SADYANG may mga opisyal ng pamahalaan na sukdulan na ang pagiging inutil, saksakan pa sa kapal ang mukha!
Isa na riyan, parekoy, itong si Cesar Villanueva, ang chairman ng Governance Commission for Government Owned and Controlled Corporations.
Matatandaan na sa pag-upo pa lang ni PNoy ay binanatan agad nito ang mga GOCC official sa administrasyon ni GMA gaya ng SSS, GSIS, PhilHealth atbp. dahil nilantakan umano ng mga ito ang kaban ng bayan.
Ayon kay PNoy sa kanyang unang SONA, makakapal ang mukha ng mga nasabing opisyal dahil binigyan ang kanilang mga sarili ng naglalakihang bonus gayong naghihirap ang sambayanan.
Kaya noong 2011 ay itinalaga ni PNoy itong si Villanueva upang masawata ang nasabing katakawan,
Pero noong nakaraang linggo lamang ay isiniwalat ng COA na patuloy pa rin ang pangungulimbat ng mga hijo-de putang opisyal na mga iniluklok ni PNoy sa nabanggit na mga ahensya.
Katunayan, ipinasasauli ng COA ang P2.13B na nilantakan na naman ng mga hinayupak!
Ibig sabihin, parekoy, hindi nagampanan ng inutil na si Villanueva ang kanyang trabaho bilang chairman ng Governance Commission for GOCC.
Ang siste, imbes na aminin ang kanyang pagiging inutil o kung may natitira pang hiya sa katawan ay magbitiw na lang sana sa pwesto, aba, eh, nagpalusot pa ang animal!
Mantakin mo, parekoy, na si GMA pa rin ang sinisi sa bilyong piso na kitang-kita naman na sa administrasyon na ni PNoy nilantakan!
Sa panayam ng media ay halos bumula pa ang bibig ng impaktong si Villanueva habang nagpapalusot na wala umano siyang magagawa dahil sa bisa ng isang kautusan na nilagdaan ni GMA bago ito umalis.
King-ina!
Kung ‘yun ngang mga nilagdaan ni GMA na mga kontrata at appointment ay ibinasura ni PNoy dahil “detrimental” daw sa sambayanan!
‘Wag na kayong magpalusot, mga ganid! Pwe!
-o0o-
Hanggang sa tagatanggap lang, este, tanggapan ni Rizal Provincial Director S/Supt. Rolando Anduyan ang pagkakasangkot ng pangalan nito sa iligal na sugal sa kanyang “erya op respansibiliti.”
Kahapon ay inilabas natin ang pumuslit sa bibig ng tauhan ng gambling lord na si Bong Sola
na kasosyo umano nila si Col. Anduyan sa iligal na sugal o bookies!
Totoo man o hindi ang nasabing alegasyon, nananatili pa rin ang katotohanan na lantaran nga at laganap ang iligal na sugal ni Sola sa buong Rizal.
Kaya dapat sibakin na lang si Col. Anduyan!
The post SI GMA ULI ANG SINISISI AT SIBAKIN SI COL. ANDUYAN appeared first on Remate.