Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all 58323 articles
Browse latest View live

Jinggoy Estrada nakalaya na

$
0
0

MATAPOS ang tatlong-taong pagkakakulong, nakalaya na rin si dating senator Jinggoy Estrada sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame kaninang Sabado ng tanghali.

Si Estrada, na inakusahan ng kasong plunder at anti-graft and corruption charges, ay pinalaya sa detention cell dakong 12:30 p.m. matapos magbayad ng P1.33-milyong bail ang kanyang abogado sa Sandiganbayan.

Ginawa ang hakbang isang araw matapos nagdesisyon ang anti-graft court na “there was no strong evidence” that Estrada was the “main plunderer” in the alleged P10-billion pork barrel scam.

Sinabi ng Sandiganbayan na ang negosyanteng si Janet Lim-Napoles, na siyang mastermind sa corruption scheme, ang siyang lumabas na may “extensive control” sa naturang scam.

Noong nakaraang taon lamang, ibinasura ng korte na may ibang composition of judges ang bail plea ni Estrada dahil sa kaukulangan ng merito.

Ang plunder ay isang non-bailable offense. BOBBY TICZON


Law student ng UST, dedbol sa hazing

$
0
0

POSIBLENG biktima ng hazing ang isang 22-anyos na first year law student ng University of Sto. Tomas (UST) na natagpuang patay sa Tondo, Manila.

Hindi na umabot nang buhay sa Chinese General Hospital ang biktimang si Horacio Tomas Castillo III, tinatayang 5’7 ang taas, naka-jersey short pants at kulay puting t-shirt na may nakasulat ng Political Science-University of Sto Tomas.

Sa report ni PO3 Jorlan Taluban ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 7:00 ng umaga nang natagpuang ang bangkay ng biktima sa kanto ng H. Lopez Blvd. at Infanta St., Balut, Tondo.

Ayon sa isang testigo, sakay siya ng kanyang motorsiklo papunta sa San Lazaro Hospital nang mapadaan siya sa isang tindahan para bumili ng sigarilyo nang napansin ang bangkay ng biktima na nakahandusay at nakabalot ng isang kumot.

Sa tulong ng isa pang motorista, dinala ang biktima sa Chinese Hospital kung saan idineklarang dead-on-arrival.

Sa pagsusuri, nakitaan ng mga pasa sa braso ang biktima at sangkaterbang patak ng kandila o paso sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan na indikasyon na pinahirapan ito.

Una nang iniulat ang biktima na nawawala ito ilang araw na hanggang sa natagpuan itong patay.

Ayon kay Horacio II, ama ng biktima, nakatanggap ito ng text dakong 1:00 ng madaling-araw na nasa Chinese Geneal Hospital ang kanyang anak at patay na.

Hindi naman aniya matanggap ang pagkamatay ng kanyang anak sa ginawang pagpapahirap ng umao’y kasapi ng Aegis Juris Fraternity.

Ayon naman kay Minnie Castillo, ina ng biktima, hindi niya lubos maaisip na kayang gawin ito ng isang may matinong pag-iisip.

Humihingi ngayon ang pamilya ng biktima na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanilang anak na panibagong biktima ng hazing.

Paliwanag naman ni Dra. Milagros Probador ng MPD Crime Laboratory at nagsagawa ng awtopsiya sa bangkay ng biktima na sobrang pagpapahirap sa katawan nito ang dahilan ng pagkamatay nito.

Ang bangkay ng biktima ay kasalukuyang nakalagak sa Archangel Funeral Homes para sa safekeeping at awtopsiya.

Wala pa namang ibinibigay ang pamunuan ng UST hinggil sa brutal na pagkamatay ng biktima sanhi ng hazing. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Ex-PBA player Bulado, patay sa aksidente

$
0
0

NAMATAY sa isang malagim na aksidente ang dating Philippine Basketball Association (PBA) player na si Cristiano “Cris” Bolado sa Cambodia.

Sa nakuhang ulat, lulan ng kanyang motorsiklo ang basketbolista nang bumangga ito sa isang sasakyan sa Phnom Penh.

Nakatakda namang dalhin ang kanyang labi sa Lucban, Quezon.

Sa kanyang basketball career, naipanalo ni Bolado ang 11 championships mula 1994 – 1997 Commissioners cup.

Naging pang-13 overall draft ng Alaska noong 1994 at itinuturing na isa sa mga biggest winners sa kasaysayan ng liga.

Tatlong championships ay mula sa 1996 Alaska grand slam, dalawang kampeonato sa San Miguel Beermen at Coca Cola at tig-iisang championship sa Purefoods at Gordon’s Gin.

Naglaro ito ng siyam season sa PBA hanggang sa magretiro noong taong 2003.

Naging aktibo ang 6-foot-6 center sa basketball clinics matapos ang kanyang retirement at lumabas din ito sa ibang mga pelikula at television shows. BOBBY TICZON

Upuan ng isang bagon ng MRT, nagliyab

$
0
0

HINDI man tumirik, nasunog naman ang ilalim ng passenger seat ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 ng isang bagon nito kaninang Lunes ng umaga.

Alas-6:00 ng umaga nang nag-signal ang driver ng tren na hindi nakuha ang pangalan habang papalapit ito sa Santolan Ave. Station sa Quezon City.

Nang inspeksyunin, nakitang nasusunog ang regulator sa ilalim ng isang upuan, ayon kay Transportation Usec. Cesar Chavez.

Pinababa ang mga pasahero sa nasabing istasyon. Mabilis namang naapula ang apoy gamit ang fire extinguisher ng bagon.

Balik-normal na ang operasyon ng MRT-3 habang dinala sa depot ang tren para ayusin.

Noong nakaraang linggo, nasa 17 beses nagkaaberya ang biyahe ng MRT-3. BOBBY TICZON

Napoles gusto na rin makalaya

$
0
0

SA paglaya ni dating Senator Jinggoy Estrada nitong Sabado sa pagkakakulong, nagpahiwatig din ang negosyanteng si Janet Lim-Napoles na gusto na rin niyang makalaya.

Sinabi ni lawyer Dennis Buenaventura na nakausap niya si Napoles na umaasa na makalalabas sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

“This is very good for us. We shall go over the actual terms of the resolution, then we will file our own,” pahayag ni Buenaventura.

Sa isang majority resolution na inilabas noong Biyernes, pinayagan ng 5-person Sandiganbayan Special 5th Division si Estrada na makapagpyansa, dahil sa desisyon ng
Supreme Court na mapawalang-sala si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

“Mas maganda lang dahil mas luminaw sa GMA case, ‘yun ang parang magiging ano, guide. Pero ang factual arguments, ganun pa rin sa dati,” pahayag ni Buenaventura, at idinagdag na uunahin nilang magsampa ng isang mosyon sa 5th Division.

Nahaharap si Napoles ng kasong plunder sa Sandiganbayan’s 1st at 3rd Division, na may relasyon sa kaso nina dating Sen. Bong Revilla at Sen. Juan Ponce Enrile.

Maliban kay Napoles, nagpahayag din ang kampo ni dating Senator Bong Revilla nma magsasapa sila ng kahalintulad ng mosyon para sa kanyang paglaya.

May dalawang iba pang indibidwal na nakakulong dahil sa multi-billion-peso Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam at ito ay sina Atty. Gigi Reyes, ex-chief-of-staff ni Juan Ponce Enrile, at Atty. Richard Cambe, ex-staff naman ni Revilla. BOBBY TICZON

UST: Pananagutin ang fraternity na sangkot sa pagkamatay ni Horacio Castillo III

$
0
0
TINIYAK ng pamunuan ng  pamunuan ng University of Sto Tomas na pananagutin ang mga sangkot sa pagkamatay ng kanilang first year law student na si Horacio Castillo III.

Sa ipinadalang press statement ni Associate Professor Giovanni V. Fontanilla, Director of Office of Public Affairs ng UST,  nakasaad na natanggap na nila ang report hinggil sa sinasabing  pagkamatay sa hazing ni Castillo na kinasasangkutan umano ng Aegis Juris fraternity.

Mariin din aniyan nilang kinokondena ang hazing at hindi nila pinapayagan ang anumang uri ng karahasan  sa kanilang institusyon lalo na sa UST na nagbibigay ng mataas na pagpapahalaga at pagsusulong sa charity and compassion.

Tiniyak din ng UST na wala silang sasantuhin sa insidente at pananagutin ang sinumang mapatutunayang sangkot sa marahas na kamatayan ni Castillo.

Dagdag pa ni Fontanilla na  nagsasagawa  na sila ng imbestigasyon  upang mapalabas ang katotohanan, matukoy ang mga may kasalanan at bumalangkas ng legal na action.

Muling iginiit ng UST  ang pagpapahalaga nila sa Christian values and ideals na patuloy na nagbibigkis sa kanilang mga institusyon. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

UST student namatay sa hazing – MPD

$
0
0

KINUMPIRMA ng Manila Police District (MPD) ngayong umaga, Lunes, Setyembre 18, na namatay sanhi ng hazing ang freshman law student ng University of Santo Tomas law na si Horacio Tomas “Atio” Castillo III.

Ayon sa MPD medico-legal doctor, si Castillo ay namatay sanhi ng massive heart attack sanhi ng kanyang tinamong kapansanan.

Dumating ang medico-legal team mula MPD sa morgue dakong 9 a.m. para magsagawa ng awtopsya sa labi ni Castillo.

Matapos ang pageksamin, kinausap ng naturang doctor ang pamilya Castillo at kinumpirma na isa itong kaso ng hazing.

Ang bangkay ng biktima ay may hematoma sa parehong braso pero walang burn marks.

Napahagulgol naman ang tatay ni Horacio Castillo Jr., nang sabihin sa kanya ang autopsy results.

Hinamon niya ang may responsable na harapin ang kahihitnan ng krimen. BOBBY TICZON

Aegis Juris fratmen, sinuspinde na

$
0
0

SINUSPINDE na ng dekana ng University of Santo Tomas Faculty of Civil Law na si Atty. Nilo Divina ang mga opisyal at miyembro ng Aegis Juris Fraternity.

Ito ay para matiyak na hindi makakasagabal ang mga ito sa kasalukuyang imbestigasyon hinggil sa pagkamatay ng 1st year law student na si Horacio Castillo III na nakumpirmang isinailalim sa hazing.

Kaugnay niyan, hindi muna makakapasok sa unibersidad at makakapasok sa kanilang mga klase ang mga nasuspinde hangga’t hindi tapos ang imbestigasyon.

Nagpaabot na rin ng pakikiramay ang nasabing fraternity.

Una rito, sumali si Castillo sa Aegis Juris matapos makumbinse ng kaklase, sa kabila ng pagtutol kanyang mga magulang.

Biyernes ng gabi nang magpaalam ito para dumalo sa welcome rites at sinabing walang hazing na magaganap, ngunit hindi na ito nakauwi.

Umaga nitong Lunes nang mapagalamang patay na si Horacio, kung saan natagpuan umano itong nakabalot ng kumot sa bangketa sa Balut, Tondo. BOBBY TICZON


September 21 dineklarang National Day of Protest

$
0
0
INANUNSYO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na National Day of Protest sa Setyembre 21, ika-45 taong anibersaryo ng Martial Law.
Subalit nilinaw nito na hindi holiday ang nasabing petsa.
Sinabi ng Pangulo na maging siya at ang mga empleyado ng pamahalaan ay kailangan na magsagawa ng kilos-protesta dahil malinaw aniya na kulang sa kagamitan ang gobyerno at walang allowance.
Maging ang mga miyembro ng media ay hinikayat nito na magsagawa ng kilos-protesta dahil sa mababang sahod o underpaid.
Hinikayat din  ng Pangulo ang mga pulis militar at  maging ang mga rebeldeng grupo.
“Come down here. i will not arrest you. do not commit crimes.. no vandalism..,” ani Pangulong Duterte.
Layunin ng deklarasyon na ito ng Pangulo na National Day of Protest sa setyemnbre 21 na bigyang   kalayaan ang lahat na mag-protesta sa pamahalaan o ihayag ang kanilang saloobin laban sa  gobyerno.
Samantala, mananatili naman sa kani-kanilang mga barracks ang mga pulis at army.
Tanging ang mga traffic enforcers lamang aniya ang makikita sa lansangan. KRIS JOSE

Pasahero ng taksi maglalaho kapag itinaas ang pasahe

$
0
0

BABALA ito ng ilang mambabatas sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at maaari aniyang mauwi sa kawalan ng pasahero o parokyano ng mga taksi kapag nagkaroon pa ng fare increase.

 Naunang isinulong ng LTFRB na taasan ang pasahe sa taxi para umano pumantay sa kinikita ng mga Transport Network Vehicle Services (TNVS) gaya ng Uber at Grab.

 “Mukhang hindi nakakaintindi ng economics ang mga opisyal ng LTFRB. Kapag itinaas basta-basta ang pasahe sa regular taxis nang hindi naman itinataas ang kalidad nito, e di lalong walang sasakay sa taxi,” ani AANGAT Tayo Party-list Congressman Neil Abayon.

 Sinabi ni Abayon na may dahilan kung bakit mas gusto ng mga pasaherong sumakay sa TNVS kahit na mas mahal nang konti at ito ay dahil sa tingin ng publiko ay mas convenient, mas ligtas, at mas magalang ang serbisyo ng mga driver ng TNCs gaya ng Uber at Grab.

Nangangamba ang mambabatas na kapag natuloy ang plano ng  LTFRB na itaas ang rate ng regular taxi ay lalong magkakaroon ng dahilan ang mga pasaherong dati nang may ayaw sa mga taxi na posibleng ikawala ng kita ng mga taxi driver at operators.

“Dapat asikasuhin muna ng LTFRB ang pagre-regulate sa kalidad ng lahat ng pampasaherong sasakyan kabilang na dyan ang taxi. Dapat din pagtuunan ng pansin ng LTFRB ang matagal nang sumbong ng mga pasahero laban sa mga isnabero at abusadong taxi driver,” giit pa ni Abayon. MELIZA MALUNTAG

Pang. Digong hinikayat ang UNHRC na maglagay ng satellite office sa Pilipinas; CHR hindi bubuwagin

$
0
0
HINIKAYAT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang United Nations  Human Rights Council (UNHRC)  na maglagay ng kanilang satellite office sa Pilipinas upang personal na malaman ang kaganapan sa bansa kaugnay sa giyera ng pamahalaan laban sa iligal na droga at kriminalidad at upang mabatid kung may paglabag sa karapatang pantao sa mga taong tutugisin ng kapulisan.
“Ituloy ninyo yan,” ang tila panghahamon pa ni Pangulong Duterte.
Handa rin ang Pangulo na bigyan ng opisina ang mga ito sa bansa subalit bahala na aniya ang UNCHR na maglagay ng kanilang mga tao sa bawat istasyon na kanilang itatayo.
Sa kabilang dako, handa naman si Pangulong Duterte na ibili ng iba pang gamit ang mga pulis sa P623m budget ng CHR sakali at tumanggi ang Kongreso na ipagkaloob ang budget na ito sa komisyon. Kabilang sa ibibigay ng Pangulo sa mga pulis ang baril, helmet.
“Marami akong bagay na ibibigay sa PNP. Wala akong problema dyan. Ayaw ninyong (Kongreso) ibigay eh di huwag,” aniya pa rin.
Wala aniyang pulis na mago-operate na walang bitbit na camera at kung matutuloy aniya ito ay malaya na ang mga pulis na kumuha ng sarili nilang larawan sa bawat operasyon na kanilang gagawin.
Kailangan din aniya na may kasama ang mga ito na miyembro ng media
Hindi ia-abolish ang CHR.
Sinabi ng Pangulo na naka-standby lamang ito habang nasa puwesto si Gascon.
PABOR ang ilang Obispo na dapat nang magkusang  bumitiw sa puwesto si Commission on Human rights Chairman Chit gascon dahil hindi naman nito  nagagampanan nang maayos ang kanyang trabaho.
Sinabi ni dating Catholic Bishops Conference  of the Philippines President Bishop Oscar Cruz na maging siya ay nagtataka sa pananahimik ng CHR partikular na ni Gascon sa isyu ng pagpatay sa 2 binatilyo sa Caloocan City.
Ani cruz, wala siyang naririnig mula sa CHR sa kabila ng mga patayang nagaganap sa paligis at sa halip ay ang Public Attorney’s Office ang  aktibo  sa pag-asikaso sa mga kaso.
kaugnay nito ay sinabi ni Cruz na dapat nang palitan  ang hepe ng CHR para  magampanan nito nang tama ang mandato  sa ahensiya.
Binigyang -diin ni Cruz na naniniwala siyang mayroong mas karapat-dapat na mamuno sa CHR kaya sana ay  magkusa nang  bumaba sa  puwesto  si Gascon kahit sabihin pang base sa batas ay matatapos  pa ang termino nito sa Mayo 5, 2022. KRIS JOSE

Ex-BOC chief Faeldon, 11 pa, kinasuhan na sa P6.4B shabu shipment

$
0
0

KINASUHAN na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) si dating Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon at 11 pang personalidad dahil sa pagkakalusot ng P6.4-bilyong halaga ng shabu papasok ng bansa.

Sa reklamong inihain ng PDEA sa Department of Justice (DOJ), nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act sina Faeldon at ilan pang opisyal ng BOC.

Ito’y bukod pa sa paglabag sa Anti-graft and Corrupt Practices Law.

Batay sa complaint, nagkuntsabahan umano sina Faeldon kaya’t nakalusot ang droga sa kustodiya ng BOC.

Dahil din diumano sa kapabayaan nina Faeldon, nakatakas ang Chinese na si Chen Ju Long at ilan pang Chinese at Pinoy na personalities na utak umano sa pagpapalusot ng droga sa bansa.

Matatandaang humantong pa sa imbestigasyon sa Senado ang paglusot ng multi-bilyong pisong halaga ng shabu sa kamay ng mga BOC. JOHNNY ARASGA

Insecure at Butangera

$
0
0

SABI ng isang knowledgeable sa mga pangyayari sa isang sexy actress at sa wholesome image star na may asawa na’t anak, kaya raw umalis na sa talent management na kanyang kinabibilangan ang sexy actress ay dahil may ginawa raw ang tago ang katarayang aktres sa kanya.

This is actually a reprise of what she did many years ago to this wholesome imaged young actress who is now working with the rival network.

Mas matindi nga lang ang ginawa niya roon sa younger actress dahil kinulong daw niya ito sa loob ng kwarto at pinagsasalitaan nang kung anu-ano.

This time, hindi naman niya kinulong ang sexy actress, but she was made to believe that she would be talking to the big boss, kaya ganon na lamang ang kanyang pagkagulat when it was the feisty actress that was waiting for her there.

Predictably so, she was able to get more than a mouthful from the fuming and mad star.

Hindi raw talaga nakapagsalita ang young sexy actress dahil sa intensity ng pagka-imbierna ng pugnacious star na contorted raw ang magandang mukha dahil sa intensity ng pagka-irita.

Kung paniniwalaan ang mga kwento-kwento, nakarating raw sa mister niya ang ginawa ng palabang aktres at pinagsabihan niya supposedly itong huwag ng uulitin ang kanyang ginawa or else……

‘Yun nah!

Ang sabi pa ng mga intrigera, this feisty woman is never on a diet. Nag-slim raw ito the natural way for the simple reason that she is perpetually weary and worried than someone more beautiful and attractive would steal her husband away from her.

What a pity!

Kaya ngayon, smooth sailing daw ang shooting ng kanyang mister dahil off-limits ang butangerang star sa set ng kanilang soap.

Good!

Ruffa Gutierrez, walang nakukuhang sustento kay Yilmaz Bektas

Mas mamatamisin pa raw ni Ruffa Gutierrez na mangutang sa kanyang inang si Annabelle Rama o sa younger brod niyang si Richard Gutierrez kaysa manghingi ng sustento sa asawa niyang si Yilmaz Bektas.

So far, Ruffa wasn’t able to get any financial support from her estranged husband.

Mag-isa raw niyang binubuhay ang dalawa niyang anak na babae na sina Lorin, 14, at Venice, 13.

So far, the most that Yilmaz has sent her was peanuts and something like 2,000 dollars and that was an aeon ago.

“Pero my mom (Annabelle Rama) actually told me, ‘Don’t ask anymore kasi maayos naman buhay mo.’

“Thank God that I have a lot of projects na I’m able to raise them on my own, so thank you for that.”

Ngayong pinapasok na ni Ruffa ang mga anak sa show business, hindi na raw niya kinakailangang hingin pa ang permiso ni Yilmaz.

“According to the court,” Ruffa intimated,”I have sole custody of the kids, so I make decisions for them.

“I’m their mother and father,” she further asseverated.

But doesn’t Yilmaz miss his kids?

“Pero kung gusto naman niyang gumawa ng paraan, puwede namang gumawa ng paraan na sarili niya,” she quipped. “The kids are old enough, di ba, so he can reach them on his own.”
2003 sila kinasal ni Yilmaz at nagkahiwalay noong 2007.

Sarah Lahbati’s fascination with Gucci.

Though she has an impressive collections of fashionable pieces from Louis Vuitton, Vetements, Zimmerman, and the local brand Bench, a number of her OOTD posts have featured the Italian label.

This pair of Gucci Princetown black slippers, for one, is her favorite.

Imagine for a simple shirt, she could afford to splurge a cool P28,000.00.

This GG Marmont velvet mini bag in blue Chevron velvet must be really fashionable, she wears it both for casual and formal events.

These seemingly simple-looking bags would cost you a staggering fifty six thousand pesos.

Dito lang pala nauubos ang mga kinikita ni Sarah Lahbati. At least, she’s not into casino playing or anything deplorable or ob- jectionable.

Nag-uulyanin na!

72 or 75 at the most itong si Buruka Kuflangera but she seems to be acting as if she’s now experiencing her second childhood. Hahahahahahahahahaha!

Mantakin mong for someone so fucking old, humahanga at nabubuang pa siya sa mga Korean actors at nagpupunta pa sa Korea para puntahan ang mga lugar na pinagsu-shooting-an ng mga ito at parang luka-lukang hinahaplos-haplos ang mga lugar na pinupuntahan ng kanyang mga idolo.

Isn’t that a bit weird? Hahahahahahahahahaha!

Imagine, an old woman in her seventies is still head over heels in love with Korean actors?

Funny, isn’t it?

Makes me want to guffaw! Hahahahahahahahahaha!

Well, siguro, parang sumpa na rin ito sa tulad niyang mapang-maliit at daig pa ang halimaw kung pag-trip-an ang mga GAKA.

Besides, she is also devoid of the word gratitude.

Hayan at si Kuya Boy C. de Guia ang nagbukas sa TV hosting world sa kanya pero ano’ng ginawa niya? Sa halip tumanaw ng utang na loob ay binugaw pa itong parang langaw sa isa sa kanyang mga presscons sa isang resto sa Kyusi may ilang taon na ang nakararaan.

Hindi siya marunong maawa.

Bato ang kanyang puso at hindi uso ang pagtanaw ng utang na loob.

Impaktang tunay, di ba naman?

Heto na lang ha? Kung makabugaw siya sa mga Gaka ay para bang hindi niya pinagdaanan ‘yun.

Hindi ba’t siya ang orig na Gaka nu’ng time nina Alfie Lorenzo at Billy Balbastro? Hahahahahahahahahahahaha!

Ang nakatatawa pa, this cheap, mal-educated mammal despises the gatecrashers when she used to be like them.

Don’t you, guys, find it ironic? Hahahahahahahahahahaha!

Nga pala, dapat magsipsep ka muna kina Joan Lalin, Madam Shirley Pizza at Lisping Queen. Baka makalimot sila sa ‘yo at biglang ma-invite kami. Harharharharharharhar!

Whatever, I feel it in my bones that the end of your career is looming!

And when that time comes, I would guffaw with all my heart. Hakhakhakhakhakhakhakhak!

Even if you’re moneyed, it wouldn’t mean a fucking thing, gurang!

You hear me, old goat? You are experiencing the early stage of dementia or senility.Kaya nagbabalik ka sa mga bagay na nae-enjoy mo when you’re basically young.

Scary?

You bet, gurang! Hahahahahahahahahahaha!

Comedian Empoy Marquez transforms into a heartthrob after Kita Kita success

Ibang-iba na ang career sa ngayon ng ace comedian na si Empoy Marquez right after na maging unexpected hit ang pelikula nila ni Alessandra de Rossie na Kita Kita.

Prior to this, they were never considered as bankable actors. But Kita Kita has changed all that.

Dahil dito naging exciting at electrifying ang takbo ng kanilang showbiz career.

Empoy has become a box-office star overnight and his endorsements mushroom like anything.

He is also thankful that he’s now an exclusive property of Star Cinema.

Anyway, nag-shoot ng additional scenes si Empoy sa movie outfit ni Ms. Claire dela Fuente in connection with the movie Kwento Ni Money at makakasama na niya rito si LA Santos, maliban kina Mark Neumann, Sharmaine Suarez, Mico Palanca, Debraliz ar marami pang iba.

Totoo yatang may third eye itong si Ms. Claire dela Fuente dahil nakita niya ang potential ni Empoy long before the others had.

Anyway, the success of Kita Kita has changed the image of Empoy overnight. From the very ordinary looking comedian, he’s now considered as a “heartthrob”.

All of a sudden, his private life has become a topic of considerable interest.

Pero biro ni Empoy, focus raw muna siya sa work dahil strict ang parents niya.

Nevertheless, inamin niyang off-line na raw sila ng dati niyang girlfriend dahil nasa Singapore na ito at may pamilya na.

But he plans to go to Singapore this Tuesday.

Is there a chance that they would meet again?

Friends raw sila sa Friendster. And that’s how it is.

Sa ngayon, nasa stage raw siyang gusto niyang mag-ipon nang mag-ipon.

Kamakailan lang, Empoy posted on Instagram their family pictue.

“Birthday ni Daddy,” he revealed,”sarado 60 siya, kaya trineat namin siya ng family ko somewhere in Manila kasi gusto niya magkakasama kami ng mga kapatid ko.”

Sa ngayon, sobrang proud na raw sa achievements niya ang kanyang pamilya.

“Sobrang proud sa akin,” he kiddingly said. “Ngayon pinaglalaba na ako ng medyas at brief, dati T-shirt lang.”

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong! DAPAT LANG!/PETE G. AMPOLOQUIO, JR.

Lolong jeepney driver binaril habang namamasada, patay

$
0
0
ISANG matandang lalaki ang binaril at napatay ng hindi pa nakikilalang riding –in tandem habang ang biktima ay sakay ng pampasherong jeep malapit sa presinto ng pulis  kaninang umaga  Sept. 19 sa Malabon City.
        
Si Eden Chuanico, 78, balo ng  84 Maryland St. Cubao, Quezon City ay binaril sa leeg at sa ulo na agad namang isinugod  ng mga nagrespondeng mga tauhan ng Malabon Police Community Precinct (PCP) 2  sa  Manila Central University (MCU) hospital subalit hindi na ito umabot na buhay.
Base sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Julius Mabasa ang biktima sakay ng public utility jeep sa mula sa  Dagohoy Street sa Caloocan City patungong  Obando, Bulacan habang tinatahak ang kahabaan ng Gov. Pascual sa Brgy. Potrero, Malabon biglang dikitan ito ng motorsiklo sakay ng dalawang suspek isa dito ang biglang bumaba at dalawang beses binaril ang bikitma na tinamaan sa leeg at sa ulo
 
Matapos ang pamamaril ang mga suspek mabilis na tumakas sakay ng gateaway motorsiklo habang ang driver ng nasabing pampasaherong Jeep na si Edgardo De Guzman, 51 at ang nag respondeng tauhan ng PCP-2  ay agad dinala ang biktima sa nasabing ospital.
 
Ayon kay Insp. Paul Dennis Javier hepe ng investigation section kanilang inaalam kung may koneksyon sa pag paslang kay  Chuanico sa pagpatay din sa kapatid niotng babae na pinatay din ng hindi pa nakikilalang salarin sa harap ng Malate Church  noong nakaraang August 8, 2015  sa Malate, Manila.
Sinabi naman ni Nora Eubanas, 71, may-ari ng isang restaurant habang pauwi sila matapos mesa ng bigla na lamang nakarinig ng sunod sunod na putok ng baril sa lob ng sasakyan mabuti na laman ay hindi nadamay ang kanyang hipag na isa ring pasahero
Ayon kay Insp. Javier pauloy silang makiki-coordinate sa baragay opisyal at may ari ng establishmento sa lugar para makuha ang kopya ng close circuit television (CCTV) camera na nakakabit sa nasabing lugar. BOBBY TICZON

Robin, aminadong sinungaling sa babae!

$
0
0

AYON kay Robin Padilla pilit siyang pinababagsak ng mga tao nasa posisyon ngayon at ito rin daw ang mga taong kumakalaban sa kanya noon pa man.

Sa pagsisiwalat ni Robin sa kanyang bagong post sa Instagram na para raw sa kanyang anak na lalake ay karugtong ng nauna niyang IG post na kung saan nga isiniwalat niya ang sama ng loob sa mga tao na patuloy na ibinabagsak siya dahil sa pagiging supporter ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“My son..my only son…I will not ask you to be proud son of an ex-convict father but always remember that I am not corrupt or I used my status and fooled my co-workers and the people under me then attacked a building full of innocent people putting hi- grade explosives in the complex making every civilian hostages not once but twice and still very much free to plot again and again endangering the whole country especially the future of the Filipino people.

“I went to prison not because of treason or being a hostage taker. I was put inside because of guns that was issued to me by the government and the court chose to deny it.

“I did not use money and power to influence judgement because I believe in the divine justice. The people who persecuted me died after a few days of surrender. The judge was killed by natures wrath and the prosecutors died in his bed.

“I didn’t pray for their misfortune. I actually accept the faith to rehabilitate myself. I was able to get out of prisons early because of a law that was passed changing the old law that victimized hundreds of violators like me.

“I was given a pardon not because of influence nor money. I worked for the bureau against Drug menace inside…so, my dearest son the people who are persecuting me now using the media are the same dogs that are plotted against me in the 90`s using their influence again to discredit me and the revolution.

“This is what they do. This is what the politicians do..this is what the powerful do…Never I lied about myself..Only lied to women…I love you my son…Be a proud Padilla…!” mahabang mensahe ni Robin.

***
Magbabalik telebisyon si Rufa Mae Quinto, pero sa ABS CBN na at hindi sa GMA 7.

Matapos mamalagi ng ilang buwan sa Tate ni Rufa Mae kasama ang husband na si Trey Magallanes at anak na si Alexandra, mas pinili niya maging Kapamilya kaysa Kapuso.

Matatandaang ilan taong din naging contract star si Rufa Mae ng GMA 7 kung saan nga siya nabigyan ng maraming project at isa nga rito ay ang longest running gag show na Bubble Gang na isa siya sa original cast ng naturang gag show na napanonood every Friday sa GMA 7.

Naka-post sa kanyang Instagram wall ang kanyang larawan kasama ang iba pang cast ng drama anthology na kanyang sasamahan.

“After two years of not acting, here I go go go again with my best actress performance. I am Angie, from Baguio, battered wife, product of broken family. Basta! It`s my first taping day. I miss taping! Kaya isang madugo at madrama ang episode namin na #katuwang!”

Kung sabagay ay hindi na nagtaka ang karamihan dahil matatandaang nag-ober dakod na rin si Rufa Mae noong bago siya ikasal lumabas siya sa TV 5, show ni Willie Revillame.

Well, sana hindi totoo ang balitang nanganganib magsara ang ABS CBN dahil sa hindi raw diumano pipirmahan ni Pangulong Duterte ang renewal ng prangkisa ng ABS CBN na magtatapos sa taong 2020. TEKA MUNA/GERRY OCAMPO


Limited lang ang kakayahan at ham actress talaga!

$
0
0

LALONG waley ang dating ni Maine Mendoza nang ipalabas ang Boni Ilagan story na ginampanan ni Alden Richards for GMA.

Story ng isang activist ang role ni Alden at umani siya ng papuri sa Alaala ng GMA.

Ipinakita sa kuwneot ang kahindik-hindik na sinapit ng mga tao during Martial Law.

Sa social media, kaliwa’t kanang praises ang inabot ni Alden.

With that ay nagmukha tuloy na walang silbi ang mga batikos sa kanya lately.

Of course, na-compare si Alden kay Maine. Until now kasi ay walang solid project si Maine which would project her being a serious artist.

Limited naman kasi ang kakayahan sa acting ni Maine. Wala siyang puwedeng ipagmalaki sa acting department dahil until now ay bano pa rin siyang umarte.

Speaking of Maine, marami ang naplastikan sa kanyang mga fans. Noong una kasi ay super bash sila kay Sarah Geronimo dahil ito ang kapartner ni Alden sa isang commercial.

Now, merong picture si Maine with Sarah kaya naman todo praise ang fans ni Maine.

Spell plastic?

Naku, tiyak na kukuyugin na naman kami ng fans ni Maine nito. Knowing them, they will call us names.

But do we care?

No. actually, we enjoy reading their bashing sa Twitter. Meron nga kaming regular basher na nagngingitngit sa galit sa amin. Continue bashing us.

We enjoy it. Actually, comic relief para sa amin ang mga hanash ninyo sa Twitter. Nakaaaliw kayo.

Nakatatawa kayo. We enjoy your idiotic shenanigans.
***
Ayaw pa ring paawat nina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz.

Hindi sila nagpapatinag sa intriga at kontrobersiya. Matapos ang mga nakakalokang photos at videos ni John Lloyd ay sige pa rin sila sa kanilang special friendship.

Of late, nag-post si Ellen ng photo ni John Lloyd Cruz who was caught painting. Parang abstract painting yata ang kanyang ginawa.

It appears na Ellen was ramming into the collective throats of their bashers na mamatay kayo sa inggit but we enjoy each other’s company.

Pinalalabas ni Ellen na more than companionship at bantering in between pagtungga ng alak ay meron something in common sa dalawa – art.

With this, nakikita namin na hindi titigil ang dalawa sa kanilang special friendship. Enjoy na enjoy kasi sila sa isa’t isa, kesehodang i-bash pa sila sa social media.

Anyway, hindi naman yata affected si John Lloyd lalo pa’t meron siyang post ng panibagong endorsement.

Kaya lang, lahat halos ay ayaw kay Ellen. Pinalalabas nilang hindi ito good influence sa binata.

So, mamatay na lang kayong lahat sa inggit kay Ellen. UNCUT/ ALEX BROSAS

La Aunor, unanimous choice bilang best actress sa 4th Urduja Awards

$
0
0

INANUNSYO na ng Urduja Heritage awards ang mga nanalo ngayong taon.

Wagi sa best actress category ang Superstar na si Nora Aunor hindi lang sa isa kundi sa dalawang pelikula. Ito ay para sa “Hinulid” ni Kristian Cordero at “Tuos” ni Derick Cabrido.

Tatlo naman ang inanunsyong best actor ngayong taon: sina Allen Dizon para sa “Lando at Bugoy” ni Vic Acedillo, Jr., Joem Bascon para sa “Ang Tulay ng San Sebastian” ni Alvin Yapan at Sandino Martin para sa “Ringgo, the Dog Shooter” ni Rahyan Carlos.

Tinanghal namang best heritage films ang mga pelikulang “Pauwi Na” ni Paolo Villaluna, “Kusina” nina Cenon Palomares at David Corpuz, “Dagsin” ni Atom Magadia, “Paglipay” ni Zig Dulay at “Hinulid” ni Kristian Cordero.

Narito ang kumpletong listahan ng nagwagi sa ika-4 na edisyon ng Urduja Heritage Film Awards. Best Heritage Film: “Pauwi Na” (Universal Harvester, Inc. and Pollen Productions),
Dagsin (Cinemalaya Foundation and Atom and Anne Mediaworks), Kusina” (Cinemalaya Foundation and Cinematografica Films),”Paglipay” (Universal Harvester, Inc. and ZMD Productions) at “Hinulid” ( QCinema and Cine Rinconada Productions)

Jury Award:
Drama Movie of the Year – Ma Rosa,

Musical or Comedy Movie of the Year – Die Beautiful and Echorsis,

Documentary Movie of the Year – Sunday Beauty Queen,

Animation Movie of the Year – Saving Sally,

Horror Movie of the Year – Ang Tulay ng San Sebastian,

Romance Movie of the Year – Barcelona: A Love Untold,

Crime or Suspense Movie of the Year – Malinak Ya Labi and Purgatoryo.

Best Actor: Joem Bascon (Tulay ng San Sebastian), Allen Dizon (Lando At Bugoy) at Sandino Martin (Ringgo: the Dog Shooter)

Best Actress:Nora Aunor (Hinulid at Tuos)

Best Supporting Actor: Neil Ryan Sese (Seklusyon), Jess Mendoza (Hinulid) at Jordan Herrera

(Best Partee Ever)

Best Supporting Actress: Luz Fernandez (Malinak Ya Labi), Liza Dino (Ringgo: the Dog Shooter) at Janine Gutierrez (Dagsin)

Best Actor In Cameo Role: Jomari Angeles (Ma’Rosa) at Alex Diaz (Dagsin)

Best Actress In Cameo Role: Marita Zobel (Dagsin) at Maria Isabel Lopez (Ma ‘Rosa)

Best Acting Ensemble: The cast of “Pauwi Na”

Best Young Actor: Gold Aceron (Lando At Bugoy) at Khalil Ramos(2 Cool 2 Be 4 Gotten)

Best Young Actress: Rhed Bustamante (Seklusyon)

Best Cinematography: Ice Idanan ( Sakaling Hindi Makarating )

Best Production Design: Angel Diesta (Die Beautiful )

Best Editing: Gilbert Obispo (Malinak Ya Labi )

Best Screenplay: Ralston Jover (Mrs. )

Best Director: Paolo Villaluna (Pauwi Na), Cenon Palomares at David Corpuz (Kusina), Atom Magadia (Dagsin), Zig Dulay (Paglipay) at Kristian Cordero (Hinulid)

Ang 4th Urduja Heritage Film Awards ay ipinakakaloob sa mga alagad ng sining na malaki ang naiambag para isulong ang kulturang Pinoy sa larangan ng pinilakang tabing.

Ang awarding ceremonies ay gaganapin sa Sison Auditorium sa Pangasinan sa Oktubre 3, 2017.

For your comments/reactions write to artzy02@yahoo.com CHIKKA PA MORE/ ARCHIE LIAO

Nabihag pati mga kapwa artista sa alindog ni Rhian sa Iceland!

$
0
0

IDINISPLAY ni Rhian Ramos ang nakakagigil niyang katawan nang magbakasyon sa bansang Iceland.

First time niyang nakarating sa naturang bansa kaya agad-agad na nagpakuha at nag-post sa magagandang lugar sa Iceland.

Kahit malamig ang panahon sa naturang bansa ay walang pakialam na nagpakuha ito ng naka-two piece bikini na kapag nakita mo ay siguradong titigil ka at pagmamasdan nang matagal dahil sa kanyang mala-diyosang katawan.

Katunayan ay napuno ng likes at comment ang Instagram post ni Rhian, lalo na yung nakatwo piece red bikini siya kung saan kitang-kita ang pinatattoo niya sa kanyang balakang.

May kuha siyang nakaharap at naka-side view na bakat na bakat ang curve ng kanyang butt na siguradong panggigilan ng mga barakong niyang followers.

“Finally doing what everyone`s been telling me to! Blue Lagoon,” caption ni Rhian sa kanyang napakaseksing pose sa pamosong Blue Lagoon ng Iceland.

Dahil nabighani sa ganda ng Iceland, nangako si Rhian na muli raw siyang babalik doon.

“That`s it for Iceland! Definitely. Definitely coming back. For now, just happy to be back home in warm Metro Manila,” caption pa ni Rhian.

Nakagugulat at nakabibighani talaga ang kaseksihan ni Rhian kaya pati kapwa celebrities ay nag-comment din sa mga sexy photos niya. Nag-comment at napahanga nga niya sina Maxene Magalona, Iza Calzado, Chynna Ortaleza, Diana Zubiri at Lovi Poe.

Sigurado sa ipinakitang kaseksihan ni Rhian ay hindi kami magtataka kung biglang dagsain siya ng offer. TEKA MUNA/GERRY OCAMPO

Obrero nahulog mula sa ika-3 palapag ng gusali, todas

$
0
0

Todas ang isang construction worker makaraang mahulog mula sa ikatlong palapag ng ginagawang gusali kagabi sa Caloocan City.

Si Randy Nachor, nasa hustong gulang, mula sa Buhi Camarines Sur at stay in worker sa ginagawang gusali sa Block 12 Palos corner Pla-pla Street, Barangay 12 ng nasabing lungsod ay hindi na nagawang mailigtas ng mga doktor ng Caloocan City Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong 10:00 ng gabi.

Nabatid na bitbit ng biktima ang dalawang hollow block ng mag collapsed ang tinutuntungan nitong scaffolding sa ikatlong palapag kung saan tuloy-tuloy itong nahulog.

Ayon sa pulisya ipapatawag nila ang contractor ng nasabing gusali upang magbigay ng paliwanag kung bakit gumamit ito ng safety material na gawa sa sako sa halip na safety net ang kanilang inilagay na pang salo kung sakaling may babagsak mula sa itaas tulad ng nangyaring insidente. RENE MANAHAN

DOH-air ambulance sa Mimaropa may bagong hotline

$
0
0
MAY mga bagong hotlines na na magiging permanente ang air ambulance ng Department of Health (DOH) sa MIMAROPA (Oriental/Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan).
Ayon kay Regional Director Eduardo Janairo, isang standby staff ang sasagot sa sandaling kailanganin ang ‘emergency airlift’ ng isang pasyente sa kanilang bagong hotlines na 0917-5015690 at 0917-5531651 para sa Globe at 0998-5339136 at 0920-9771903 naman para sa  Smart.
Nabatid na 24/7 na magsisilbi ang mga naturang hotlines  partikular na sa mga liblib na lugar para mabilis na madala sa mga hospital ang pasyenteng nangangailangan ng agarang lunas.
Matatandaang muling ibinalik ang regular flight ng air ambulance noong Agosto 15 matapos ang rehabilitasyon kung saan may 106 emergency patient na ang napagsilbihan mula nang ilunsad noong Marso 5, 2017.
Kabilang sa mga pasyente na napagsilbihan na ng air ambulance ay mula sa isla ng Cuyo, Magsaysay, Balabac, at Brooke’s Point sa Palawan, gayundin sa Zamboanga at Tawi-Tawi. MACS BORJA

Viewing all 58323 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>