Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all 58332 articles
Browse latest View live

Benjamin Alves, susundan si Rochelle Anne Go sa Germany para mapanood ang Miss Saigon

$
0
0

INAMIN ni Benjamin Alves na susundan niya si Rochelle Anne Go sa Germany para mapanood lang ang Kapuso star sa Miss Saigon. Minsan din silang nagging close na dalawa na hindi naman daw nauwi sa ligawan.

Pero sa pagsunod ni Benjamin sa Germany para manood ng Miss Saigon ay ibang usapan na raw ito. Friendship lang daw ba ito? O may balak nang manligaw ni Benjamin kay Rochelle? Di naman masamang mangligaw si Benjamin sa ngayon dahil sa binata at walang anomang commitments.

Ewan lang namin kay Rochelle, minsan din kasi ay may biglang nali-link sa dalaga.

Kung pupunta si Benjamin sa Germany, malamang ay walang magagalit kay Rochelle kung may bibisita sa kanyang taga-Pilipinas.

GUSTONG HIRAMIN NG TV 5 SA GMA 7

MAY balita kaming nasagap na gusto raw hiramin ng TV 5 sa GMA 7 si Derrick Monasterio para gawing isa sa mga bida sa upcoming soap opera ng Kapatid Network.

Kulang pa raw kasi ang Kapatid Network ng young leading man na puwedeng i-partner kina Ritz Azul at Eula Caballero. Tamang-tama ang height at kaguwapuhan ni Derrick sa dalawang female stars ng network.

Sa kasalukuyan kasi, walang ginagawang soap si Derrick sa GMA 7. Napanonood lang siya ngayon sa Vampire ang Daddy Ko oppsite Bea Binene at ngayo’y makaka-triangle nila si Barbie Forteza. Regular ding lumalabas si Derrick sa Sunday All Stars.

Wala pa kaming balita kung pumayag ang GMA 7 sa pagpapahiram kay Derrick.

PAG-AAGAWAN NG DALAWANG MEMBERS NG JUAN DIRECTION

PAG-AAGAWAN ng dalawang members ng Juan Direction si Eula Caballero sa bagong comedy show ng TV 5, ang One of the Boys, na tampok si Joey de Leon. Bida rin dito ang anim na members ng Juan Direction.

Panay katatawanan ang dala ng One of the Boys, kaya naman pumuwede si Eula na may natural talent din sa comedy buhat nang masabak siya sa Tropa Mo Ko Unli. Nahasa siya ni Ogie Alcasid at mga kasamahang datihang comedians sa show na mapapanood tuwing Saturday night.

Okay daw kay Eula na ma-link sa sinoman sa members ng Juan Direction. Single pa rin ang actress hanggang ngayon.

Kinukonsidera pa rin niyang suitor ang dating Kapatid sstar na si Christian Samson na mas piniling pumunta ng America para roon mag-aral ng filmmaking.

The post Benjamin Alves, susundan si Rochelle Anne Go sa Germany para mapanood ang Miss Saigon appeared first on Remate.


Ellen Adarna, pinatalsik ni Vhong sa kanyang pelikula

$
0
0

GAANO kaya katotoo ang balitang ito na pinatalsik na raw ni Vhong Navarro sa kanyang ginagawang pelikula sa Star Cinema si Ellen Adarna bilang kanyang leading-lady. Duda raw ang dancer/host/comedian sa loyalty ni Ellen dahil kabilang ito sa circle of friends nina Cedric Lee at Deniece Cornejo.

Malapit na raw mag-resume ang shooting ng up-coming movie nito kaya minabuti nitong tanggalin na lamang ang seksing modelo dahil baka magkukuwento pa ito nang kung ano-ano sa mga friendship nito na makakaapekto sa legal battle between Vhong at ang nabanggit na mga personalidad.

Sayang dahil ang romantic-comedy movie na ‘to ay ang kauna-unahang malaking proyekto ni Ellen sa showbiz at kasama pa siya ng bida all through-out. Dapat gumiling na ang kamera para rito noong nakaraang buwan pero dahil sa pagkakabugbog ng komedyante ay na-postponed ito.

Hindi lamang si Adarna ang posibleng masampolan ni Navarro kundi ang iba pa na may koneksyon kina Lee at Cornejo.

Anyway, meron namang serye ang FHM Hot Babe na ito sa ABS CBN na may titulong Moon of Desire kasama sina Meg Imperial at JC de vera na malapit nang umere kaya hindi naman siya nalugi nang todo.

***

SINO BA TALAGA ANG PUMUTOL NG BUHOK NI SARAH?

KUNG sa buhok nagmumula ang power ni Sarah Geronimo katulad ni Samson, baka lupaypay na ito ngayon sa panghihina. Nang gupitin kasi ang buhok ni Samson ay humina siya, pero si Sarah hindi. Hehehe!

Medyo wala lang ito sa ayos dahil sa mga pangyayari na nakaapekto pa rin sa kanya. Katulad noong naunang Linggo, hindi yata siya nag-rehearse kaya nilampaso siya ng kanyang mga back-up singers.

At nitong nakaraang Linggo naman ay umulit siya ng intro sa kantang ka-duet niya sa Bamboo dahil na wow mali siya.

Tribute pa naman ang awiting iyon para kay Michael Cristian Martinez, ang ating naging representative sa nakaraang Sochi Winter Olympic 2014 na ginawa sa Russia.

Sa mga hindi nakaaalam, maikli ang buhok ni Sarah ngayon dahil ginupit-gupit daw niya ito nang mairita sa kanyang ina na nakialam na naman sa kanyang lovelife kaya naunsyami ang relasyon nila ni Matteo Guidicelli. Bale gumagamit lamang ngayon ang Pop Princess ng hair extension o wig para hindi siya mademanda ng iniinderso niyang produkto.

Pero mas shocking itong bagong tsismis na narinig namin. Diumano hindi raw ang magaling na singer ang pumutol sa sarili niyang buhok kundi ang nanay nito na si Mommy Divine. Habang natutulog daw ang una ay sinamantala ng nanay at parang damo na ginunting nito ang mahabang buhok ng kanyang dalaga. Nang magising daw ang junakis ay biglang kumaripas ito ng takbo palabas ng balaysung-sumakay ng taxi at dumiretso sa kanyang tagagupit.

Nakababaliw ito kung true itetch.

Ito raw ay bilang ganti ni Mommy Divine sa katigasan ng ulo ng kanyang anak na pinagbabawalan pa rin niyang makipag-relasyon sa lalake. Sa tibo na lang kaya, puwede? Hehehe!

***

DENIECE NAGPAPAKAMPI KAY DINGDONG

MABABASA sa ibaba ng litratong ipinost ni Deniece Cornejo kasama si Dindong Dantes sa kanyang Instagram account ang ganito: “realdeneice-Late meeting and bonding with my good friends Dingdong Dantes, Ced Lee and Randy Ortiz #Inspiteofbusy schedule#Justcoffee.”

Ano raw ba ang ibig sabihin nang ginawang ito ni Deniece, naghahanap siya ng kakampi, karamay o damay? Ang picture na ito ay kinunan may ilang taon na raw ang nakararaan. Ayaw ni Marian Rivera ng ganyan.

***

LOLA NI PAULA BIANCA CUNETA SUMAKABILANG-BUHAY NA

ANG mahal na ina po ni Mr. Danilo Cuneta, General Manager ng Casino Filipino na si Luz Santiaguel Sulla ay sumakabilang-buhay na. Kasalukuyang nakaburol ang kanyang labi sa St.Francis Memorial Park Chapel, Brgy. Pinagtipunan, Gen. Cavite. Ang kanyang libing ay bukas, Martes, March 4, 2014 3pm.

Nakikiramay kami kay Papa Dhan, sa kanyang asawa gayundin sa kanilang anak na si Paula Bianca Cuneta.

Masuwerte ang kanyang ina sa kanyang paglisan sa mundo dahil may naiwan siyang anak na mabait, mapagkumbaba at mapagmahal sa kapwa.

***

For comment, suggestion & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 1:30-2:30 p.m, Monday to Friday. Mabalos!

The post Ellen Adarna, pinatalsik ni Vhong sa kanyang pelikula appeared first on Remate.

BAGONG PROYEKTO NG NWRB AT KOICA

$
0
0

ang inyong lingkod hilda ongKASUNOD ng pagkakatalaga kay Dr. Sevillo D. David, Jr. bilang bagong Executive Director ng National Water Resources Board (NWRB), ay ang pagpapakilala sa bagong proyekto ng NWRB na pinondohan ng The Korea International Cooperation Agency (KOICA), ito ay may temang, Establishment of an Integrated 3D GIS-Based Water Resources Management Information System, sa mga probinsya ng Pampanga at Bulacan.

Ang GEO C & I. Ltd. Co. sa pakikipagtulungan ng K-Water at Korean Institute of Construction Technology (KICT), ay magkakaroon ng paglulunsad Kick Off Meeting sa Marso 13, 2014, na gaganapin sa Luxent Hotel na dadaluhan ng iba’t ibang mga katuwang mula sa water sector.

-oOo-

ELEMENTARY SCHOOL (ES) CATEGORY WINNERS 20th ALAY NG ROTARY SA ARAW NG KABATAAN

1. RONDALLA – San Vicente ES (Champion), Tandang Sora ES (1st Runner up), Pinyahan ES (2nd Runner up), Commonwealth ES (3rd Runner up) at 15th Avenue ES (4th Runner up).
2. OCCUPATIONAL DANCE – Kamuning ES (Champion), Lupang Pangako ES (1st ), Placido Del Mundo ES (2nd), San Antonio ES (3rd) at Don Juana ES (4th).
3. DRUM & LYRE – Cubao ES (Champion), Rosa L Susano ES (1st ), Dona Josefa ES (2nd), Bonifacio Memorial ES (3rd) at Pres Corazon C Aquino ES (4th).
4. CHORALE – Pres Corazon C Aquino ES (Champion), Bagong Silangan ES (1st ), Commonwealth ES (2nd), Rosa L. Susano ES (3rd) at Toro Hills ES (4th).
5. VOCAL SOLO – Kamuning ES (Champion), Villa Verde ES (1st ), Dona Juana ES (2nd), Manuel L. Quezon ES (3rd) at Pres Corazon C Aquino ES (4th).
6. ON THE SPOT PAINTING – Villa Verde ES (Champion), Melencio M Castelo ES (1st ), Kamuning ES (2nd), Pres Corazon C Aquino ES (3rd) at Lupang Pangako ES (4th).
7. CHEER DANCE – Kamuning ES (Champion), L.R. Pascual ES (1st ), Commonwealth ES (2nd), Lupang Pangako ES (3rd) at Toro Hills ES (4th).

The post BAGONG PROYEKTO NG NWRB AT KOICA appeared first on Remate.

WRONG TIMING

$
0
0

sibol5BUMULAGA ilang araw na ang nakakalipas ang balita tungkol sa malawakang blackout sa Mindanao.

Ilang oras na walang ilaw sa maraming bahagi ng rehiyon at syempre itinaas ang alarma. Napakalaki ng epekto nito, sa negosyo, sa seguridad at sa kalusugan ng mamamayan.

Unang kumalat sa social media ang dasal para sa mga pasyente na nasa mga pagamutan. Isipin nga naman kung walang kuryente ang mga ospital.

Agad naman na nasa mga tv at radio ang Kalihim ng Kagawaran ng Enerhiya, na sa Secretary Jericho Petilla at nagsabi na hinahanap nila ang dahilan ng blackouts.

Tuwing may ganitong balita, ay mataas talaga ang alarma lalo sa Mindanao. Sensitive kasi ang sitwasyon doon, lalo pa at pinagsisikapan ng pamahalaan na maging epektibo ang peace process, lahat ng isyu doon ay dapat naiaayos.

Kung walang ilaw, apektado ang maraming bagay at naitututok na naman ang atensyon tungkol sa kung anong mga programa ng pamahalaan ang inilalaan at ipinatutupad sa Mindanao. Pero ang masama at wrong timing ay nasa Malaysia ang Pangulong Noynoy Aquino ilang araw pa lang ang nakakalipas at isa sa panawagan ng Pangulo sa gobyerno ng Malaysia ay ang paghingi ng suporta para sa pagpapa-angat sa Mindanao.

Nanawagan si PNoy sa mga Malaysian investors at ang sabi nya ay tamang panahon na para mag-invest sila sa Mindanao. Tapos naman ay pumutok nga ang balita na nagkaroon ng matinding blackout doon.

May mas magiging wrong timing pa ba doon?  Paano maglalagak ng pera ang mga investors sa Mindanao kung may mga isyu tulad ng kakulangan at hindi siguradong supply ng kuryente doon.

Pasalamat na nga tayo at marami raw naman ang naniniwala sa ating Pangulo kapag sinasabi nito na inaayos na at ginagawan ng solusyon ang isyu ng kapayapaan sa rehiyon. Marami ang umaasa talaga na magtagumpay ang peace process. Pero ang problema ng kuryente ay kasing halaga ng peace process, sana ay ituring na malaking hamon sa gobyerno ang power problem dahil kasing halaga ng kapayapaan ang pangangailangan ng kuryente.

The post WRONG TIMING appeared first on Remate.

SABI NG BAYAN

$
0
0

baletodoMGA texters naman ang ating bibigyang daan ngayon. Dami na. Yung iba nga nangungulit na kaya heto po ang inyong mga mensahe sa aking3310 na selpon.

091……….23: kuya ed, bakit wala man lang yatang pakialam ang PDEA at si Sec. De Lima sa malalang bentahan ng shabu dito sa National Bilibid Prison? Masahol pa sa tiangge dahil may lutuan na ang druglords mismo sa loob. Sagot ko: hindi sila sisikat diyan kosa.

0932…….13: ka ed, akala ko ba matapang si bir chief kim henares? Nabasa ko kolum mo tungkol sa pandaraya ng Toyota, Mitsubishi, Honda at mga kauri nila na car dealers, grabe! Sagot: May nagbulsa na.

092………47: baletodo, hindi totoo na malinis na ang bureau of customs sa smuggling. Tuloy ang ligaya ng mga timawa na ipinagmamalaki mismo ay mga opisyal daw ng Malacanang ang Ninong nila. Sagot: Tama!

091——-16: tama po si mayor erap na dapat sa Philippine ports authority compound iparada ang mga malalaking truck na humahango sa mga pier para lumuwag ang kalsada from manila to c-3. Sana isama na ni mayor ang pagpapaalis sa mga iskuwater sa delpan at paligid nito. Tagarito po ako. Sagot: Alis diyan!

0922……22: baletodo, totoo naman na nakakalbo na si noynoy pero ang isisi niya ang kay pangulong Arroyo ang pagkalagas ng kanyang buhok ay kabobohan hindi ba? Maggugo siya. Sagot: baka nanggagago siya?

0917……34: wala na sa piktyur si pork barrel queen napoles, malapit na kasi ang eleksyon. Wala pa rin nakakasuahn sa mga kaalyado ni Aquino, papaano titino ang bayan? Sagot: Wala pong katinuan.

0918…..66: kaming ofws ay Malaki ang ambag sa ating ekonomiya pero ang gobyerno natin ay halos hindi kami nakikita lalo na sa oras ng kagipitan. Ganyan po ba ang bayani sa atin? Sagot: Buhay pa kayo!

YUNG iba po na text messages ay sa susunod na labas ng Baletodo ha. Huwag magtampo. Mahalaga na marinig kayo at isa sa misyon natin na ipaabot ang inyong mensahe sa kinauukulan. Lamang, hindi tayo tiyak kung makikinig sila sa atin. Kung sakaling hindi at ayaw nilang umaksiyon, tayo ang kikilos at lalaban.

Kababasa ko lang ng “shame campaign” uli ng BIR laban sa mga mandaraya sa buwis. Halimbawa nila ay ang mga propesyunal na malalaki ang suweldo pero maliit ang buwis kumpara sa ordinaryong manggagawa. Ang tanong natin, mayroon ba silang naparusahan na mula noon?

Wala pa po. Pinagkakaperahan lang po nang mga tiwal sa Bureau of Internal Revenue! –30–

The post SABI NG BAYAN appeared first on Remate.

BAYARAN ANG HINDI PA NABABAYARANG KONTRIBUSYON…SSS

$
0
0

_lily reyesPARA raw makatiyak ang mga miyembro ng Social Security System (SSS) sa kanilang monthly premium ay kailangan nilang bayaran ang hindi pa nila nababayarang buwanang kontribusyon.

Pinayuhan ng SSS ang mga self-employed at voluntary members, pati na rin ang mga overseas Filipino workers (OFWs), na bayaran ang hindi pa nababayarang kontribusyon upang makatiyak sa kanilang monthly premiums sa January 2014.

Ang mga underpayment ay bunga ng monthly contributions na binayaran ng maaga base sa lumang SSS contribution rate nA 10.4 percent at maximum monthly salary credit (MSC) na P15,000.

Matatandaan na simula noong buwan ng Enero 2014 ay nagdagdag na ng contribution rate na 0.6 percent hanggang 11 percent, habang ang maximum MSC ay P16,000 sa kasalukuyan .

Maging ang mga apektadong kasapi na nauna nang nagbayad bunsod ng naunang deklarasyon ng bagong SSS Contribution Schedule – na mga self-employed at voluntary members na hindi batid ang pagbago sa halaga ng contributions na epektibo ngayong taon ay kasama rin ditto.

Ang mga self-employed at voluntary members na nagbayad na ng kanilang minimum MSC na P1,000 ay may underpayment na P6.00 kada buwan.

Ang mga apektadong OFW-members naman na nagbayad ng kanilang kontribusyon base sa kanilang minimum MSC na P5,000, ay magbabayad ng halagang P30.00 na underpayment.

Maaaring magtungo o magbayad ng kanilang mga underpayments ang mga apektadong SSS members sa lahat ng SSS branches na may tellering facilities kung saan ay bukas ito mula araw ng Lunes hanggang Sabado.

Maging sa mga accredited na mga local banks ay puwede ring mag bayad ang mga apektadong SSS members gamit ang SSS Form RS-5.

Ang mga apektado naman na self-employed, voluntary at OFW members na magbabayad ng higit o sobra sa minimum MSC ay mamimili sa pagbayad ng kaukulang dagdag sa kontribusyon.

Ito ay upang hindi malagay ang kanilang babayaran sa katulad ng MSC, dili kaya ay ilalagay sa applicable lower MSC.

“We advise members to settle their underpayments and put their contribution records in order as early as now to avoid issues arising from ‘out-of-bracket’ payments,” ayon sa SSS.
.
Bukas po ang Lily’s Files para sa inyong mga reklamo, suggestions at komento, mag-text lang po sa 0908-7230036 .

The post BAYARAN ANG HINDI PA NABABAYARANG KONTRIBUSYON…SSS appeared first on Remate.

Mangingisdang biktima ng water cannon ng Chinese Coast Guard aayudahan

$
0
0

HANDA ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na patuloy na tulungan ang mga mangingisdang Pinoy na biktima ng pag-water cannon ng Chinese Coast Guard para itaboy papalabas ng pinagtatalunang Panatag (Scarborough) Shoal sa West Philippine Sea.

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, tiniyak ni  BFAR director Asis Perez na bigyan ng fish sanctuary ang mga mangingisdang Pinoy sa karagatan ng Zambales na magsisilbing alternatibong fishing ground ng mga lokal na mangingisda.

“So that meron pa rin silang magagawa roon to protect their livelihood. Nagawa na rin ito dati so they’re going to do that again,” ani Sec. Lacierda.

Inilarawan ni Sec. Lacierda na ang payao ay net na naglalayon na i-collar ang ilang bahagi ng karagatan upang puntahan ito ng mga isda at makapagparami roon.

Nilinaw naman ng opisyal na patuloy na mangingisda ang mga Pinoy sa Panatag Shoal kahit na bigyan pa ang mga lokal na mangingisda ng fish sanctuary.

“May mga fishermen pa rin tayong pumupunta roon. I don’t think… Hindi naman… Hindi natin… We have fishermen there pa rin, so I don’t think—it’s not an issue with us,” anito.

Malaya aniya ang mga mangingisdang ito na makapangisda sa Panatag Shoal.

The post Mangingisdang biktima ng water cannon ng Chinese Coast Guard aayudahan appeared first on Remate.

Mar-Kris sa 2016 election dedma sa M’cañang

$
0
0

IPINAGKIBIT-BALIKAT lang ng Malakanyang ang paglutang ng tambalang Mar Roxas-Kris Aquino para sa 2016 election.

Ang katwiran ni Presidential spokesman Edwin Lacierda, nakatutok ang gobyernong Aquino sa pamamalakad sa bansa at hindi sa anumang usapin na may kinalaman sa halalan.

“We are in the midst of governance. Secretary Mar Roxas is in—is still the DILG. He’s still busy. Over the weekend, he was in Boracay, I think, protecting the ancestral domain of the Ati. So he’s in the midst of doing his job as Secretary of Interior and Local Government,” aniya pa rin.

Ayaw namang magkomento ni Sec. Lacierda kung isang viable na kandidato si Roxas sa 2016 election lalo pa’t nakaladkad ang pangalan nito sa ilang kontrobersiya noong nagdaang taon.

Desisyon aniya ng Pangulong Benigno Aquino III kung sino ang mapipisil niyang pumalit sa kanya at manukin sa 2016 election.

Bukod dito, malayo pa aniya ang eleksyon at ayaw niyang pangunahan ang magiging desisyon ng Punong Ehekutibo.

Sa kabilang dako, wala namang pakialam ang Malakanyang kung nagbabalak man si Vice-President Jejomar Binay na kumalas sa PDP-Laban at bumuo ng bagong partido para sa kanilang dalawa ni Batangas Gov. Vilma Santos-Recto bilang paghahanda sa 2016 elections.

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, 849 araw na lamang ang administrasyong Aquino kung saan nakatutok sa pamamalakad ng bansa at hindi sa nalalapit na halalan.

Binigyang diin nito na hindi kailanman sumagi sa isip ng Chief Executive ang eleksyon dahil nakatuon ang pansin nito sa governance.

The post Mar-Kris sa 2016 election dedma sa M’cañang appeared first on Remate.


Fire Prevention Month suportado ng Marikina

$
0
0

BILANG pakikiisa sa pagdiriwang ng Fire Prevention Month ngayong Marso, ang lokal na pamahalaan ng Marikina sa pangunguna ni Mayor Del De Guzman ay kaisa ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Marikina sa paghikayat sa mga residente ng lungsod na maging maingat upang maiwasang maging biktima ng sunog.

May temang “Isulong ang Kaunlaran, Sunog ay Iwasan, Kaalaman at Pag-iingat ang Kailangan”, layunin ng pagdiriwang ng Fire Prevention Month na mabigyan ng babala at impormasyon ang lahat kung paano maiiwasang magkasunog sa kanilang mga tahanan at kung ano ang kanilang dapat na gawin kung sakaling magkasunog.

Nagsimula ang pagdiriwang ng Fire Prevention Month sa pamamagitan ng isang motorcade na nilahukan ng mga fire truck ng BFP-Marikina at mga volunteer Fire Brigade sa lungsod noong Marso 1.

Bahagi rin ng pagdiriwang ang pagsasagawa ng ilang serye ng inspeksyon sa mga kabahayan sa lungsod lalo na iyong mga nasa depressed o hazard area o mga lugar na may dikit-dikit na kabahayan; at pagsasagawa ng mga fire drill, lecture at seminar sa mga establisimiyento at mga paaralan sa lungsod.

Upang paigtingin pa ang pamamahagi ng impormasyon, mamimigay din ang flyers o babasahin ang BFP-Marikina at magpapaikot ng fire truck na may public address system upang magbibigay ng paalala sa publiko.

“Naniniwala tayo na ang kooperasyon ng lahat ay mahalaga upang maiwasan ang sunog. Bunsod nito ay hinihimok natin ang lahat na makibahagi sa mga seminar, lecture at fire drills na isasagawa ng BFP-Marikina,” wika ni Mayor Del De Guzman.

Para sa mga nais humiling na maisagawa ang fire drill at lecture sa kanilang lugar, at para sa iba pang impormasyon, maaaring makipag-uganyan sa Bureau of Fire Protection (BFP)-Marikina sa telepono bilang (02) 369-5109  o (02) 681-0233.

The post Fire Prevention Month suportado ng Marikina appeared first on Remate.

LABAN SA KALSADA!

$
0
0
 TAWAG PANSIN sa mga nagdaraang istudyante ang nakasulat na malalaking titik Fight for higher budget on education na ginawa ng mga militanteng kabataan na nagsuslat  para sa education/ EDDIE LEANILLO

TAWAG-PANSIN sa mga nagdaraang estudyante ang nakasulat na malalaking titik  na “Fight for higher budget on education” sa kalsada na ginawa ng mga militanteng kabataan dahil sa hindi mapigil na pagtaas ng tuition fee.

The post LABAN SA KALSADA! appeared first on Remate.

WOW SOSYAL!

$
0
0
BIYAHE TAYO CAPTION; NAGSIMULA NA ang unang biyahe ng bagong lunsad ng PNR ang Premier train na may biyaheng sta rosa tutuban ,makikita ang mga pasaherong unang nakasakay na bumaba sa PNR terminal sa Dagupan street,Maynila  at may sekyu na oras oras ay nag iinspeksiyon sa loob ng train/ EDDIE LEANILLO

UMARANGKADA na ngayong araw ang unang biyahe ng bagong PNR-Premier train na may biyaheng Sta. Rosa Laguna-Tutuban.

The post WOW SOSYAL! appeared first on Remate.

AMBUSH!

$
0
0
ANG SASAKYAN…na may plakang XSV-980, kulay puting EVEREST Van lulan ng napatay na Barangay Chairman  na si Alejandro “Boy” Bonifacio, matapos tambangan ng hindi pa nakikilalang salarin sakay umano ng motorsiklo malapit sa Barangay Hall ng Sta. Queteria, Barangay 163, Caloocan City, kaninang umaga. Larawan ni Alejandro “Boy” Bonifacio, noong siya ay nabubuhay pa at ang driver nito na si Teodoro Catanoy, (naka pula t-shirt) na himalang nakaligtas sa naganap na ambush.   (NICK GALINO)

BUTAS-BUTAS ang sasakyang ito (XSV-980) kung saan lulan ang napatay na barangay chairman na si Alejandro “Boy” Bonifacio, matapos tambangan ng hindi pa nakikilalang salarin na sakay ng motorsiklo malapit sa Barangay Hall ng Sta. Quiteria, Barangay 163, Caloocan City kaninang umaga. 

The post AMBUSH! appeared first on Remate.

LABAN SA DAGAT!

$
0
0
Nagprotesta sa manila bay ang  pamalakaya para magprotesta na  ibasura ang manila bay reclamation project na kung matutuloy ay mawawalan sila ng ikabubuhay (Rene Sandajan)

NAGPROTESTA sa Manila Bay ang grupong Pamalakaya para hilingin na ibasura ang Manila Bay reclamation project dahil kung matutuloy ito ay mawawalan sila ng hanapbuhay.

The post LABAN SA DAGAT! appeared first on Remate.

Rebelde utas sa bakbakan sa Bukidnon

$
0
0

PATAY ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) nang makabakbakan ang grupo ng militar sa Barangay Basak, Lantapan, Bukidnon.

Narekober sa NPA ang isang AK-47 rifle.

Nabatid na nakasagupa ng Guerilla Front 68 ng North Central Mindano Regional Committee ng NPA ang tropa ng 8th IB, Philippine Army.

Wala namang naiulat na nasaktan sa panig ng militar.

The post Rebelde utas sa bakbakan sa Bukidnon appeared first on Remate.

2 bata, family driver dinukot sa Sulu

$
0
0

DALAWANG bata, isang babae at kanilang family driver ang bagong biktima nang pagdukot sa Jolo, Sulu sa ulat ngayon ng awtoridad.

Ayon sa ulat, alas-7:00 kaninang umaga habang nakasakay sa isang sasakyan ang tatlong biktima na minamaneho ng kanilang family driver na si Saddam Amlih, 24, papunta sa Notre Dame School nang mangyari ang pagdukot.

Kinilala ang mga dinukot na mga anak ng isang Dra. Faranash Jajurie Naim na si Mohammad Zaher Jajurie, 11, Princess Karanain, 8, at si Almalyn Abuhail, 18.

Nabatid na hinarang ang sasakyang ng mga biktima ng nasa limang kalalakihan partikular sa may Scott Road, Barangay Asturias at puwersahan silang pinasakay sa isang Tamaraw jeep na kulay pula na ginamit na getaway vehicle ng mga suspek.

Tumakas ang sasakyan ng mga suspek papunta sa munisipyo ng Patikul, ang lugar kung saan karamihan dinadala ang mga biktima ng kidnapping sa lalawigan at mula sa iba pang bahagi ng Mindanao.

The post 2 bata, family driver dinukot sa Sulu appeared first on Remate.


NAKAKAPANGILABOT

$
0
0

sibol5NAKAKAPANGILABOT na isang araw pagkatapos na ma-file ni Congressman Grex Lagman ng 1st District ng Albay, ang panukalang batas na naglalayong pagkalooban ng hazard pay ang mga huwes sa bansa ay nabaril at napatay si Judge Renerio Estacio, presiding judge ng Branch 14, Regional Trial Court ng Tubungan, Zamboanga City.

Ayon sa mga balita, kasama raw ni Judge Estacio ang kanyang asawa at nakaligtas ito sa pananambang, patunay na si Judge Estacio lang talaga ang pakay ng mga salarin. Matagal nang inangat ni Cong. Grex ang isyung ito, na mabigyan ng karagdagang compensation ang mga judges dahil sa panganib na araw-araw nilang hinaharap sa pagtupad nila sa kanilang tungkulin.

Tinukoy ni Cong. Lagman ang record ng Pilipinas, ayon sa Amnesty International, kung saan mataas ang bilang ng mga huwes na napatay at pinatay “in the line of duty.”

Ang mga Pinoy na huwes daw ang isa sa  mga pinaka-nasa panganib dahil sa kanilang trabaho. Ayon kay Lagman, ang nature ng trabaho ng mga huwes ang nagsisilbing mitsa ng kanilang kapahamakan. Araw-araw ang peligro, araw-araw ang mga banta sa kanilang buhay dahil lang sa pagpapataw nila ng karampatang parusa mga nagkakasala sa batas na karamihan ay mga tigasing mga kriminal.

Dapat lang na madagdagan ang pagkilala ng pamahalaan sa kalagayan ng mga huwes sa pagsisilbi sa bayan kahit sa pamamagitan man lang ng dagdag na suweldo na makakatulong sa kapayapaan ng kanilang loob at ng kanilang mga mahal sa buhay.

Ang mas nakakapangilabot ay ang sadyang pagpatay sa mga judges para makapagbigay ng tinatawag na “chilling effect”! Yung naghahasik ng takot para maka-intimidate sa mga miyembro ng Judiciary nang sa gayon ay hindi maigawad ng ating mga korte ang batas at hustisya. Chilling effect yung tinatakot ang mga huwes pati ang kanilang pamilya sa pamamagitan ng paghahasik ng mga karumaldumal na krimen. Hindi lang minsan nang tinalakay ni Cong. Lagman ang isyung ito, pero ngayon nga ay pormal na nyang naihain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas at itutulak ng batang kongresista na isa ring abogado na maisabatas ang hazard pay para sa mga huwes.

The post NAKAKAPANGILABOT appeared first on Remate.

Pork scam case ‘di maaapektuhan sa pagpatalsik kay Baligod

$
0
0

KUMPIYANSA ang Malakanyang na hindi maaapektuhan ang pork scam case na isinampa nang pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI) at Justice Department sa Ombudsman dahil lamang sa pagkakaalis ni Atty. Levito Baligod bilang legal counsel ng pangunahing whistleblower na si Benhur Luy.

Sinabi ni Press Secretary Herminio “Sonny” Coloma, Jr., na sa  kanyang pagkakaalam ay hindi naman si Luy lamang ang kliyente ni Atty. Baligod sa pork barrel scam kaya malabong mapilay at lumabnaw ang pag-asa ng taumbayan na may maparusahan sa maling paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF).

“Siguro isaalang-alang din natin na meron ding aspect diyan na client-lawyer relationship; at hindi naman tayo iyong client kaya wala tayong say kung anong gustong gawin nung client doon sa lawyer. Siyempre ang hinahangad nating lahat ay maipagpatuloy ang pag-alam sa buong katotohanan. Maipagpatuloy yung prosecution ng mga dapat mapanagot sa umanoy maling paggamit ng pondo ng bayan,” ayon kay Sec. Coloma.

Nauna namang kinumpirma ni Luy sa kanyang liham sa National Bureau of Investigation (NBI) na hindi na nagseserbisyo sa kanya si Atty. Baligod.

Hindi naman nagbigay ng detalye si Luy sa tinukoy nitong masyadong abala si Atty. Baligod sa ibang adbokasiya ng abogado.

The post Pork scam case ‘di maaapektuhan sa pagpatalsik kay Baligod appeared first on Remate.

PNoy dismayado sa rehab efforts sa mga sinalanta ng bagyong Yolanda

$
0
0

DISMAYADO si Pangulong Benigno Aquino III sa rehabilitasyon sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na bagama’t hindi naman siya ang Pangulo ay mararamdaman naman niya sa mga naging mensahe nito na hangad niya ang mas maraming resulta ng rehabilitasyon at rekonstruksyon lalo pa’t mahigit 100 araw na ang nakararaan ng manalanta ang bagyong Yolanda.

Ipinamukha naman ng Malakanyang kay Tacloban City Mayor Alfred Romualdez ang international donations na nasa Foreign Aid Transparency Hub (FAITH) ang hinahanap nitong pondo para sa rehabilitation at reconstruction project ng gobyerno para sa mga lugar na hinambalos ng bagyong Yolanda.

Tila tanggap naman ng Malakanyang ang deskripsyon ng mga survivor sa Tacloban City na parang bahay ng kalapati ang mga itinayong bunkhouses ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ang katwiran ni Usec. Valte ay pansamantala lamang naman kasi na titirhan ng mga Yolanda survivors ang nasabing bunkhouses.

“They are meant to be transitional homes for them while the permanent homes are being constructed,” ayon sa opisyal.

Sinabi pa nito na ginagawa naman lahat ni Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery Sec. Panfilo Lacson ang kanyang makakaya upang sundin ang international standards sa pagtatayo ng bunkhouses.

Hindi naman nagustuhan ni Usec. Valte ang ipinahayag ni UNA Secretary-General Representative Tiangco, na “guilty” si DBM Secretary Butch Abad sa paglilipat ng DAP funds sa bogus NGOs.

Binigyang diin nito na hindi nila sinasang-ayunan ang sinabi ni Tiangco dahil sa kanyang pagkakatanda ay ang mga senador ang nag-request na ang benepisaryo ng pondo ay mapunta sa proyektong nais nilang mapagtagumpayan.

The post PNoy dismayado sa rehab efforts sa mga sinalanta ng bagyong Yolanda appeared first on Remate.

Malakanyang walang alam sa ‘hidden pork’

$
0
0

WALANG BASBAS ng Malakanyang ang sinasabing hidden pork na palihim na ginagamit ng mga mambabatas.

Binigyang diin ni Press Secretary Herminio “Sonny” Coloma Jr. na walang kinalaman at alam ang Malakanyang sa usaping ito.

Kaya nga aniya wala ng dapat na kaugnayan ang sinumang mambabatas sa paggastos o sa pagpapatupad ng mga programang nakasaad sa General Appropriations Act.

Iyan aniya ang posisyon ng pamahalaan.

Wala namang ideya si Sec. Coloma kung nasaan ang sinasabing hidden pork.

Binigyang diin nito na napaka-transparent ng budget ng pamahalaan sa kasalukuyan kung saan aniya ay inalis na ang SARO at NCA.

“So,  kung ano iyong nakahayag doon sa budget, ‘yun na ‘yon, ‘yun na ‘yong sinusunod at ipinapatupad na budget ng ating pamahalaan,” aniya pa rin.

The post Malakanyang walang alam sa ‘hidden pork’ appeared first on Remate.

Land reform, tuloy – Malakanyang

$
0
0

TINIYAK ng Malakanyang na tuloy ang land reform sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms (CARPER)  kahit mapapaso na ang petsa  nito.

May ilang grupo  sa land reform ang humihingi ng status ng implementasyon ng CARPER, na nakatakdang mag-expire ngayong Hunyo.

Subalit agad namang sinabi ni Press Secretary Herminio “Sonny” Coloma Jr. na ang land reform program ay patuloy na nakakasa kahit na ito’y may termination date  lalo pa’t may mga land owners ang hindi pa nakatatanggap ng kanilang notices of termination.

Gaya aniya ng sinabi ni Agrarian Reform Secretary de los Reyes,  na sa ilalim ng umiiral na batas  na Republic Act 9700, Section 30 ay nagsasaad ito ng “land acquisition and distribution may proceed for land holdings with pending proceedings even after June 2014.”

Kaugnay nito, ngayong taon aniya ay lumalahok ang Pilipinas sa International Year of the Family Farm.

Ibig sabihin nito ay hinikayat aniya ang pagpapalago at pagkakaroon ng family farms para mas marami pang Pilipino ang lumahok sa pagsasaka.

Sa kalatas ng Department of Agriculture, ang average age ng Filipino farmers  ay 55 pataas kaya’t dapat lang na palawigin ang tinatawag na base of farmers sa bansa  kabilang na ang nabibilang sa younger age group.

The post Land reform, tuloy – Malakanyang appeared first on Remate.

Viewing all 58332 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>