TIGBAK ang 11 katao dahil sa iligal na droga sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila kung saan isang Russian national naman ang naaresto dahil sa ecstacy.
Nanlaban daw sa kapulisang nagsagawa ng anti-drug operations ang mag-amang sina Jun at Jayson Minosa at kasamahan nilang si Allan Uba na nakuhanan ng 32 sachet ng shabu.
Pinagbabaril din ng hindi pa nakilalang mga suspek ang mga biktimang sina Arthur Andres at Christopher Gonzaga ng Marikina, BJ Santos ng Maynila, Rogelio Salamantes ng Las Pinas, Albert Silayon ng Pasig at Roderick Buenavides ng Quezon City.
Aminado ang mga pamilya ng mga biktima na gumagamit ng iligal na droga ang mga ito.
Samantala, nakuha sa jacket ng Russian national ang hindi pa mabilang na ecstacy pills.
Mula sa Brazil ay dumating sa NAIA terminal 3 ang suspek na si Anastasia Novopashina. -30-