Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 58539

‘Nakaw-load’ ng service provider sa text promos, kakasuhan

$
0
0

INATASAN ng Senate committee on science and technology na kasuhan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga value-added service (VAS) provider na nagnanakaw ng load kapag nagpadala ng text promo dahil sa paglabag sa consumer law.

Ganito ang lumitaw sa isinagawang pagdinig ng naturang komite sa pamumuno ni Sen. Bam Aquino matapos matuklasan na nababawasan ng P2.50 ang load ng prepaid subscriber sakaling magpadala ng text promo ang mga VAS provider.

“Lumilitaw na dalawang piso at singkuwenta sentimos ang nababawas sa load ng mga prepaid subscribe kapag nakatanggap ito ng promotion mula sa mga VAS provider na ipinadadala sa pamamagitan ng four digit numbers,” ayon kay Aquino.

Sinabi ni Aquino na tahasang paglabag ito sa consumer practice dahil nagbabawas ng load ang mga telcos kahit tinaggihan o hindi inaprubahan ng subscribers ang promotion ng VAS provider.

“Malinaw na panloloko ito sa mga subscriber na nararapat lamang na aksyunan kaagad ng pamahalaan,” ayon kay Aquino.

Inatasan ng komite ang DTI na kaagad aksyunan ang mga reklamo ng mga subscribers laban sa mga VAS providers.

Samantala, sinang-ayunan naman ni Sen. Nancy Binay ang panukala ni Aquino na dapat magpadala ng text messages ang mga telcos sakaling nabawasan ng load ang mga prepaid subscribers kapag nakatanggap ng text promos.

Sinabi ni Binay na kapag walang natanggap na reklamo mula sa subscribers, ibig-sabihin ay tama lamang ang nakakaltas sa kanilang mga load.

Naniniwala naman si Aquino na hindi naman karagdagang gastos sa telcos kung lagi na ino-notify sa mga subscribers ang mga lumalabas o nakakaltas na load. ERNIE REYES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 58539

Trending Articles


Ang Pananaw sa Kasaysayan ng Pilipinas ng mga Kapatiran at Kilusang...


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


5 rice trader kinasuhan ng smuggling


15 sugatan sa aksidente sa SLEX


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Katrina Dovey, payag maging sex worker ang jowa!


Ibong Adarna Script


PUYUPOY


SALAWSAW


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar


10 sugatang sundalo vs ASG, pinangalanan na


Lalaki binaril sa bayag sa Laoag


Mag-asawang barangay official, tigbak sa tandem


Itsinismis na Reggie Regalado lang siya pero daks ang kanyang younger brod!


Luha Ng Buwaya


PAGERPERAN


PILANTOD


IGINAYAK


SAMARAL



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>