Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 59606

EMERGENCY POWER? NEKNEK NIYO!

$
0
0

KATING-KATI ang Malakanyang na magkaroon ng emergency power si Pangulong Aquino. At halatang minamadali ito ng mga kaalyadong kongresista sa mababang kapulungan ng Pangulo.

Sabi nila, kailangan daw mabigyan ng emergency power si PNoy para masolusyunan ang kakaharaping krisis sa kuryente ng bansa sa susunod na taon.

Pero iba ang sinasabi ng mga kritiko ng Pangulo. Hindi umano emergency power ang kailangan ni PNoy. Ang kailangan niya’y KILI-KILI POWER.

Pwera biro mga suki d’yan sa kanto’t sulok.

Hindi naman daw talaga kailangan ni PNoy ng emergency power, ayon kay Senator Sergio Osmeña, chairman of the Senate committee on energy.

Ani Osmeña, mayroon na raw mga alternatibong opsyon na sinasang-ayunan ng iba pang senador para maharap ang power crisis.

Nagtataka si Osmeña kung bakit tila taeng-tae ang mga nasa Malakanyang na mabigyan ng emergency power si PNoy gayong ayos naman daw ang lahat.

“The Interruptible Load Program (ILP) is in place. And we have found certain solutions that would expand our reserve power,” wika ni Osmeña.

Kabilang nga sa mga alternatibo ay ang paggamit sa Malaya plant (300 megawatts), hydroplants (300 megawatts) at itong ILP (1,000 megawatts).

Ayon kay Osmeña, bagama’t makararanas ng 3 hanggang 4 na short brownouts kahit may reserbang 1,600 megawatts (MW), hindi aniya magkakaroon ng kakapusan sa kuryente.

Sa tulong ng implementasyon ng ILP, hindi na kakailanganin ng special powers ng Pangulo.

Sa 1,000 MW nakahanda mula sa ILP, may sapat nang reserba para sa small consumers.

Idiniin ng senador na sa Cebu at Davao, ang ILP simula pa noong 2010 ay labis nang napakikinabangan.

Sa tingin ng senador, si PNoy ay niloloko at binobola lamang ng mga nasa Department of Energy (DOE) hinggil sa umano’y power crisis sa susunod na taon. KANTO’T SULOK/NATS TABOY


Viewing all articles
Browse latest Browse all 59606

Trending Articles


Bakit Dapat Pag-aralan ang Panitikang Pilipino


POKPOK AT ISETANN MALL


2 pang video sa Mamasapano clash, hawak ng DoJ


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Pinagalitan ng magulang, 15-anyos nagbigti


Halimbawa ng Tula na may Sukat at Tugma


Mga kasabihan at paliwanag


GAMAS


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar


Itsinismis na Reggie Regalado lang siya pero daks ang kanyang younger brod!


4-anyos anak minolestiya ng tatay


Suso ng 15-anyos nilamas ng 20-anyos


Sun Cellular expands good choices available with a Sun Group Plan 999


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Maganda Pa Ang Daigdig


TUNGAYAW


PATNUGOT


HAGIBIS


Dalumat ng Pagkataong Pilipino



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>