MAHIGIT 80 estuyante sa Iloilo ang bumagsak sa ospital sanhi ng food poisoning.
Sa ulat, dumalo sa isang programa na inorganisa ng Department of Education (DepEd) at isang non-government organization nang magreklamo ng pananakit ng tiyan at pagkahilo.
Hinala ng DepEd officials, panis na ang inihaing ham sandwich na gawa ng isang caterer na inupahan ng NGO.
Naisugod naman sa ibat ibang ospital ang mga biktima at halos lahat naman sila’y pinalabas din agad ng mga doktor.
Sinalo naman ng NGO ang lahat ng gastusin sa pagpapa-ospital at gamut ng mga naapektuhang mga estudyante. BOBBY TICZON