Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 58159

EDSA SINAKOP NG VENDORS; SHABU TIANGGE SA BILIBID

$
0
0

benny antipordaBIGYAN naman po natin ng espasyo ang ating mga reader na nais maglabas ng kanilang nalalaman, hinaing, suhestiyon, sumbong at marami pang iba.

EDSA SINAKOP NG VENDORS

Ultimatum/Antiporda: Paano po kaya ‘yung mga kalsada sa Balintawak Cloverleaf? Sinakop na ng mga vendor ‘yung kalahati ng kalsada. ‘Yung galing sa Bonifacio Avenue pakanan sa EDSA sa tapat ng palengke ay nagbabara sa trapik na (gawa ng mga vendor). Dr. Roy Alcantara.  0920606….

PORK BARREL BINATIKOS

Bakit nagre-realign pa ng pork barrel fund ang mga senador?  ‘Di ba na-stop na ang pork? Tuloy pa rin ang ‘Pork’ ng mga senador at kongresista dahil may ‘say’ pa rin sila sa mga project. Diskarte ng mga senador ang “realignment” at ang mga kongresista naman ay sa “line item” at ‘insertion.’ Para-paraan lang iyan! 0908878….

ISKAM SA SC

Sir Benny, good day po sa inyo! Talagang walang nagagawang desisyon na matino ang Korte Suprema. Lahat gagawin nila para lang magkamal ng limpak-limpak na salapi. Kahit pera na pag-aari ng mga claimant ng Brown & Root na worth million dollar ay nagawa pa nilang angkinin nang hindi naman sa kanila. Ang utak ng katarantaduhang ‘yan ay sina First Gentleman Mike Arroyo, ex-SC Chief Justice Renato Corona at kanyang mga associate justice at isang abogado. Kung maaari ay paimbestigahan ng Malacañang at ng Office of the Ombudsman ‘yan dahil sila na lang ang matino at matuwid sa batas. 0929111….

PERMANENTENG TIRAHAN

Bakit naman ganun ‘yung bunkhouse ng Yolanda victims? Gumawa sila ng pansamantalang tirahan ng Yolanda victims tapos nagrereklamo ‘yung iba na nag-overprice ang gobyerno. Bakit hindi na lang nila ginawang permanent house? Nagsasayang lang sila ng pera. Halos bilyon-bilyong piso ang ipinadalang pera ng mga taga-ibang bansa. Bakit hindi na lang permanent house ang gawin para wala nang gulo?  0910248….

PAGING PDEA

Kailan kaya matututukan ng pdea ang bentahan ng ipinagbabawal na shabu o  illegal drug dito po sa Muslim compound, Purok 6,  Barangay Calapacuan, Subic, Zambales? Imposible namang walang alam ang mga kagawad ng barangay sa lugar na ito. Pati nga barangay hall ay ginagawang tambayan ng mga addict. 0918661….

MORATORIUM SA SCHOOL FEES

Ngayong 2014 at dahil nasa period of National Calamity pa tayo dahil kay Yolanda, dapat mag-moratorium muna sa pag-increase ng tuition at miscellaneous fees sa private & public colleges and universities para hindi madagdagan pa ang gastusin ng mga magulang. Huwag sanang tumanggap ng application for increases ang CHED at DepEd. Kasalukuyang nagtaasan ang mga halaga ng kuryente, gasolina, SSS at PhilHealth at iba pang halaga ng bilihin at serbisyo, wala namang pagtaas sa sahod! 0908878….

LIPAT-PANAHON NG ESKUWELA

Tama lang na ilipat ang school calendar sa September.  Dapat noon pa. Stubborn lang talaga ang DepEd at Ched. 0908878….

TRILLANES VS JINGGOY

Tama ang pagbatikos ni Sen. Trillanes sa paglaan ni Sen. Jinggoy ng P100 million sa lokal ng Lungsod ng Maynila.  Walang delikadesa ang ginawa ni Sen. Jinggoy, ama niya si Mayor Erap.

May mas nangangailangan ng PDAF ng mga mambabatas, lalo na ang mga lugar na sinalanta ni Yolanda. Dapat bigyan ng prayoridad ang mga nasalanta ng mga kalamidad. Mayaman ang Maynila kumpara sa mga ibang probinsya, tulad ng remote areas ng Mindanao,Visayas at Luzon. Gaya ng mga indigenous place na nahuhuli sa pag-unlad. Sa totoo lang, ang mga indigenous sa Pilipinas ay talagang less attended ng pamahalaan. Purely politically motivated ang pagbigay ni Sen. Jinggoy ng P100M sa Manila. Indigineous people  ng Pilipinas. 0920823….

SINA MARCOS, CORY…PNOY

Noong panahon ni Marcos, ang kinurakot niya ay kutsara; panahon ni Cory ay plato; ni fvr ay bus; ni Erap ay eroplano;  ni gma ay bundok. Si PNoy, ang kurakot niya ay langit na.  0949923….

PITIK VS MEDIA KILLINGS

Nabasa ko po ang kolum ninyo, Sir Benny. Tama po. Ang kabagalan ng hustisya ng ating gobyerno ang nagpapalala at pumipigil sa pagtugis sa mga pumapatay nitong ating mga taga-media sa ilalim ng ating Pangulong Noynoy Aquino. Ang kabulukan ng ating justice system ang isa pang nakadagdag dito. Hanggang saan kaya ang mararating ng mga kaanak na humihingi ng buong katarungan para sa mga pinaslang na mga taga-media? May maaasahan pa ba tayo sa ating hinayupak na gobyerno? ‘Di natin masisisi kung ang ilang mamamayan natin ay mawalan ng tiwala. Ilan pa kayang mga taga-Media ang itutumba na parang mga hayop lang kung pagpapatayin at pagbabarilin? Kung kayo ang tatanungin, ano sa palagay ninyo ang pinakamabuting solusyon upang matigil na ang mga pagpatay sa ating mediamen? Thanks at magandang araw po sa inyo. Concerned citizen. 0933365…

SHABU TIANGGE SA BILIBID

Good pm po. Dito sa loob ng Maximum sa Bilibid, my siga rito na si Gilbert Colanggo. May shabu tiangge pa rito sa loob ng Maximum. Sa compound niya ay may opisina sa loob at nakasulat sa logbook ang operation sa droga at may mga utang at nakatatakot pang may mga baril. ‘Yung mga escort niya na  nasa loob ng compound, mga armado. Kailangang malaman ito ni DOJ Secretary Leila de Lima. Concerned citizen.   0912619….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa 09214303333.

The post EDSA SINAKOP NG VENDORS; SHABU TIANGGE SA BILIBID appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 58159

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>