Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 58539

Truck driver, ipinatumba ng dating pinagtatrabahuhan

$
0
0

SINASABING ipinatumba umano ng dating pinapasukan ang isang 43-anyos na truck driver matapos barilin ng riding-in-tandem na hinihinalang mga gun-for-hire sa Tondo, Maynila.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Randy Galicia Tusoc, ng Mapulang Lupa, Pandi, Bulacan dahil sa tama ng bala sa ulo.

Inaalam naman ng pulisya ang pagkakakilanlan ng dalawang
suspek na magkaangkas sa motorsiklo na ang isa’y nakasumbrero at isa ang naka-helmet na armado ng kalibre .45 na baril.

Sa report ni PO3 Mario Asilo ng MPD-Homicide Section, dakong 8:35 ng umaga nang maganap ang pamamril sa biktima sa paradahan ng truck sa Access Road, MICT Cmpd., Parola, Tondo.

Nabatid na pauwi na mula sa pagmamaneho ang biktima nang bigla na lamang sumulpot ang riding-in-tandem at walang sabi-sabing pinaputukan siya sa ulo nang dalawang beses.

Matapos ang pamamaril ay humarurot patakas ang mga suspek patungong Pier 2.

Sa salaysay ng live-in partner ng biktima na si Jandarey, 26, matagal nang nakatatanggap ng death threat ang biktima matapos umanong maghain ng reklamo sa National Labor Relations Commission (NLRC) laban sa isang trucking company na dati nitong pinapasukan kaugnay sa isyu ng sahod at benepisyo.

“Nanalo na siya sa kaso sa NLRC sabi ng abogado niya, kulang-kulang sa kalahating milyon ang babayaran ng kumpanya…pero may nagsabi na papatayin na lang daw ang asawa ko…tapos marami nang death threat, may tumatawag at nagte-text na ayaw magpakilala,” ani Jandarey.

Matapos umanong tanggalin sa trabaho ang biktima ay namasukan muli bilang driver sa ibang trucking company at ang bagong pinapasukan
umano’y hindi ang tinutukoy na kalaban sa kaso sa NLRC. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Viewing all articles
Browse latest Browse all 58539

Trending Articles


Ang Pananaw sa Kasaysayan ng Pilipinas ng mga Kapatiran at Kilusang...


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


5 rice trader kinasuhan ng smuggling


15 sugatan sa aksidente sa SLEX


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Katrina Dovey, payag maging sex worker ang jowa!


Ibong Adarna Script


PUYUPOY


SALAWSAW


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar


10 sugatang sundalo vs ASG, pinangalanan na


Lalaki binaril sa bayag sa Laoag


Mag-asawang barangay official, tigbak sa tandem


Itsinismis na Reggie Regalado lang siya pero daks ang kanyang younger brod!


Luha Ng Buwaya


PAGERPERAN


PILANTOD


IGINAYAK


SAMARAL



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>