Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 58150

MAYOR MANNY ALVAREZ, GISING!

$
0
0

bong_padua1PAKIWARI natin, eh, walang binatbat itong si Mayor Manny Alvarez ng Rosario riyan sa lalawigan ni Batangas Gov. Vilma Santos. Kung magaling itong si mayor, aba’y siguradong puro positibo at ‘di negatibo kapag tema ng usapan ang kanyang bayan.

Noong humihingi raw ng awa si mayor para manalong alkalde ng  Rosario, naku, eh, parang maamong tupa sa pakikisalamuha sa madla. Pero noong ito’y naluklok na sa puwesto,  bigla umanong nagbago ang ihip ng hangin at siya’y naging suplado.

Noong una, bawat reklamo ng mga residente, ito’y kaagad niyang inaaksiyunan. Ngunit nang nakaupo na, dedma na siya sa daing ng taga-Rosario.

At take note -  nang maging mayor daw ito, biglang nagsulputan ang mga iligal.

Gaya ng montehan na lantarang nag-o-operate na matagal nang idinadaing kay mayor pero ito’y kanya raw dinidedma.

Aba’y utusan mo, mayor, ang iyong magaling na police chief -  si C/Insp. Salvador Espina na hulihin ang sugalan na ‘yan na lubha na raw nakapeperwisyo.

Nakapeperwisyo dahil dumaraing ang mga ama, gayundin  ang mga ina na ang mga asawa at miyembro ng pamilya ay nalulong na sa paglalaro ng monte.

Pinangalanan sa Chokepoint ang mga nasa likod ng montehan diyan sa Rosario na sina  Jun Ayap, Nixon Ilagan at Celso Katigbak. Mayor, aksiyunan mo naman ang daing ng iyong mga kababayan.

MAYOR ISAGANI  BOLOMPO, KILOSSS!

Dapat din sigurong kumilos si Lian Mayor Isagani Bolompo dahil sa kanyang bayan ay inirereklamo rin ang tupadahan ng isang  Sgt. Relos. Akala mo’y ligal na ang pagpapatupada ni sarge dahil lantaran itong nag-o-operate, pero tahimik lang si S/Insp. Rellan, hepe ng Lian.

Baka namamantikaan na rin ang nguso ng mga police official diyan kaya nagbubulag-bulagan sa nagaganap na kalokohan sa kanilang area of responsibility.

S/Supt. Omega Jireh Deocares Fidel..sir…kilos. rendahan mo naman si Capt. Rellan dahil lantaran na ang pagpapahiya sa iyo bilang Batangas PD.

The post MAYOR MANNY ALVAREZ, GISING! appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 58150

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan