Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all 58323 articles
Browse latest View live

KINAKAMKAM NA LUPA

$
0
0

IPINAPAKITA ni dating Norzagaray Bulacan Vice Mayor Arthu A. Legaspi ang larawan ng mga goons na nagpapabawal na magpapasok sa mga truck ng basura maging sa mga residente dito sa landfill ng buong lalawigan ng Bulacan, sa pagitan ng Norzagaray at San Jose del Monte, na pinangangambahan ang kung mawalan ng matatapunan ng basura ang buong lalawigan kung kaya’t inaalam kung sino sa likod ng pagbabawal at kumakamkam ng nasabing lupain. EDGAR RABULAN


RELOKASYON

$
0
0
PINURI at binati ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan ang mga residenteng nakatira sa tabi ng riles ng tren matapos maging
organisado, tahimik at maayos ang kanilang paglipat sa mas maganda at ligtas na lugar. Maayos na nilisan ng mga residente ng Barangay 8, 35 at 49 ang kanilang mga bahay para sa kanilang paglipat sa mas maganda at malinis na lugar, sa loob pa rin ng Caloocan City. Ang kanilang mga lumang bahay ay dadaanan ng NLEX Skyway kung kaya’t sila ay inilipat sa mas ligtas at mas maayos na lugar – sa Camarin Residences sa North Caloocan. JOJO RABULAN

JUMPER!

$
0
0

SUMENTRO ng pagbuslo si FEU Tamaraw forward na ‘di inalintana ang harapang depensa ng katunggaling si Nick Abanto ng UE Red Warriors sa unang paghaharap nila sa UAAP Season 80 men’s basketball sa Smart Araneta Coliseum. REY NILLAMA

Termino ni Digong puwedeng mapalawig

$
0
0

SINABI ni Lito Lorenzana, pangulo ng Centrist Democracy Political Institute (CDPI) na maaaring mapalawig hanggang 2025 ang termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kapag naging pinal na at napagtibay ang federal form of government sa bansa.

Aniya, sa kanilang planong timeline, pangungunahan ng Constitutional Assembly (Con-Ass) o Constitutional Convention (Con-Con) ang pag-amyenda sa Saligang Batas at maaaring mapagtibay sa February 2019 plebiscite.

Sinabi nito na sa May 2022 ay maisasagawa na ang kauna-unahang parliamentary elections sa ilalim ng bagong Federal Constitution para bubuo ng unicameral parliament na may terminong limang taon o hanggang 2025.

“To organize the first unicameral parliament under the newly-ratified Constitution with a term of five years up to 2025. Then the incumbent President Duterte, now in a parliamentary form of government in 2022, shall continue — this is very important — shall continue his dual presidential role as head of state and at the same time as head of government leading and presiding over the new unicameral parliament. We need him still there up to 2022,” ani Lorenzana.

Sinabi pa nito na maaaring ipagpatuloy ng Chief Executive ng hanggang 2025 ang kanyang dual presidential role bilang head of state at head of government na siyang mangunguna sa unicameral parliament.

Iyon nga lamang dahil desidido na si Pangulong Duterte na tapusin na lamang ang kanyang termino sa 2022 ay maghahalal ang parliyamento ng bagong pangulo para ipagpapatuloy ang natitirang termino ni Duterte sa ilalim ng federal government.

At pagdating ng 2025 ay magkakaroon ng second regular parliamentary elections na may limang termino hanggang 2030 at dito magkakaroon na ng bagong Prime Minister at bagong Pangulo ang bansa. KRIS JOSE

Gun ban ipatutupad na

$
0
0

IPATUTUPAD na ng Commission on Elections (Comelec) ang gun ban para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na nakatakdang idaos sa Oktubre 23.

Batay sa Resolution No. 10197 na na-promulgate ng Comelec en banc kahapon, sisimulan ang implementasyon ng gun ban sa pag-uumpisa ng election period para sa BSKE o simula Setyembre 23 hanggang Oktubre 30.

Sa ilalim ng gun ban, mahigpit nang ipinagbabawal ang pagdadala at pagbibiyahe ng mga baril at iba pang deadly weapons sa labas ng tahanan, gayundin ang pagkuha at pag-a-avail ng serbisyo ng security personnel o body guards.

“No person shall bear, carry, or transport firearms or deadly weapons outside his residence or place of business, and in all public places, including any building, street, park and in private vehicles or public conveyances, even if he is licensed or authorized to possess or carry the same, unless authorized by the commission….” Bahagi pa ng resolusyon.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Comelec spokesman James Jimenez, simula naman sa Setyembre 21 ay magsisimula na ring tumanggap ang Comelec-Committee on the Ban on Firearms and Security Personnel (CCBFSP) ng aplikasyon para sa gun ban exemption o awtoridad na makapagdala, makapagbitbit at makapagbiyahe ng baril at anumang deadly weapons sa labas ng tahanan. MACS BORJA

Makabayan bloc kalas na sa super majority

$
0
0

KUMALAS na sa super majority sa Malaking Kapulungan ng Kongreso ang Makabayan bloc.

Ito ay upang paigtingin pa ang pagtutol nila sa administrasyong Duterte na anila’y hindi na makatao.

Sa manifesto na ipinahayag ng pitong partylist congressmen ay binanggit na sumuporta sila sa administrasyong Duterte sa pagbubukas ng 17th Congress para suportahan ang pangakong pagbabago ni Pangulong Duterte.

Kabilang dito ang pagpapatuloy sa usapang pangkapayapaan sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP), pagpapalaya sa mga political prisoners at pagkalas sa US.

Agad namang ipinarating ni ACT Teacher Rep. Antonio Tinio kay House Majority Leader ang kanilang desisyon ngunit mananatili itong independent bloc.

Lumagda sa pahayag sina Rep. Antonio Tinio at France Castro ng Act Teachers, Rep. Emmi de Jesus at Rep. Arlene Brosas Gabriela Women’s Party, Rep. Carlos Isagani Zarate ng
Bayan Muna, Rep. Ariel Casilao ng Anakpawis at Rep. Sarah Elago ng Kabataan. MELIZA MALUNTAG 

5 dedo, 12 tiklo sa one time big time ops

$
0
0

TUMIMBUWANG ang limang drug personalities habang 12 naman ang naaresto sa panibagong “one time, big time operation” ng pulisya sa Bulacan.

Kinilala ang mga napatay sa alyas Ben Diesel, alyas Ode, Ronnie “Tingki” Aporto, Mark Anthony “Dupang” Cruz, at isa pang hindi nakilalang lalaki. 

Naaresto naman ang ilan pang mga sangkot sa iligal na droga na sina Julieta Bisa, Eduardo Nabong, Jordan Maningas, Levi Casauay, Kenneth Pelin, Emmanuel Parungao, Rolando Patropez Jr., Monalyn Nabong, Roderick Lazaro, Renato Javier, Harold De Leon at si Lauro Eusebio na pawang residente ng Barangay Tibag, Pulilan, Bulacan.

 Narekober sa mga suspek ang kabuuang 58 plastic sachet ng shabu, ilang pakete ng marijuana, iba’t ibang kalibre ng baril, mga drug paraphernalia at marked money na ginamit ng pulisya sa operasyon. BOBBY TICZON 

Jeep nahulog sa bangin, 2 katao malubha

$
0
0

SAN FERNANDO, LA UNION – Dalawa katao ang malubhang nasugatan matapos malaglag ang kanilang sinasakyang pampasaherong jeep sa isang bangin sa Barangay Baraoas kahapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Arnulfo Galvez at isang Mark, ng nasabing siyudad.

Sa paunang imbestigasyon, sinabi ng San Fernando City Police (SFCP), minamaneho ni Galvez ang sasakyan at tinatahak ang mabanging parte ng Barangay Baraoas nang aksidente itong madaanan ang kalsadang mahina ang pundasyon.

Dahil dito, nahulog ang sasakyan sa bangin sa may lalim na kulang sampung metro.

Agad namang naitakbo sa malapit na ospital ang mga biktima na nagkaroon ng mga sugat at galos sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa asawa ni Galvez, pauwi na ang dalawang biktima nang maganap ang insidente. ALLAN BERGONIA


P21 dagdag sa minimum wage sa NCR employees

$
0
0

IPATUTUPAD na ang P21 pagtaas sa minimum wage sa Metro Manila.

Ito ang inanunsyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board matapos ang kabi-kabilang petisyon sa umento sa sahod.

Dahil dito, mula sa kasalukuyang P491 na minimum wage, aabot na ito sa P512 simula Oktubre.

Matatandaan na noong Hunyo, tatlong unyon ng mga manggagawa ang nagpetisyon para sa pagtaas ng sahod.

Hiniling ng “Associated Labor Unions” o ALU ang P184 pagtaas, samantalang ang Trade Union Congress of the Philippines o TUCP naman ay humihingi ng P259 increase habang ang Association of Minimum Wage Earners and Advocates (AMWEA) ay nagnanais na maging P1,200 ang minimum wage sa NCR.

Naniniwala si ALU-TUCP spokesperson Alan Tanjusay na “insufficient” o hindi sapat ang umento sa sahod.

Anya, ang P21 na umentong ito ay 4.27 porsyento ng kasalukuyang minimum wage at hindi maiaahon ang mga manggagawa sa kahirapan.

Samantala, batay naman sa ulat ng National Wage and Productivity Commission at Bangko Sentral ng Pilipinas noong Hulyo, ang purchasing power ng P491 na minimum wage ay bumagsak sa P354.51 o katumbas ng 27.79 na pagbaba.

Hihikayatin ni Tanjusay si Pangulong Duterte na pagbigyan ang kanilang request para sa P500 subsidiya para sa mga minimum wage earners.

Ito ay kahalintulad ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipinong Program na ibinabahagi sa pamamagitan ng cash voucher. JOHNNY ARASGA

 

Mga tatakbo sa barangay at SK elections maaari nang maghain ng COC

$
0
0

INANUNSYO na ng COMELEC na maaari nang maghain ng Certificate of Candidacy ang mga nais tumakbo para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections simula a-23 hanggang a-30 ng Setyembre.

Batay sa Resolution 10196 ng COMELEC, nakasaad na tatanggapin ng mga lokal na opisina ng COMELEC ang mga ihahaing COC kahit araw ng Sabado at Linggo mula alas 8:00 ng umaga hanggang ala-5:00 ng hapon.

Hindi naman tatanggapin ang mga COC na ipinadala sa pamamagitan ng email o snail mail dahil kinakailangang personal na ihahain ito ng kandidato o ng kanyang kinatawan na may dalang authorization letter.

Ipinaalala rin ng COMELEC na libre o walang bayad ang paghahain ng mga COC. JOHNNY ARASGA

Umento sa singil sa tubig nakaamba sa susunod na buwan

$
0
0

MAGPAPATUPAD ng dagdag singil sa tubig ang mga kumpanyang Maynilad at Manila Water sa pagpasok ng Oktubre.

Ito’y ayon sa MWSS o Metropolitan Waterworks and Sewerage System dahil sa paghina ng halaga ng piso kontra dolyar.

Para sa Manila Water, 24 na sentimos kada cubic meter ang itataas sa kanilang singil sa tubig habang 11 sentimos naman kada cubic meter ang itataas sa singil ng Maynilad.

Nilinaw naman ng Maynilad na hindi pa nila maipatutupad ang mahigit tatlong pisong dagdag singil sa tubig para sa kanilang mga konsyumer.

Ito’y makaraang paboran ng Quezon City RTC ang petisyon ng Maynilad na nagpapatupad sa final award kaugnay sa arbitration sa pagitan ng Maynilad at ng MWSS.

Batay sa tala, aabot na sa 5.3 bilyong piso ang utang ng pamahalaan sa Maynilad dahil sa pagtanggi ng MWSS na payagan silang makapagtaas ng singil na anila’y kailangan upang mapaganda ang serbisyo.

Sa panig naman ng MWSS, sinabi nitong hindi pa sila nakakukuha ng kopya ng desisyon ngunit pag-aaralan na nila ang mga ligal na hakbang na kanilang gagawin hinggil dito. JOHNNY ARASGA

Bank secrecy waiver ni Trillanes sinusuri na 

$
0
0

SINISIYASAT na ng Anti Money Laundering Council (AMLC ) ang 12 bank secrecy waivers na pinirmahan at isinumite ni Senador Antonio Trillanes.

Ito ay ayon kay AMLC Executive Director Mel Georgie Racela, matapos na kanilang matanggap ang waivers mula kay Trillanes noong Miyerkules.

Kabilang sa mga ipinadala ni Trillanes ay ang Foreign Waiver of Secrecy of Bank Deposits na nagbibigay pahintulot sa Ombudsman at AMLC na buksan at tingnan ang 12 bank accounts na sinasabing nakapangalan sa senador.

Ang mga nasabing bank secrecy waivers ay ipinadala ni Trillanes sa AMLC at Ombudsman noong Lunes bilang hamon kay Pangulong Rodrigo Duterte na buksan at ipakita rin nito sa publiko ang bank accounts nito. JOHNNY ARASGA

2 Indian national na kidnapper, umalma sa aresto  tepok

$
0
0

TEPOK ang dalawang Indian national na miyembro ng kidnap for ransom group matapos manlaban sa mga tauhan ng PNP Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) kaninang alas tres ng umaga sa Palanas road, Bgy. Anabu 1G, Imus, Cavite.

Ayon kay PNP Anti-Kidnapping Group chief, Sr. Supt. Glenn Dumlao, dinukot ng mga suspek ang kapwa nila Indian national na kinilalang si Lalit Kumar na pinatay din ng mga suspek.

Natagpuan ang bangkay ng kidnap victim sa open canal sa boundary ng Gen. Trias at Dasmariñas.

Kahit patay na ang hostage, humihingi pa rin ng ransom ang grupo na umaabot sa P20 million.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Kumar Pardeep at Hunny Singh.

Setyembre 3 nang dinukot si Kumar. JOHNNY ARASGA

Investment project ng Pilipinas tumaas sa unang 8 buwan ng taon  

$
0
0

UMABOT sa mahigit P325 bilyon ang naitalang investment projects sa unang walong buwan ng taong kasalukuyan.

Ayon sa Board of Investments, mas mataas iyon ng 38 porsyento kumpara sa mahigit P235 bilyon sa parehong panahon noong isang taon.

Sinasabing nakapag-ambag ng malaki sa pagtaas ng investment projects ang pag-apruba ng NEDA sa 299 na proyekto mula Enero hanggang Agosto.

Dahil dito, sinabi ni DTI Secretary Mon Lopez na hindi malayong matamo ng Pilipinas ang target na kalahating bilyong pisong investment approvals dahil karaniwang nakatutok ang investors sa sektor ng enerhiya, agrikultura at imprastraktura. JOHNNY ARASGA

Barker todas sa 5 rider

$
0
0

PINAGBABARIL ng limang rider na magkakaangkas sa tatlong motorsiklo ang isang barker habang nakatayo sa harap ng isang convenience store sa Tondo, Maynila kagabi.

Dead on the spot dahil sa tama ng bala sa mukha, leeg at kanang braso ang biktimang si alyas James, may taas na 5’2-5’5 at walang permanenteng tirahan.

Nabatid na alas-11:55 ng gabi nang maganap ang insidente sa harap ng 7-11 Convenience Store sa N. Zamora St., Tondo, Manila.

Nakatayo ang biktima sa nasabing lugar nang dumating ang limang suspek na magkakaangkas sa tatlong motorsiklo, dalawa sa suspek na naka-backride ang bumaba at saka pinaputukan kaagad ang biktima.

Nang matiyak na napuruhan,mabilis na sumakay ang dalawang namaril sa nakaantay na motorsiklo at saka mabilis na pinaharurot ang kanilang motorsiklo.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang motibo at ang pagkakilanlan ng mga suspek. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Launch missile ng North Korea, dangerous act – Malakanyang

$
0
0

“THAT is a very dangerous act by the North Korean.”

Ito ang reaksyon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa muling pagpapakawala ng North Korea ng isang hindi pa tukoy na missile na bumagsak sa Northern Japan.

“First, they keep flying those… sending those missiles up without any reason siguro except to scare us here, the neighboring countries. Pangalawa, their technology’s not accurate. Or they might be aiming for some other, but it will drop into another country like the Philippines. Even the President is very much concerned about these missiles from North Korea. So natatakot tayo diyan. Very concerning,” anito sa Bangon Marawi briefing sa Kalayaan Hall, Malakanyang.

Tiniyak naman ni Sec. Lorenzana na may plano ang pamahalaan na agad na ilikas ang mga Pinoy na nasa South Korea, Japan, at maging sa Guam kapag nagkaroon ng gulo sa ginawa ng North Korea.

Matatandaang unang nagpakawala ng missile ang North Korea noong Agosto 29 na tumama sa Japan at ang debris nito ay bumagsak sa karagatan ng Hokkaido.

Ang pangalawa naman ay bumagsak sa Pacific Ocean.

Inamin ni Sec. Lorenzana na walang air raid shelters at anti-ballistic missile defense system ang Pilipinas.

Sa ulat, sinabi ng South Korea military, ang missile ay mula sa Sunan district, Pyongyag patungo sa direksyong pa-eastward o pasilangan.

Inaalam na ng South Korean at U.S. militaries ang detalye ng missile launch.

Subalit sa ulat ng Japan NHK Televison, ang missile ay lumipad sa bahagi ng Japan.

Nagpatawag na ang presidential Blue House ng South Korea ng National Security Council meeting.

Ang missile launch ng NoKor ay nangyari makalipas ang ilang araw mula nang magbanta ang bansa na pahihinain ang Japan at isadlak ang Amerika sa “ashes and darkness.”

Ito’y dahil sa pagsuporta ng dalawang bansa sa isang resolusyon ng UN Security Council ukol sa pagpapataw ng mga bagong sanction laban sa NoKor kaugnay sa September 3 nuclear test nito. KRIS JOSE

Nakialam sa away, helper pinagsasaksak

$
0
0

DAHIL sa pakikialam sa away-mag-asawa, isang helper ang nasa malubhang lagay matapos pagsasaksakin ng suspek na mister sa Quezon City kagabi, Setyembre 15, Biyernes.

Nakilala ang biktimang ginagamot sa East Avenue Medical Center (EAMC) na si Elizer Pineda, 35, ng No. 164 Tandang Sora, Brgy. Old Balara.

Habang ang suspek na mabilis na tumakas ay nakilalang si alyas Rio, 38, barker, at naninirahan sa Ilalim ng Tandang Sora flyover sa nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ni PO3 Arvin Oballo ng Quezon City Police District (QCPD) Batasan Police Station 6, naganap ang insidente alas-9:30 ng gabi sa ilalim ng nasabing flyover.

Bago ito, nag-aaway ang suspek at misis nito nang basta na lamang namagitan ang biktima sa away ng mag-asawa na ikinagalit naman ng suspek ķaya bumunot ito ng patalim at sinaksak ang biktima.

Sa kabila ng mga saksak ay nagawa pang makatakbo ng biktima subalit hinabol pa rin ito ng suspek hanggang sa maabutan at pinagsasaksak ulit ito sa likod at kanang braso, saka mabilis na tumakas. SANTI CELARIO

Erap natuwa sa paglaya ni Jinggoy

$
0
0

LUBOS ang kasiyahan ng ama ng Lungsod ng Maynila matapos na lumaya ang kanyang anak na si dating Senador Jinggoy Estrada.

Ang dating senador ay pinayagang makapagpiyansa ng Sandiganbayan sa kasong plunder.

Ayon kay Manila Mayor Joseph Estrada, matagal nang hinihintay ng kanyang anak na mapagbigyan ang petisyon nito na makapagpiyansa lalo pa’t mahina naman ang kaso laban dito.

Ang mahalaga ngayon ay nakalabas na ang kanyang anak at handa naman itong harapin ang kanyang kaso.

Ang nakababatang Estrada ay naglagak ng P1-milyong piyansa para sa plunder at P330,000 para sa 11 counts ng graft charges.

Mahigit tatlong taon ding nakulong ang dating senador sa Philippine National Police (PNP) custodial center sa Camp Crame kaugnay sa pork barrel scam. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Technician rinatrat ng tandem, tigbak

$
0
0

RINATRAT ng riding-in-tandem ang isang 24-anyos na computer technician kagabi sa harap ng isang bahay sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktimang si Angelo Enriquez, na binaril sa tapat ng isang bahay sa Quirino St., Brgy. 107, Tondo.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek matapos ang krimen na sakay ng motorsiklo at pawang nakasuot ng puting face mask.

Ayon sa ilang residente sa lugar, limang putok ng baril ang kanilang narinig bago nakitang nakabulagta ang biktima.

Sinabi naman ng tiyuhin ng biktima na nakatira sa lugar, napasyal lamang ang kanyang pamangkin at wala naman aniya itong alam kung nasangkot ito sa ipinagbabawal na droga.

Nakarekober ang pulisya ng pitong basyo ng bala sa crime scene.

Patuloy namang inaalam ng pulisya ang motibo sa pagpatay sa biktima ang pagkakakilanlan ng mga gunman. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Bautista hindi aalis sa puwesto

$
0
0

HINDI bababa sa puwesto o magli-leave man lang si Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista.

Ito’y kasunod ng kaniyang impeachment complaint na nakatakdang talakayin sa House of Representatives sa darating na Linggo.

Sinabi ni Bautista na ang kanyang desisyon ay matapos ang ginawang soul searching at pagdarasal.

Patuloy din ang kanyang pagdarasal na malagpasan ang nasabing kasong kinakaharap.

Magugunitang itinakda sa susunod na linggo ng committee on justice sa House of Representatives na talakayin ang impeachment complaints para makita kung may sufficient in form and substance na ito. BOBBY TICZON

Viewing all 58323 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>