Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all 59407 articles
Browse latest View live

First 10 pet bills, inihain ng ilang senador sa 20th Congress

$
0
0

MANILA, Philippines – Naghain ng sampung panukalang batas ang ilang senador bilang indibiduwal na priority measures sa 20th Congress, napag-alaman sa Bills and Index ng Mataas na Kapulungan

Ayon sa naturang tanggapan, naghain ng kani-kanilang pet bills sina Senate President Francis “Chiz” Escudero kasunod sina Senador Loren Legarda, Bong Go, Vicente Sotto, Bam Aquino at Pia Cayetano.

Nanguna naman sa panukala ni Senador Erwin Tulfo ang isang resolusyon na magrerebyu sa Rice Tarification Law na inirereklamo ng magsasaka na pumapatay sa industriya.

Kabilang sa pet bill ni Escudero ang isang panukalang batas na nag-aatas sa lahat ng empleado at opisyal ng gobyerno na magsumite ng isang “written permission to examine, inquire, or look into all their deposits and investments, thereby waiving the Bank Secrecy Law.”

Nakatakda ibaba din bilang priority measures ang pagpapababa sa compulsory retirement age ng guro at non-teaching school personnel sa Department of Education (DepEd) mula 65 tungo sa 60 years old.

Ilan pa sa priority bills ni Escudero ang mga sumusunod:

An act prohibiting any form of interference by national government agencies with the use of the national tax allotment and locally-generated revenues of local government units;

To further strengthen local autonomy through a more rationalized system of decentralization;

An act promoting business competitiveness by providing temporary tax relief to single proprietorships, cooperatives, partnerships or corporations classified as micro, small and medium enterprises

An act promoting business growth and recovery by reducing the cost of business compliance for micro, small and medium enterprises;

An act providing an increase and an automatic adjustment mechanism in the Personnel Economic Relief Allowance (PERA) granted to government employees;

An act reinstituting mandatory credit allocation for micro, small and medium enterprises, imposing fines and penalties for noncompliance, and for other purposes;

An act providing for the redevelopment of condominiums;

An act establishing a tripartite council to address the problems of unemployment, underemployment, job-skills mismatch and technology-induced job displacement.

Pangunahin naman sa priority bills ni Legarda ang panukalang One Tablet, One Student Act.

Kabilang dito ang:

Pangkabuhayan Act

Unpaid Care Workers Equity and Empowerment Act

Magna Carta of Waste Workers

Living Wage Act

Monthly Maintenance Medication Support Act for Senior Citizens

Women and Children Protection Units Act

Low Carbon Economy Act

Complementarity in Education Act

Blue Economy Act

Nakatakdang paimbestigahan naman ni Tulfo sa isang resolusyon upang rebyuhin ang Rice Tariffication Law, at ibalik ang regulatory powers National Food Authority.

Inihain din niya ang National Land Use Act na naglalayong lumikha ng isang rational, holistic, at sustainable land use and physical planning mechanism.

Nanguna naman sa panukala ni Go ang magna carta for barangays, across-the-board wage hike, paglikha ng Department of Disaster Resilience, at probisyon sa expanded tertiary education subsidy.

Inihain naman ni Sotto ang 10 landmark bills na magpapalakas sa government accountability, social welfare, public safety, at institutional reform.

Kabilang dito ang People’s Freedom of Information Act of 2025, Anti-False Content and Fake News Act, 14th Month Pay Law, Maternal Surname for Legitimate Children Act, at Rightsizing the National Government Act.

Para namna kay Aquino, naghain ito ng 10 education-related measures, kabilang ang panukalang punan ang puwang sa education-to-employment gap at palakasin ang implementasyon ng Tertiary Education Subsidy (TES) sa ilalim ng Free College Law.

Isinusulong din ni Aquino ang panukalang School-to-Employment Program (STEP) Act na naglalayong lumikha ng job placement offices sa lahat ng public senior high schools, state universities and colleges, at local universities and colleges.

Inihain din niya ang E-Textbook Para sa Lahat Act na nagsasabing “which intends to improve access to textbooks for teachers and learners by requiring all DepEd-approved textbooks for basic education to be made available in digital format, free of charge, through official platforms or other authorized channel.

Pangunahin naman sa panukala ni Senador Pia ang Vapes and HTPs Regulations Act, Allied Health Scholarship and Service Act, spousal And Child Support Act, Walkable and Bikeable Communities Act, Artificial Intelligence Regulation Act, Strengthening the Tertiary Education Subsidy, Tax Exemption for Incentives and Rewards of National Athletes, Repealing Discriminatory Laws Against Women, NO HTOs and Vapes in School Act at Ban on Online Gambling Act. Ernie Reyes

The post First 10 pet bills, inihain ng ilang senador sa 20th Congress first appeared on Remate Online.


Nambiktima ng promdi: Notoryus na holdaper, huli

$
0
0

MANILA, Philippines – Arestado ang isang umano’y notoryus na holdaper nang makorner ng mga humabol na kalalakihan makaraang biktimahin ang isang “promdi” sa Malabon City, Linggo ng madaling araw, Hunyo 29.

Nakapiit ngayon sa custodial facility unit ng Malabon police ang suspek na si alyas “Anthony”, 37, residente ng Panday Pira St. Brgy. Bagong Barrio, Caloocan City na positibong kinilala ng biktimang si Bernard Danian, 20, ng Brgy. Lambingi, Bunga, South Cotabato.

Batay sa ulat, pauwi na sa tinutuluyan niyang bahay galing sa kanyang trabaho bilang helper ang biktima at habang naglalakad sa kahabaan ng McArthur Highway dakong alas-4:30 ng madaling araw nang tutukan ng patalim ng suspek pagdating sa kanto ng Inda Maria St., Brgy. Potrero sabay nagdeklara ng holdap.

Sa pangamba sa kaligtasan, hindi na pumalag ang biktima nang puwersahang kinuha ng suspek ang kanyang cellphone bago nagmadaling tumakas patungong Avocado Street.

Nagsisigaw naman na humingi ng tulong ang biktima na nakatawag pansin sa mga bystander sa lugar na agad humabol sa suspek hanggang masukol nila ito sa isang basketball court sa lugar.

Nakumpiska ng rumespondeng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 1 sa suspek ang tinangay na cellphone ng biktima na nagkakahalaga ng P7,000.00 at ginamit sa panghoholdap na patalim. Merly Duero

The post Nambiktima ng promdi: Notoryus na holdaper, huli first appeared on Remate Online.

TINGNAN: DSWD Asst. Secretary Dumlao, Yovel East AgriVentures President humarap sa Meet the Press Forum

Andrea, may mensahe sa future jowa!

$
0
0

Manila, Philippines- It’s been three years since Andrea Torres had a boyfriend.

Public knowledge na ang huling naging nobyo niya ay si Derek Ramsay who’s now happily married to Ellen Adarna.

Pero sa guesting ng Kapuso actress sa Fast Talk with Boy Abunda’y hindi na niya binalikan pa ang nakaraang ito.

Bagkus Andrea opened up kung ano ang estado sa ngayon ng kanyang puso.

Aniya: “Single pa rin, Tito Boy but ready to meet new people!”

Proof na open si Andrea to meeting new faces ay ang pagpapaunlak niya to meet up with them in person.

Do a man’s looks matter to her?

Aniya, hindi mahalaga ang pisikal na aspeto dahil even in the past ay iba-iba naman daw ang physical appearance ng mga nakarelasyon niya.

Having been single in a long time ay hindi naman daw siya naiinip sa paghihintay kung sino ang karapat-dapat na maging nobyo niya.

In fact, ang feeling ni Andrea’y mismong ang prospective guy can’t wait for her to come into his life.

May mensahe ba siya kung sinuman ‘yon?

Mabilis niyang sagot: “Hi, honey…huwag kang mainip. I’m coming soon!”

Any takers? Ronnie Carrasco III

The post Andrea, may mensahe sa future jowa! first appeared on Remate Online.

Basher ni Dennis, kinuyog!

$
0
0

Manila, Philippines- Blended family.

This is what the respective families of Jennylyn Mercado and Dennis Trillo have become.

It’s a known showbiz fact na bago nagkarelasyon at nagpakasal ang dalawa’y meron silang anak from their previous relationships.

May anak na lalaki si Jen–Alex Jazz, 16–kay Patrick Garcia.

So does Dennis who sires Calix Andreas, 17, kay Carlene Aguilar.

Pero hindi ito big deal sa mag-asawa.

Mas big deal pang matatawag ang pamba-bash ng mga netizens sa mga teenage kids nila.

Recently on Instagram, ipinost ni Jen ang bonding moments nila ng dalawang boys.

Nasa mall sila partikular sa National Geographic store “looking for some cool stuff.”

Kaso, may netizen na nambasag ng trip.

Post nito: “Bakit parang may autism ang anak ni Jen?”

Sa halip na si Jen ang bumuwelta’y si Dennis ang sumagot.

Ayon sa aktor: “May problema po ba tayo sa autism?”

Apparently riled up by such inappropriate comments, humirit pa si Dennis.

Anito sa basher: “Hiyang-hiya naman ako sa pagmumukha mo!”

Eh, ‘di natauhan ang basher!

Kinuyog naman ng mga netizens ang basher no Dennis.

Belaaat! Ronnie Carrasco III

The post Basher ni Dennis, kinuyog! first appeared on Remate Online.

Planong pagtaas ng lease rate sa NAIA pinasususpinde ng grupong Pinoy Aksyon

$
0
0

MANILA, Philippines – Mariing tinutulan ng isang civil society group ang planong pagtaas ng lease rate sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), at nanawagan ito ng agarang suspensyon at masusing konsultasyon sa publiko.

Sa isang liham na ipinadala kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Vivencio B. Dizon, hiniling ng Pinoy Aksyon for Governance and the Environment Inc. ang paghinto sa pagpapatupad ng umano’y labis-labis na pagtaas ng singil na isinulong ng New NAIA Infrastructure Corporation (NNIC). Ang planong pagtaas ay nasa pagitan ng 300% hanggang 1000%, ayon sa grupo.

“Ang ganitong kalaking dagdag-singil ay tiyak na magpapahirap sa mga negosyanteng nasa loob ng paliparan, at sa huli’y ipapasa rin sa mga konsyumer—sa karaniwang Pilipino,” pahayag ni BenCyrus G. Ellorin, Pangulo ng Pinoy Aksyon.

“Ang 400% taas sa parking fee ay isang babala na hindi natin dapat hayaang tuluy-tuloy ang ganitong pasanin sa mga mamamayan.”

Iginiit ng grupo na ang dagdag-singil ay magdudulot ng domino effect, partikular sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs), lokal na biyahero, at industriya ng turismo.

Ayon sa kanila, tataas ang presyo ng mga produkto at serbisyo, at lalong bibigat ang gastusin ng publiko.

Kabilang sa kanilang mga panawagan sa DOTr ay ang agarang suspensyon sa implementasyon ng lease rate hikes; Masusing pagrepaso sa mga basehan ng pagtaas ng singil at malawakang konsultasyon sa publiko, kasama ang mga negosyante, consumer groups, at iba pang stakeholder.

Binanggit din ni Ellorin ang pangamba sa mabilis na pagkakaloob ng kontrata at ang pagtaas ng mga bayarin kahit wala pang konkretong pribadong puhunan.

“Maraming tanong ang kailangang sagutin. Dapat suriin kung talagang kapaki-pakinabang sa mamamayan ang kasunduang ito,” aniya.

Bagamat kinikilala ng grupo ang layunin ng pamahalaan na pahusayin ang serbisyo sa NAIA sa pamamagitan ng Public-Private Partnership (PPP), iginiit nilang dapat manatiling malinaw, makatarungan, at nakabatay sa kapakanan ng publiko ang bawat hakbang.

Umaasa ang Pinoy Aksyon na makakakuha ng agarang tugon mula kay Secretary Dizon, at na kikilos ang pamahalaan upang pigilan ang dagdag pasanin sa mamamayang Pilipino. RNT

The post Planong pagtaas ng lease rate sa NAIA pinasususpinde ng grupong Pinoy Aksyon first appeared on Remate Online.

Mga opisyal ng Nueva Ecija, nanumpa na sa tungkulin

$
0
0

MANILA, Philippines – Sabay-sabay na nanumpa sa tungkulin ang mga nahalal na opisyal sa Nueva Ecija.

Sa bayan ng Talavera, pinangunahan ni out-going Vice Govenor Emmanuel Anthony Umali ang panunumpa kay Governor Aurelio Umali para sa kanyang ikatlong termino bilang governar ng lalawigan.

Kasunod nito ay pinangunahan naman ng governador ang pagnunumpa sa mga nahalal na opisyal mula iba’t ibat bayan at lungsod, kasama na rito si incoming Vice Governor Reymond Umali, 2nd district Congressman Mario “Kokoy” Salvador, at mga bokal.

Sa Cabanatuan City, isinagawa naman ang panunumpa ni City Mayor Myca Vergara kasama ang mga nahalal na opisyal ng lungsod.

Kasabay din nito ang iba pang halal na opispiyal ng ikatlong distrito ng Nueva Ecija, kabilang si 3rd district Representative Julius Cesar Vergara.

May ilan ding mga halal na opisyal ang nagkaroon ng bukod na nanumpa sa kani-kanilang mga bayan at lungsod kasama ang kanilang vice mayor at mga konsehales.

Kabilang dito sina Mayor Dean Joson ng bayan ng Quezon, Mayor Sylvester Austria ng bayan ng Jaen, Mayor Joey Ramos ng bayan ng Peñaranda, Cabanatuan City Mayor Myca Vergara at Mayor Joy Pascual ng Gapan City. MARINA G. BERNARDINO

The post Mga opisyal ng Nueva Ecija, nanumpa na sa tungkulin first appeared on Remate Online.

Bagong sikat na tulak laglag sa P686K ‘bato’ sa Bulacan buy-bust ops

$
0
0

Bulacan – Arestado ang newly identified High-Value Drug Target nang mahulihan ng P686,800.00 halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng Balagtas.

Kinilala ng pulisya ang naarestong suspek na si alyas Omar, 36, residente ng Brgy. Panginay.

Sa report, ikinasa ang operasyon ng Regional Police Drug Enforcement Unit 3 katuwang ang Regional Special Operations Group 3, Balagtas police station at Bulacan Intelligence bandang 2:00 ng madaling araw nitong Hulyo 1 sa kahabaan ng Dalig road, Brgy. Borol 2nd.

Narekober ng mga awtoridad ang 101 grams na hinihinalang shabu na may standard price na P686,800, mga drug paraphernalia, digital weighing scale, lighter, cellphone at marked money.

Nahaharap ang suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang yunit na humuli sa kanya. Dick Mirasol III

The post Bagong sikat na tulak laglag sa P686K ‘bato’ sa Bulacan buy-bust ops first appeared on Remate Online.


CMEPA, maghahatid ng ‘new era of dynamism, investor confidence’- PBBM

$
0
0

MANILA, Philippines – INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Securities and Exchange Commission (SEC) na kagyat na tugunan ang ‘bureaucratic bottlenecks’ para matiyak ang matagumpay na implementasyon ng Republic Act (RA) 12214 o Capital Markets Efficiency Promotion Act (CMEPA).

Nagpahayag ng kumpiyansa ang Pangulo na ang ‘special bell-ringing’, tanda ng pagiging epektibo ng CMEPA ay magbibigay-daan para sa isang “new era of economic dynamism, investor confidence, and sustainable growth.”

“Let every ring—from this morning and every trading day thereafter—echo our strength, our optimism, [and] our shared hope for a more prosperous future for all Filipinos,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isinagawang special bell-ringing ceremony sa Philippine Stock Exchange Tower sa Taguig City.

“To ensure the successful implementation of this reform, I direct the Securities and Exchange Commission to streamline its procedures, remove bureaucratic bottlenecks, [and] reduce transaction costs within its control. Undertake the necessary changes to fulfill your responsibilities in these changing times.” aniya pa rin.

Inatasan naman ni Pangulong Marcos ang lahat ng kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na siguruhin na mararamdaman ng bawat filipino ang buong benepisyo ng CMEPA nang walang pagkaantala.

Nanawagan naman ang Pangulo sa lahat ng market participants at stakeholders na pagtibayin ang ‘transparency, fairness, at good governance’, pinaalalahanan ang mga ito na ang ‘market integrity ay isang ‘shared responsibility.’

“By working together in good faith, we can build an industry that earns the market’s trust both here and abroad,” ang winika ng Pangulo.

Ang panawagan ay isinagawa ng Pangulo, sabay sabing mula ngayon hanggang 2030, ang CMEPA ay inaasahang makalilikha ng mahigit sa P25 billion na net revenue, “a substantial sum that can help fund the building of roads, bridges, hospitals, schools, other social safety net programs as well.”

Sinabi pa niya na “the law would also reinforce confidence, as it indicates that the country’s financial system is becoming more equitable and structured for long-term stability.”

Ayon sa Pangulo, ang CMEPA ay mapakikinabangan hindi lamang ng mga mayayaman, propesyonal at stock traders kundi ng bawat Filipino na nangangarap ng ‘better financial security.’

“It empowers the small business owner, the young professional, and the overseas Filipino worker to start investing their hard-earned money to build a better future,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

“Indeed, this Act allows Filipinos to be true participants in our nation’s economic growth. This law enhances our competitiveness in the ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) region and strengthens the foundations of a capital market that can thrive on the global stage.” aniya pa rin.

Ang CMEPA ay isa sa mga repormang isinusulong ng administrasyon para gawing mas simple, mas patas, at globally competitive ang taxation sa investments, at para mahikayat ang mas maraming Pilipino at banyagang mamumuhunan. Kris Jose

The post CMEPA, maghahatid ng ‘new era of dynamism, investor confidence’- PBBM first appeared on Remate Online.

Paglalagay ng mas malalaking karatula para sa libreng inter-terminal shuttle ng NAIA, iniutos ng DOTr Chief

$
0
0

MANILA, Philippines – Iniutos ni Transport Secretary Vince Dizon, nitong Martes na maglagay ng wayfinders at mas malalaki pang karatula para sa libreng inter-terminal shuttle service sa tatlong terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa naganap na inspection sa NAIA Terminal 3, pahayag ni Dizon na ang maaayos na karatula ang magtitiyak na malalaman ng mga pasahero ang libreng serbisyo at hindi sila dapat umasa sa mga abusadong taxi. Sinubukan din niya ang pagsakay sa airport shuttle at nakipag-usap sa mga pasahero upang kuhanin ang kanilang feedback.

“Itong free shuttle, hindi nila alam ‘to. Kung alam nila ‘to, hindi naman sila magta-taxi,” aniya. RNT/MND

The post Paglalagay ng mas malalaking karatula para sa libreng inter-terminal shuttle ng NAIA, iniutos ng DOTr Chief first appeared on Remate Online.

SC nag isyu ng Writ of Kalikasan laban sa pagpapatayo ng Samal bridge

$
0
0

DAVAO City, Philippines – Naglabas ang Korte Suprema ng writ of kalikasan kaugnay sa petisyon na naglalayong pigilan ang pagpapatayo ng ₱23 billion na halaga ng Samal Island-Davao City Connector Bridge Project na diumano’y labis na makapipinsala sa mga coral reef o bahura sa Paradise Reef, Samal Island, and Hizon Marine Protected Area sa Davao City.

Inatasan ng Korte ang mga respondent―Department of Public Works and Highways, Department of Environment and Natural Resources, Samal Island Protected Landscape and Seascape Protected Area Management Board, at China Road and Bridge Corporation―na maghain ng verified return sa petisyon sa loob ng 10 araw pagkatapos matanggap ang writ.

Isinangguni din ng Korte Suprema sa Court of Appeals–Cagayan de Oro ang panalangin para sa temporary environmental protection order (TEPO) para maaksyunan ito.

Nauna nang hiniling ng mga petitioner na sina Carmela Marie Santos, Mark Peñalver, at Sustainable Davao Movement sa Korte Suprema na pigilan ang pagpapatayo ng Samal Island-Davao City Connector Bridge Project dahil diumano sa pinsalang idudulot nito sa mga bahura. Teresa Tavares

The post SC nag isyu ng Writ of Kalikasan laban sa pagpapatayo ng Samal bridge first appeared on Remate Online.

NNC hinimok na unahin ang mga programang pangkalusugan at nutrisyon

$
0
0

LEGAZPI City, Philippines – Hinimok ng National Nutrition Council sa Bicol (NNC-5) ang mga local chief executive sa rehiyon na unahin ang mga programang pangkalusugan at nutrisyon sa pagsisimula ng kanilang mga termino sa panunungkulan.

Sinabi ni Director Emerenciana Francia, NNC-5 Officer-in-Charge, na ang mga local leaders ay may mahalagang papel sa pagpapalakas ng mga programang tumutugon sa malnutrisyon.

“As local chief executives, you will chair our local nutrition committees, whether as governors, mayors, or barangay leaders. A functional committee means having a timely plan that includes both nutrition-specific and nutrition-sensitive programs, as well as enabling programs developed by our local government units,” saad ni Francia sa paglunsad ng National Nutrition Month, na may temang “Food at Nutrition Security, Maging Priority, Sapat na Pagkain, Karapatan Natin.”

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagbibigay ng sapat na pondo upang epektibong maipatupad ang mga programa ukol dito.

“Once the plan is funded, it must be implemented without realignment of the budget to ensure the nutrition programs are upheld. Proper monitoring is required to ensure government resources are effectively utilized,” dagdag pa niya.

Bilang parte ng month-long celebration, iba’t ibang mga programa at aktibidad ang isasagawa, gaya ng quiz contest para sa mgavillage nutrition scholars, on-the-spot poster-making contest para sa mga mag-aaral, at speech engagement kabilang ang mga government and non-government agencies. RNT/MND

The post NNC hinimok na unahin ang mga programang pangkalusugan at nutrisyon first appeared on Remate Online.

P14 milyong halaga ng sibuyas nasabat – positibo sa E.Coli at Salmonella

$
0
0

MANILA, Philippines – Positibo sa E.Coli at salmonella ang mahigit P14 milyong halaga ng nasabat na sibuyas, sinabi ng Department of Health (DOH).

Ito ang resulta ng ginawa nilang pagsusuri kung kaya’t hindi na ito maaaring mapakinabangan.

Binigyang-diin ng DOH na banta sa kalusugan ng mga Pilipino ang smuggled na pagkain dahil sa posibleng kontaminasyon ng mikrobyong maaaring magdulot ng pagtatae, dehydration, at posibleng pagkamatay.

Matatandaan na nasabat ng Bureau of Customs-Port of Manila ang nasabing sibuyas kasama ang humigit kumulang P20 milyun na halaga ng frozen mackerel.

Ininspeksyon ng DOH, BOC at Department of Agriculture ang mga puslit na kargamento na nakalagay sa anim na 40-foot container.

Wala pa naman inilalabas na resulta ang DOH kung maaari mapakinabangan o makain ang mga frozen mackarel na nagmula pa sa China. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

The post P14 milyong halaga ng sibuyas nasabat – positibo sa E.Coli at Salmonella first appeared on Remate Online.

Nakaharang na pampribadong sasakyan sa driveway ng mga firetruck, pinaalis!

$
0
0

MAKATI City, Philippines – Inalis ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla nitong Martes ang mga opisyal ng Makati City Fire Station, na ang mga nakaparadang sasakyan ay humarang sa driveway ng fire truck, nang magsagawa siya ng sorpresang inspeksyon sa pasilidad.

Aniya ang pag harang sa driveway ng mga firetruck ay maaaring magdulot ng delay sa pag responde nito sa emergency. Gayundin ay paglabag ito sa Fire Code at iba pa nitong implementing rules. 

Ang Republic Act  9514 o ang Fire Code of the Philippines of 2018 at ang 2019 Revised Implementing Rules and Regulations (IRR) ay nagsasaad na hindi maaaring magkaroon ng mga sagabal sa pagpasok at paglabas ng mga fire truck at emergency response vehicles at hindi rin dapat magkaroon ng anumang pag-iwas, panghihimasok o sagabal sa anumang operasyon ng serbisyo ng bumbero.

Ang mga opisyal na mapapatunayang lumalabag sa nasabing mga probisyon ay maaaring patawan ng pananagutang administratibo para sa sadyang hindi nararapat o matinding kapabayaan sa pagganap ng kanilang tungkulin sa ilalim ng Section 11 ng Fire Code. 

Nanawagan din ang Department of the Interior and Local Government sa mga punong istasyon ng bumbero na ipagbawal ang anumang pagparada sa harap o malapit sa mga trak ng bumbero at iutos ang agarang pag-alis ng lahat ng hindi awtorisadong nakaparadang sasakyan na humaharang sa mga fire response units. RNT/MND

The post Nakaharang na pampribadong sasakyan sa driveway ng mga firetruck, pinaalis! first appeared on Remate Online.

Bagong MagSur Police Chief nanumpa nitong Martes

$
0
0

COTABATO City, Philippines – Nanumpa nitong Martes si Col. Sultan Salman Sapal bilang bagong Director ng Maguindanao del Sur Police Provincial Office, kapalit ni Col. Ryan Bobby Paloma.

Pinangunahan ni Col. Giusseppe Geraldo, na kumakatawan kay Bangsamoro Director Brig. Gen. Jeysen de Guzman, ang turnover ceremony sa Camp Datu Akilan sa Shariff Aguak.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Sapal ang “5-minute response time” program ni Philippine National Police (PNP) Chief Nicolas Torre III, na naglalayong ibalik ang tunay na diwa ng serbisyo ng pulisya sa komunidad.

“As your new provincial director, I am giving my number to the public so they can directly report any police officer who fails to do their duty or acts unprofessionally,” ayon kay Sapal “This is part of our commitment to restore public trust and ensure that the police truly serve the community.”

Ito ay nasaksihan ni Fahad Candao, National Police Commission – Bangsamoro director, at ng iba pang lokal na opisyal. RNT/MND

The post Bagong MagSur Police Chief nanumpa nitong Martes first appeared on Remate Online.


Visa-free entry para sa mga Taiwanese nationals – BI

$
0
0

MANILA, Philippines – Sinimulan ng Bureau of Immigration (BI) nitong Martes ang pagpapatupad ng isang taong visa-free entry para sa mga Taiwanese passport holder.

Sa ilalim ng Presidential Directive No. PBBM-2025-1539 na inisyu noong Abril 3, 2025, ang mga Taiwanese nationals ay papayagang makapasok sa Pilipinas nang walang visa sa loob ng hanggang 14 na araw, mula Hulyo 1, 2025 hanggang Hunyo 30, 2026.

Ayon kay Commissioner Joel Anthony Viado, ang pagpapatupad nito ay naaayon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na palakasin ang turismo ng Pilipinas at palakasin ang diplomatic reciprocity.

Tiniyak ni Viado na ang lahat ng tauhan ng BI na nakatalaga sa mga international port ay inatasan na ipatupad ang kautusan alinsunod sa itinatag na immigration protocols.

Gayundin, sinabi niya na naglagay sila ng naaangkop na mga pamamaraan upang mapadali ang tuluy-tuloy na pagdating para sa mga Taiwanese nationals.

“We expect this policy to encourage more Taiwanese tourists to visit Philippine destinations, boosting local economies and supporting the administration’s tourism-led growth strategy,” saad ng BI Chief.

“We remind all concerned immigration personnel to exercise courtesy and professionalism, while strictly enforcing the 14-day non-extendible and non-convertible stay provision,” dagdag pa niya. RNT/MND

The post Visa-free entry para sa mga Taiwanese nationals – BI first appeared on Remate Online.

“Nano” Enterprises makikinabang sa Sustainable Livelihood Program – Yamsuan

$
0
0

MANILA, Philippines – Upang palaguin ang mga “nano” at micro enterprises sa bansa, si Parañaque City 2nd district Rep. Brian Raymund Yamsuan ay ipinaglalaban ang pagtaas ng pondo para sa Sustainable Livelihood Program (SLP) ng pamahalaan.

Itinuring ni Yamsuan na ang pagpapalawak ng saklaw ng SLP, na pinangangasiwaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ay makakatulong din sa paglikha ng mas maraming trabaho at pasiglahin ang mga lokal na ekonomiya, lalo na sa mga rural na lugar.

“Institutionalizing the SLP ensures that the program would continue to benefit the poor and other vulnerable sectors of our society and yields positive multiplier effects. SLP beneficiaries who succeed in developing their nano enterprises would be able to hire more workers,” aniya sa isang pahayag noong Martes, Hulyo 1.

Sinabi niya na gusto niyang ma-institutionalize ang SLP para magarantiya ang regular na alokasyon nito sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) o taunang pambansang badyet.

“Sapat na tulong na hindi lamang natatapos sa pagbibigay ng pondo kundi dapat ay may kaakibat na maayos na skills training at marketing support ang kailangan ng mga kapus-palad na pamilya para sila ay makaahon mula sa kahirapan, magkaroon ng maginhawang buhay at matatag na kinabukasan. Ang SLP ang maaring maging epektibong instrumento para maisakatuparan ito,” saad ni Yamsuan.

Pinatupad ng dating Department of the Interior and Local Government (DILG) undersecretary ang SLP sa walong barangay ng 2nd district ng Parañaque sa pamamagitan ng kanyang Dagdag-Puhunan Para sa Kabuhayan Program.

Ang kanyang Dagdag-Puhunan program ay nagbibigay ng paunang P15,000 start-up fund para sa mga benepisyaryo na magtayo ng nano enterprise, o negosyong pinapatakbo ng isa o dalawang tao lamang.

Ang mga benepisyaryo ay kailangang makilahok sa mga skills training at mga seminar upang gabayan sila kung paano simulan at patakbuhin ang kanilang mga nano enterprise. Ang DSWD ay nagbibigay ng suporta sa marketing, sinusubaybayan ang kanilang pag-unlad at nagbibigay ng karagdagang mga insentibo sa mga nagtagumpay sa pagpapalawak ng kanilang mga negosyo.

“The President (Ferdinand R. Marcos Jr.) described the people who run these nano businesses as ‘solopreneurs.’ Their plight is usually overlooked, but the President recognizes this sector as an important aspect of our economy that can contribute to our overall economic growth,” saad ni Yamsuan.

“Institutionalizing the SLP is in line with the President’s goal of providing support for, and fueling the growth of, nano businesses,” dagdag niya.

Ang pahayag ni Yamsuan ay bago ang pagdiriwang ngayong taon ng MSME (Micro, Small and Medium Enterprises) Week mula Hulyo 7 hanggang 12.

Ang MSMEs ay may higit sa 99 porsiyento ng mga negosyo sa Pilipinas. Sa figure na ito, 90.54 percent ay mga micro entrepreneur, at marami sa kanila ay nagsimula bilang nano o “solopreneurs.”

Sinabi ni Yamsuan na ang pag-institutionalize ng SLP ay makatutulong din na mapanatili ang mga natamo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng gobyerno sa pamamagitan ng pagsasama ng mga pamilyang “nagtapos” dito bilang mga benepisyaryo ng SLP.

“If the SLP is assured of adequate and regular funding under the national budget, families which ‘graduate’ from the 4Ps are guaranteed to reap the benefits of this livelihood assistance program. They will not fall behind and revert to poverty,” ayon sa kanya. RNT/MND

The post “Nano” Enterprises makikinabang sa Sustainable Livelihood Program – Yamsuan first appeared on Remate Online.

“Two balikbayan boxes” na mga report ng PrimeWater susuriin ng Malacañang

$
0
0

MANILA, Philippines — Nakatakdang suriin ng Office of the President (OP) ang dalawang malalaking kahon ng mga report at ebidensya mula sa imbestigasyon ng Local Water Utilities Administration (LWUA) sa mga reklamo laban sa mga serbisyo ng PrimeWater, sinabi ng Malacañang nitong Martes.

Naunang isinaad ng LWUA na sila ay “no choice but to act forthwith” at imbistigahan ang utility company na pagmamay-ari ng mga Villar matapos itong makatanggap ng samu’t saring reklamo sa pamamagitan ng Office of the President’s Citizens’ Complaint Center Hotline 8888.

“Nakatanggap na rin tayo ng kopya, isang folder po siya ang report at dalawang boxes na balikbayan boxes,” ani Communications Undersecretary Claire Castro sa isang Palace press briefing.

“Ito po ay aaralin at asahan ninyo na mabilis itong aaralin para sa consumers ng PrimeWater,” ayon pa sa kaniya.

Hindi nagbigay ng timeline si Castro kung kailan matatapos ang pagsusuri ng Palasyo, ngunit sinabing gagawa ng kaukulang legal na aksyon ukol dito.

“Definitely gagawa tayo ng legal na aksyon. Aksyon na naaayon sa batas, walang masasagasaan pero dapat para sa taong bayan,” dagdag niya. RNT/MND

The post “Two balikbayan boxes” na mga report ng PrimeWater susuriin ng Malacañang first appeared on Remate Online.

Cardinal David, binatikos ang online gambling at celebrity endorsers nito

$
0
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David noong Lunes na dapat kumilos ang gobyerno sa online gambling sa bansa.

“Wala na yatang mas titindi pang kabaliwan kaysa sa ahensya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa ilegal na offshore gambling, samantalang ginawa namang legal ang online gambling dito mismo sa bayan natin — kumpleto, todo-todo, walang hiya. Bukas sa lahat, sa bata o matanda, 24 oras kada araw, pitong araw kada linggo,” saad niya sa kanyang Facebook post.

“Sino pa ang magtitiis pumuslit sa mga casinong pang-mayaman kung kahit sino puwede nang magsugal habang nakahiga sa sala, sa kwarto, sa bulsa ng bata — sa liwanag ng cellphone?” dagdag pa niya.

Tinawag din ni David ang mga influencer at celebrity na nag-eendorso ng online gambling bilang “pushers.”

“Nagpapaupa bilang pushers, tagapagtulak ng pasugalan ng mga bilyonaryong walang konsensya. Nilalambat ang mga inosente at desperado sa malawak na digital na dagat ng sugalan,” aniyaniya.

Ayon sa mga report nitong Martes, naghain si Senador Sherwin Gatchalian ng panukalang batas na naglalayong magpataw ng mahigpit na regulasyon para sa online gambling.

Sinabi ni Gatchalian na ang pagpapataw ng mga regulasyon ay mas makabubuti dahil ang kabuuang pagbabawal sa online gambling ay maaari lamang humantong sa mga underground operations.

Kung maipapasa sa batas, ang panukala ay mangangailangan ng biometrics upang matiyak na ang manlalaro ay nasa tamang edad.

Dagdag pa, ang panukalang batas ay magre-regulate ng mga advertisement sa online gambling at hindi na papayagang mag-endorso ang mga celebrity sa mga naturang platform. RNT/MND

The post Cardinal David, binatikos ang online gambling at celebrity endorsers nito first appeared on Remate Online.

Pagkaantala ng panunumpa, irereklamo ni Rep. Teodoro

$
0
0

MARIKINA City — Nakatakdang maghain ng kasong contempt si Marikina 1st District Representative Marcelino “Marcy” Teodoro laban sa mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec) sa Marikina dahil sa pagkaantala ng kanyang proklamasyon, sa kabila ng pagkakaroon ng certificate of finality mula sa Comelec en banc na kumikilala sa kanyang pagkapanalo bilang kinatawan sa Kongreso.

Kabilang sa sasampahan ng kasong administratibo, dereliction of duty, graft, at grave abuse of discretion ni Teodoro si Atty. Dave Villarosa, ang election officer ng Marikina, dahil sa umano’y paglabag sa kautusan ng Comelec.

Ang pahayag ni Teodoro ay ginawa matapos siyang makapanumpa kay RTC Branch 273 Judge Romeo Dizon Tagra, kasunod ng kanyang proklamasyon bilang duly elected congressman ng First District ng Marikina ngayong umaga, Hulyo 1, 2025.

Ayon kay Teodoro, inihahanda pa lamang nila ang kanilang reklamo dahil kung nangyari ito sa kanila, maaari itong maulit sa iba pa.

Aniya, ang pagkaantala ay nagdulot ng sakit hindi lamang sa kanya kundi maging sa mga constituents na pansamantalang naiwan nang walang kinatawan sa Kongreso. Kaya’t dapat aniyang managot ang mga responsable, lalo na kung mapapatunayang may pagkukulang, malisya, o sadyang ginawang pag-antala nang walang sapat na batayan.

Wala rin umanong legal na basehan ang hinihingi ng Comelec na three-day period bago mag-convene at magproklama. Wala rin aniya itong nakasulat sa anumang patakaran ng Comelec, kaya’t malinaw umanong may arbitrariness sa naging desisyon.

Una nang naglabas ng desisyon ang Comelec en banc na nagdedeklarang final and executory ang reinstatement ni Teodoro sa kanyang congressional candidacy. Binaligtad nito ang desisyon ng Comelec First Division at pinayagan ang mga consolidated motions for reconsideration, at tinanggihan ang petisyon nina Aquilino “Koko” Pimentel III, Katrina Mari Faye Marco, Angelu Estanislao, at Ma. Luisa de Guzman na kanselahin ang certificate of candidacy ni Teodoro.

Sa 38-pahinang resolusyon ng Comelec en banc na inilabas noong Hunyo 25, lumalabas na hindi napatunayan ng mga petitioner na nagkaroon ng material misrepresentation si Teodoro sa kanyang residency sa Barangay San Roque, First District.

Si Teodoro ang nanalo sa halalang ginanap noong Mayo 12, kung saan nakakuha siya ng 75,062 boto laban kay Pimentel para sa pagka-kinatawan ng Marikina First District.

(Maritess Pumaras)

The post Pagkaantala ng panunumpa, irereklamo ni Rep. Teodoro first appeared on Remate Online.

Viewing all 59407 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>