Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 59256

De Lima, pinadi-disbar

$
0
0

NADAGDAGAN ang mga kasong isinasampa laban kay Sen. Leila de Lima.

Ito’y matapos sampahan ng disbarment case sa Office of the Bar Confidant ng Supreme Court (SC) si De Lima ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), dating National Bureau of Investigation (NBI) deputy directors Reynaldo Esmeralda at Ruel Lasala at ang jueteng whistleblower na si Sandra Cam.

Ayon sa mga complainant, dapat matanggalan ng lisensya bilang abogado si De Lima dahil sa kasong gross immorality bunsod ng pagkakaroon ng kalaguyo na si  Ronnie Dayan, dati nitong bodyguard at driver.

Si Dayan ang sinasabing kumukuha ng drug money mula sa New Bilibid Prisons (NBP).

Partikular na nilabag aniya ni De Lima ang gross immorality at Lawyers’ Oath, Rule 1.01, Canon 7 at Rule 7.03 ng Code of Professional Responsibility.

Nakasaad sa reklamo na bigo si De Lima na ipatupad ang mataas na standard ng pagiging abugado na dapat magpakita ng moralidad.

Magugunitang may nakabinbin pang dalawang disbarment case si De Lima na isinampa ni Atty. Agustin Sundiam at Ricardo Rivera. TERESA TAVARES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 59256


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>