila’s daytime truck driving ban may have solved our traffic woes temporarily but soon, these abusive and unruly truckers will be back to their old ways. As we often say, “balik sa dating ugali!”
The fact remains that many roads and infrastructure projects are badly needed to decongest traffic in the whole Metro Manila, and the City Government of Manila cannot just do it alone.
The national government as well as neighboring local government units will have to pitch in for help and cooperation if they really want to put a stop to traffic congestion in the whole National Capital Region.
The Land Transportation Office (LTO) and the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Office, which are two agencies under the Department of Transportation and Communications (DOTC), should take the lead to put the traffic in proper order.
Unfortunately, these two agencies had slept on their jobs for years as they soon discovered irregularities in imposing strict regulations in their respective offices, foremost of which is the proliferation of colorum vehicles and drivers who do not have valid licenses.
The post TRAFFIC WOES CONTINUE appeared first on Remate.
SUGATAN ang isang holdaper matapos makipagbarilan sa pulis makaraang holdapin ang isang sangay ng LBC branch sa Visayas Avenue, Quezon City.
Kinilala ang nasugatang suspek na si Jeric Lucudan, 36, ng 120 Roosevelt Avenue, Brgy. San Francisco del Monte.
Ayon kay Senior Inspector Maricar Taqueban chief Quezon City Police District Public Information Office, hinoldap ng suspek kasama ang isa pa ang sangay ng LBC branch sa Visayas, Tandang Sora Branch, Brgy. Tandang Sora, QC alas-4:50 ng hapon.
Nagkataon naman na naroroon sa lugar si PO1 Jojo Basquebas ng QCPD station 2 Masambong at sinita ang mga suspek na nagkaroon ng putukan at tinamaan si Lucudan.
Tumakas ang mga suspek sakay ng isang tricycle at dinala ang sugatang kasamahan nito sa Agnes hospital saka inilipat sa Quezon City General Hospital kung saan ito nadakip ng mga rumespondeng kagawad ng QCPD Station 2 Masambong.
Wala namang natangay na pera sa hinoldap na LBC branch.
Pinaghahanap pa ng mga pulis ang nakatakas na kasamahan ng nadakip na suspek.
The post Holdaper sugatan sa bigong holdap sa QC appeared first on Remate.