Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 59274

Number coding sa mga provincial buses, lifted hanggang Nov. 3

$
0
0

ITINIGIL muna ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) hanggang sa November 3, Huwebes, ang number coding para sa mga provincial buses.

Ito’y dahil inaasahan na marami pa ring mga pasahero na uuwi ng Metro Manila mula sa mga lalawigan.

Agad namang nilinaw ng MMDA na tanging mga provincial buses lamang ang sakop ng nasabing suspensyon.

Habang para sa lahat ng mga sasakyan, suspendido ang number coding mula October 31 – November 1 dahil parehong idineklarang special non-working holiday ang nasabing mga araw.

Samantala, nagbigay na rin ng special permit sa mga pampasaherong bus ang Inter-Agency Council on Traffic (i-ACT) para matiyak na maraming masasakyan ang mga pasahero.

Sa ngayon, punuan na at marami na ang mga pasaherong nagpa-reserve sa mga bus terminal partikular sa Araneta Center sa Cubao.

Ang mga bus na biyaheng Bicol ay fully-booked na at ang mga pasaherong hindi nakapagpa-reserve ay magsisilbing chance passenger na lamang.

Mas marami ang inaasahang bibiyahe ngayong taon dahil sa long-weekend o apat na araw na walang pasok.

Kaugnay nito, hinigpitan na rin ang seguridad sa nasabing bus terminal. -30-


Viewing all articles
Browse latest Browse all 59274

Trending Articles


NANLUMO


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


Suspek sa pagkakasagasa sa mag-ama, kinasuhan na


Pawnshop sa Iloilo City hinoldap


KALIWA’T KANAN ANG ILIGAL NA PASUGALAN ‘DI MATINAG


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Luha Ng Buwaya


Mga kasabihan at paliwanag


BUSABOS


SARILI


5 rice trader kinasuhan ng smuggling


4-anyos anak minolestiya ng tatay


Chinese tourists balot na balot vs nCoV


RTC Quezon City, Pasay City convict four employers for non-remittance of SSS...


Ina Raymundo, nilayasan ng asawa


Pulis ‘Lubog’ sinabon ni NCRPO dir. Albayalde


Tundo Man May Langit Din


SULASOK


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>