Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 59256

GATASANG BAKA

$
0
0

IYAN ang nakikita natin sa ginagawa ng Department of Transportation and Communications (DOTC) sa Metro Rail Transit (Holdings) (MRT).

Bakit nga hindi? Ipinagpipilitan pa rin ni DOTC Secretary Jun Abaya na bilhin na lang daw ng pamahalaan ang buong pag-aari ng MRT Corporation-Holdings sa halagang P54-bilyon. Ito raw ay para matiyak na mas magiging responsible ang operasyon ng tren.
Ano uli ‘yun, Sec. Jun?

Sa tingin natin, blackmail, panggagantso o panunuba ang gusting mangyari ng DOTC sa MRT. Mas mahaba ang usapan, mas malaki ang pera na lalaro sa kamay ng kasalukuyang namamahala sa ahensya ng DOTC.

Nagpipista na nga ang kapos sa kaalaman na APT Global na ang tunay na may-ari ng kontraktor ay tila Liberal Party (LP).

Lahat kasi ng opisyal ng APT Global ay kilalang mga LP leader.

Bakit patuloy sila na may kontrata kahit bistado na sila na wala silang alam sa pagmantine ng MRT system?

Hindi biro ang buwanang koleksyon nila na aabot P60-milyon kada buwan. Ni wala ng bidding. Basta award kaliwa’t kanan sa LP owned APT Global!

Kongkreto na ang batayan na kailanman, anomang ahensya na may kakayanang kumita, kapag ipinasakamay ito sa isang ahensya ng gobyerno, bumabagsak dahil sa kasakiman, katiwalian at kutsabahan ng mga sangkot na operator at kontraktor!

Kung tutuusin, Malaki sana ang kita ng MRT kung nasa kamay ito ng pribado. Maliban diyan, makatitiyak ang bawat pasahero ng ligtas na biyahe anomang oras sa kanilang pagsakay sa MRT.

Heto nga, habang isinusulat natin ang artikulong ito, nasa balita ang animo at mala-people power sa rami ng tao sa mga istasyon ng MRT. Hindi makasakay sa tamang oras at biyahe dahil magkakasunod ang mga aberya.

Magalit ka na, Mr. Abaya pero sa totoo lang, noong nagdaang administrasyon ay hindi naman nagkaroon ng ganyang problema.

Kaagad ay naisasaayos ng maintenance contractor ang problema lalo na sa teknikal dahil propesyunal sila sa operasyon ng perokaril o tren.

Kung ako ang nasa sapatos mo, para mawala na rin ang sakit ng iyong ulo sa MRT, ibigay mo na lang ang pamamahala ng lubos sa tunay na may-ari niyan.

Pwede ka na lang maglaro ng golf o basketball anomang oras.

Wala, eh. Sa inyong kamay, palaging sira. Inutil ang DOTC sa MRT! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 59256

Trending Articles


NANLUMO


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


Suspek sa pagkakasagasa sa mag-ama, kinasuhan na


Pawnshop sa Iloilo City hinoldap


KALIWA’T KANAN ANG ILIGAL NA PASUGALAN ‘DI MATINAG


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Luha Ng Buwaya


Mga kasabihan at paliwanag


BUSABOS


SARILI


5 rice trader kinasuhan ng smuggling


4-anyos anak minolestiya ng tatay


Chinese tourists balot na balot vs nCoV


RTC Quezon City, Pasay City convict four employers for non-remittance of SSS...


Ina Raymundo, nilayasan ng asawa


Pulis ‘Lubog’ sinabon ni NCRPO dir. Albayalde


Tundo Man May Langit Din


SULASOK


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>