Manila, Philippines – Namataan ang Low Pressure Area (LPA) sa layong 115 kilometrong kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte habang patuloy na nakaaapekto ang hanging Habagat sa Luzon, ayon sa PAGASA.
Uulanin ang bahagi ng Cordillera Administrative Region at Central Luzon habang may maulap na panahon, pag-ulan, pagkulog at kidlat sa Metro Manila, Ilocos Region, CALABARZON, at Cagayan Valley.
Ang nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng maulap na kalangitan na may pag-ulan dulot ng localized thunderstorms. Remate News Team
The post Habagat mararanasan sa Metro Manila appeared first on REMATE ONLINE.