BUKOD sa pagsibak sa puwesto, hindi na rin papayagan pang humawak ng anomang posisyon sa gobyerno ang dalawang matataas na opisyal ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) matapos sibakin sanhi ng kuwestyunableng pagbili ng sasakyan.
Sa desisyon ng Ombudsman, kabilang sa mga sangkot sa kaso ay sina dating PLM president Jose Roy III at vice-president for finance and planning na si Angelita Solis.
Tanggal din sa puwesto sina Cecilia Calma, Angeles Ramos, Eloisa Macalinao, Felix Aspiras at Albert dela Cruz.
Nag-ugat ito sa illegal procurement ng isang Starex van na nagkakahalaga ng P1.1-million noong 2006, na walang naging public bidding at sa halip ay idinaan ito sa direct contracting.
Dahil dito, ang mga respondent ay hindi na papayagang magkaroon ng trabaho sa gobyerno habambuhay at forfeited na rin ang kanilang retirement benefits. BOBBY TICZON