Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 58159

FDA nagbabala sa pekeng anti-tetanus sa merkado

$
0
0

PINAYUHAN ng Food and Drugs Administration (FDA) ang publiko na mag-ingat sa pagbili ng isang anti-tetanus injection, matapos na mapatunayang nagkalat sa merkado ang mga pekeng produkto nito at maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan.

Batay sa Advisory 2018-067 na inisyu ng FDA, partikular na binalaan nito ang publiko laban sa pagbili ng mga pekeng gamot na Tetanus Antitoxin (Antitet) matapos ang isinagawang pagsusuri, katuwang ang Marketing Authorization Holder, 2 World Traders Inc..

Pinayuhan naman ng FDA ang publiko na tiyaking tunay na Tetanus Antitoxin (Antitet) 1500 I.U./0.7 mL Solution for Injection (IM/IV/SC) ang kanilang bibilhin upang hindi mabiktima ng pekeng gamot.

Nagsagawa pa ang FDA nang paghahambing ng nakolektang pekeng produkto, mula sa  rehistrado at tunay na produkto, kung saan lumitaw na ang tunay na produkto ay may pangalang “Tetanus Antitoxin (Antitet) 1500 I.U./0.7 mL Solution For Injection (IM/IV/SC)” habang ang peke naman ay “Tetanus Antitoxin (Antitet) 1500 I.U.” lamang ang nakalagay sa label.

Ang disenyo ng label ng rehistradong produkto ay pareho sa retention sample habang ang disenyo ng label ay iba sa retention sample.

Magkaiba rin ang pagkakasulat ng generic name, dahil ang sa rehistradong gamot ay nakasulat sa loob ng kahon, habang ang sa peke naman ay hindi nakasulat sa loob ng kahon.

Tama at kumpleto ang dosage strength na nakalagay sa label ng rehistradong produkto, gayundin ang registration number nito habang hindi naman kumpleto ang nakalagay na dosage strength at hindi rin nakasulat ang registration number nito sa label.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ng FDA ang lahat ng healthcare professionals at publiko laban sa paglipana ng nasabing pekeng gamot sa merkado na maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng mga gagamit nito.

Ang publiko ay pinapaalalahanan ring bumili lamang sa mga establisyamentong lisensyado ng FDA.

“Gayundin, ang lahat ng establisyamento ay binabalaang huwag magbenta nitong napatunayang pekeng gamot na nagtataglay ng mga nasabing katangian. Ang pag-aangkat, pagbebenta at pamamahagi nito ay paglabag sa Republic Act No. 9711 o ang Food and Drug Administration Act of 2009 at Republic Act No. 8203 o ang Special Law on Counterfeit Drugs, samakatuwid my kaukulang parusang ipapataw,” babala pa ng FDA.

Hiniling rin ng ahensya sa lahat ng Local Government Units (LGUs) at Law Enforcement Agencies (LEAs) na tiyaking ang pekeng produktong ito ay hindi maibebenta o magagamit sa kanilang mga nasasakupan. MACS BORJA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 58159

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>