Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 58150

MUNGKAHI NG NWRB SA PAGTITIPID NG TUBIG NGAYONG TAG-INIT 

$
0
0

HINDI pa man opisyal na idinedeklara ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pag-uumpisa ng mga buwan ng tag-init sa ating bansa ngunit naaalarma na ang National Water Resources Board (NWRB) sa mabilis na pagbaba ng water level sa Angat dam. Nitong Enero 2018, nasa 212.10, 208.68 nitong Pebrero 2018, 207.00 nitong ika-5 ng March 2018 at bumaba ang lebel ng tubig sa 206.43 lamang nitong ika-7 ng Marso habang ang critical level ay 212.

Sa Angat dam na matatagpuan sa Barangay San Lorenzo, Norzagaray, Bulacan, nagmumula ang 90% ng malinis na ubig na ginagamit ng 12.87 milyong naninirahan sa Metropolitan Manila at siya ring nagpapatubig sa humigit – kumulang 28,000 ektarya ng mga taniman sa mga lalawigan ng Bulacan at Pampanga.

Mas lumalakas ang konsumo ng tubig at kuryente sa panahong mainit ang panahon dahil sa maya-mayang paliligo o pagpupunas ng katawan bilang pangontra sa matinding init.

Kaya naman muling nagpapaalala ang NWRB sa pagtitipid ng tubig ngayong tag-init sa pamamagitan ng mga sumusunod:

  1. Tiyakin na hindi tumutulo ang gripo sa inyong mga tahanan o opisina. Ayon sa NWRB, nasa 200 litro ng tubig ang nasasayang kapag may tulo o tagas. Ipinapayo ang pagkakabit ng flow constrictors sa mga linya ng inyong tubig upang makontrol ang water pressure.
  2. Agad na itawag sa Manila Water (hotline 1627) at sa Maynilad (hotline 1626) kapag may napansing sirang tubo o illegal connections.
  3. Magtakda ng iskedyul sa paglalaba hangga’t maaari ay minsan lamang sa isang Linggo. Kapag naglalaba, iwasan din ang pagbabanlaw na nakabukas ang gripo dahil anim (6) na litro ng tubig ang nasasayang kada minuto.
  4. Matutong mag-recycle ng tubig na ginamit sa paglalaba o paliligo. Puwedeng magamit ang mga tubig na ito sa paglilinis ng banyo o sasakyan.
  5. Kung may kakayahan, palitan na ang mga lumang modelong toilet bowls na nakapag-aaksaya ng 2.6 hanggang 4 na litrong tubig tuwing magpa-flush. HILDA ONG


Viewing all articles
Browse latest Browse all 58150

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>