Manila, Philippines – Niyanig ng 4.7 magnitude lindol ang Oriental Mindoro, Martes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) habang wala namang naiulat na pinsala.
Naganap ang lindol bandang 1:17 ng madaling araw sa lalim na 183 kilometro northwest ng Puerto Galera.
Naitala ang intensity 1 sa Puerto Galera, Quezon City at Bacoor, Cavite.
Saad pa ng Phivolcs, hindi ito magdudulot ng aftershocks. Remate News Team
The post M4.7 lindol yumanig sa Oriental Mindoro appeared first on REMATE ONLINE.