Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all 58323 articles
Browse latest View live

Pamilya Veloso labis na natuwa, nagpasalamat kay PBBM

$
0
0

NAGPAHAYAG ng labis na kasiyahan at pasasalamat ang ama ng convicted overseas Filipino worker (OFW) na si Mary Jane Veloso kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Miyerkules, sa pagsisikap nitong maiuwi sa Pilipinas ang kanyang anak.

“Nagpapasalamat po ako. Talagang maraming marami salamat po sa ating mahal na Pangulo at natugunan na rin po ang aming kahilingan na pauwiin na rin po si Mary Jane dito sa Pilipinas,” ang sinabi ni Cesar Veloso sa isang panayam sa radyo.

Pinasalamatan din niya ang pamahalaan at iba pa na tumulong sa kanyang anak na nakakulong sa Indonesia.

Taong 2010 nang mahatulan ng parusang kamatayan si Veloso dahil sa pagdadala ng 2.6 kilos ng heroin sa airport sa Yogyakarta.

Pero itinanggi niya na alam niya may droga ang ipinadala sa kaniyang maleta.

“After over a decade of diplomacy and consultations with the Indonesian government, we managed to delay her execution long enough to reach an agreement to finally bring her back to the Philippines,” ang sinabi ni Pangulong Marco sa kanyang official X account (@bongbongmarcos).

Nagpaabot naman ng kanyang taus-pusong pasasalamat si Pangulong Marcos kay Indonesian President Prabowo Subianto aat sa Indonesian government para sa kanilang ‘goodwill.’

Sinabi ng Pangulo na sumasalamin ito sa matatag na partnership ng Pilipinas at Indonesia. RNT

The post Pamilya Veloso labis na natuwa, nagpasalamat kay PBBM first appeared on Remate Online.


Dalawa pang bagyo mananalasa sa Pinas sa Disyembre

$
0
0

MANILA, Philippines – Kasunod ng 16 na bagyo ngayong taon, sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na isa o dalawa pang tropical cyclone ang maaaring bumuo o pumasok sa Philippine area of ​​responsibility (PAR) bago matapos ang taon.

Ang mga susunod na tropical cyclone sa listahan ng PAGASA ay pinangalanang Querubin at Romina.

Sa isang climate forum ngayong Miyerkules, Nob. 20, ipinaliwanag ni PAGASA Weather Specialist Joanne Mae Adelino ang limang karaniwang tropical cyclone tracks sa loob ng PAR noong Disyembre.

Binigyang-diin niya na ang mga bagyo sa huling quarter ng taon ay may posibilidad na mag-landfall, tumawid sa bansa, at tumindi.

Una, ang mga bagyo ay maaaring mabuo sa kanlurang Pasipiko, pumasok sa PAR, bumalik sa silangang bahagi ng PAR nang hindi nag-landfall, at pagkatapos ay lumipat patungo sa Japan.

Pangalawa, ang mga bagyo ay maaaring pumasok sa PAR, mag-recurve bago mag-landfall, at magtungo sa hilagang-silangan na bahagi ng PAR bago lumipat patungo sa Japan.

Pangatlo, maaaring mag-landfall ang mga bagyo sa Hilaga o Gitnang Luzon, pagkatapos ay lumipat pakanluran patungo sa Hong Kong pagkatapos lumabas sa landmass.

Ikaapat, ang mga bagyo ay maaaring mag-landfall sa Southern Luzon o Northern Visayas, at pagkatapos ay lumipat pakanluran patungo sa Vietnam.

Ikalima, maaaring mag-landfall ang mga bagyo sa Southern Visayas o Northern Mindanao at pagkatapos ay lumipat pakanluran patungo sa Thailand.

Sinabi ni Adelino na batay sa tropical cyclone threat potential forecast ng PAGASA para sa Nobyembre 20 hanggang Disyembre 3, ang pagbuo ng isang tropical cyclone ay “malamang” sa Linggo 1 ngunit “malamang” sa Linggo 2, dahil sa isang “mababa hanggang sa katamtaman” na posibilidad ng tropical cyclone-like vortex o circulation na nagiging tropical cyclone. RNT

The post Dalawa pang bagyo mananalasa sa Pinas sa Disyembre first appeared on Remate Online.

Matulunging Pinay biniyayaan ng P3M sa isang social experiment

$
0
0

AMERIKA – Viral online ang isang video ng isang nakakabagbag-damdaming engkwentro sa isang Walmart sa Chandler, Arizona na kinasasangkutan ng isang matulunging Pilipina na biniyayaan ng halos P3 milyon dahil sa kanyang kabaitan.

Kinilala ang Pinay na si Lani Benavidez, na nagmula sa Naic, Cavite ngunit ngayon ay nakabase sa Arizona, ay nakunan ng camera na nagbibigay ng tulong sa isang estranghero na nangangailangan — na ang social media influencer na si Jimmy Darts.

Sa video, makikitang papalapit si Darts kay Benavidez, at humihingi ng tulong dahil hindi pa raw siya kumakain buong araw.

Humingi ng anomang halaga si Darts kay Lani at walang pag-aalinlangang nagbigay siya ng $2 (mga P117).

Lingid sa kanyang kaalaman, bahagi na siya ng isang social experiment na naglalayong magpakita ng mga gawa ng kabaitan online.

Sinurpresa ni Darts si Benavidez sa pamamagitan ng pagbabalik ng isang kahon ng cereal na naglalaman ng $1,000 (mga P58,620), na naging sanhi ng pag-iyak ng huli sa pagkabigla at pagmulat sa kanyang mga paghihirap — lalo na, walang sapat na pera para pangalagaan ang kanyang asawang may kanser.

Dahil sa pagsisikap ng Pilipina, naglunsad si Darts ng isang fundraising campaign para sa kanya na mabilis na nakakuha ng malawakang suporta.

Sa isang follow-up na video, nagpunta si Darts sa Dollar Tree kung saan nagtatrabaho si Benavidez at ginulat siya ng pera mula sa kanyang fundraiser — ang paunang $50,000 (mga P2.9 milyon) ay nagbigay sa kanyang pamilya ng kinakailangang tulong.

Ayon kay Benavidez, ang kabuuang halaga na nalikom sa ngayon ay $93,000 (P5.4 milyon), na may mga donasyon na pumapasok araw-araw sa kanyang bank account.

“Every day may pumapasok sa bank account ko hanggang ngayon… I am grateful kasi hindi kami pinababayaan ng Diyos,” ani Lani. RNT

The post Matulunging Pinay biniyayaan ng P3M sa isang social experiment first appeared on Remate Online.

Partylist nomination ni ex-Comelec comm Guanzon, pinawalang bisa ng SC

$
0
0

MANILA, Philippines – Pinawalang bisa ng Supreme Court en banc ang pag-upo ni dating Commission on Elections commissioner Rowena Guanzon bilang first nominee ng P3PWD Party-List na nanalo sa 2022 party-list elections.

Sa desisyon ng En Banc, idineklarang null and void ang Comelec Minute Resolution No. 22-0774 na pumayag na maging substitute si Guanzon bilang nominee ng P3PWD.

Sinabi ng SC na nakagawa ng “grave abuse of discretion” ang Comelec dahil inilabas ang naturang resolusyon lagpas sa deadline ng Comelec.

Iniutos rin ng Korte na gawing permanente ang inisyu nito na Temporary Restraining Order noong June 29, 2022 laban kay Guanzon.

Maliban kay Guanzon, idineklara rin na walang bisa ang nominasyon nina Rosalie Garcia, Cherie Belmonte-Lim, Donnabel Tenorio at Rodolfo Villar.

Pinuna ng SC ang nakakahiyang ginawa ng Comelec na magamit ang mismong institusyon bilang kasangkapan para sa isamg pakana.

Inatasan ng Mataas na Hukuman ang P3PWD na isumite ang pangalan ng karagdagan na nominees ngunit pinagbawalan na isama pa sa nominees ang idineklarang null and void ng korte.

Una nang kinuwestyon ng Duty to Energize the Republic Through the Enlightenment of the Youth o Duterte Youth Party-List ang Commission on Elections kung bakit pinayagan si dating Comelec commissioner Ma. Rowena Amelia V. Guanzon bilang substitute nominee para sa (P3PWD) Komunidad ng Pamilya, Pasyente at Persons with Disabilities.

Hinihiling ng Duterte youth partylist sa Korte Suprema na pigilan ang proklamasyon ng Comelec kay Dating Commissioner Guanzon bilang kinatawan sa Kamara dahil sa hindi pagsunod sa proseso ng partylist system. Teresa Tavares

The post Partylist nomination ni ex-Comelec comm Guanzon, pinawalang bisa ng SC first appeared on Remate Online.

Matatag na defense cooperation pinagtibay ng PH, New Zealand

$
0
0

MANILA, Philippines – MULING pinagtibay ng Pilipinas at New Zealand ang matatag at malakas na ‘defense cooperation’ sa sidelines ng ASEAN Defense Ministers’ Meeting (ADMM) sa Vientiane, Laos, araw ng Miyerkules, Nobyembre 20.

Sa nasabing event, nagpulong sina Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr. at New Zealand Defense Minister Judith Collins para talakayin ang mga ibinahaging alalahanin sa seguridad at mga paraan para sa pakikipagtulungan.

“Secretary Teodoro underscored the importance of a rules-based international order to promote peace and stability in the region. He emphasized the need for collective efforts to address security challenges, particularly those stemming from non-state actors, which he noted are affecting not only the Philippines but other countries as well,” ang sinabi ni DND spokesperson Assistant Secretary Arsenio Andolong.

Ipinahayag kasi ni Collins ang pag-aalala ng New Zealand hinggil sa mga kaganapan at nangyayari sa West Philippine Sea, kung saan inialok nito ang suporta ng kanyang bansa sa Pilipinas.

Tinukoy nito ang matatag na relasyon sa pagitan ng Maynila at Wellington at kanilang ibinahaging interest at layunin sa ‘regional security and cooperation.’

“Both officials acknowledged the growing importance of collaboration in addressing non-traditional security threats, including humanitarian assistance and disaster response (HADR). Secretary Teodoro welcomed engagements in this area, stating that ‘we need it now more than ever’,” ang winika ni Andolong.

Sa isinagawang ADMM, pinangunahan nina Teodoro at Lao Deputy Prime Minister at Minister of Defense General Chansamone Chanyalath ang ceremonial signing ng bagong memorandum of understanding (MOU) sa defense cooperation, ginunita ang 70 taon ng diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at Laos.

“Secretary Teodoro underscored the shared challenges faced by both countries, such as natural disasters, and the potential for mutual learning and collaboration. He emphasized the importance of fostering trust and confidence between their armed forces, describing the cooperation as a step toward ‘a more fraternal ASEAN’,” ang litaniya ni Andolong.

Sa ilalim ng MOU, magtutulungan ang dalawang bansa sa mga aspeto na gaya ng HADR, disaster risk reduction, joint military training at English language at cultural exchanges. Kris Jose

The post Matatag na defense cooperation pinagtibay ng PH, New Zealand first appeared on Remate Online.

Pagpapatuloy ng AKAP ilalaban ng Kamara para sa 4M beneficiaries

$
0
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez na susuportahan ng Kamara ang pagpapatuloy na mapondohan ang Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng 2025 national budget.

Ayon kay Romualdez, nasa 4 milyong Pinoy ang nakikinabang sa programa maya naman malaking kawalan ito sa maraming Filipino.

“AKAP is not just a safety net; it is a lifeline for millions of Filipino families teetering on the edge of poverty,” ani Speaker Romualdez.

Ang AKAP ay programa na inisyatibo ng Kamara sa ilalim ng pamumuno ni Romualdez.

Ito ay nagbibigay ng one-time cash assistance na mula ₱3,000 hanggang ₱5,000 sa mga kwalipikadong benepisyaryo na ang kita ay mababa sa poverty threshold at walang ibang ayudang tinatanggap mula sa gobyerno.

Batay sa datos nasa P26.7 billion ang pondo ng AKAP sa ilalim ng 2023 budget, sa nasabing halaga ay ₱20.7 bilyon na ang napakikinabangan ng milyon-milyong Pilipino mula sa iba’t ibang rehiyon.

Kabilang dito ang higit 589,000 pamilya sa National Capital Region (NCR) gayundin sa mga rehiyon ng Central Luzon, Bicol, at Western Visayas.

“Programs like AKAP demonstrate what effective government intervention looks like. It stabilizes households, strengthens communities, and contributes to the country’s overall economic resilience. Cutting its funding would be a disservice to the millions who rely on this vital assistance,” ani Romualdez.

Hinimok ni Romualdez ang Senado na pag-isipang muli ang mga panukalang tanggalan ng pondo ang AKAP na sya din panawagan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian.

“We stand with Secretary Gatchalian in urging our colleagues in the Senate to uphold the AKAP budget. The House of Representatives is ready to champion this cause in the bicameral discussions if necessary,” pagtatapos pa ni Romualdez. Gail Mendoza

The post Pagpapatuloy ng AKAP ilalaban ng Kamara para sa 4M beneficiaries first appeared on Remate Online.

TikTok, iba pang social media platforms bawal na sa NBP at lahat ng penal farms

$
0
0

MANILA, Philippines – Mahigpit na ipinagbabawal na ng Bureau of Corrections (BuCor) ang paggamit ng anumang social media platforms habang nasa loob ng tangapan nito at sa lahat ng mga bilangguan na nasa pangangasiwa nito.

Sa isang statement, inihayag ng BuCor na hindi na maaaring gamitin ng lahat ng opisyal at kawani ng BuCor ang kanilang oras sa paggamit ng social media platforms gaya ng Tiktok, Facebook, Youtube, Instagram at iba pa.

“The Bureau of Corrections (BuCor) strictly prohibits the usage of any social media platforms while inside and on-duty at the NHQ-BuCor Offices, New Bilibid Prison Camps, and all Operating Prisons and Penal Farms. This prohibition applies without exception to all Commissioned Officers, Non-Commissioned Officers, Civilian Personnel, and other BuCor Employees.”

Samantala, ipinagbawal na rin ng BuCor ang paggamit ng cellphones sa loob ng prison facilities sa buong bansa.

Sakop ng memorandum ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang lahat ng commissioned officers, non-commissioned officers, civilian personnel, mga bisita at sinuman na papasok sa BuCor headquarters at mga operating prisons and penal farms (OPPFs).

Batid ni Catapang na tiyak na maraming magrereklamo na personnel sa bagong polisiya ngunit kailangan aniya ito ipatupad bilang isa sa paraan upang matigil ang illegal drug trade sa bilibid.

“Any cellular phone or related devices discovered shall be immediately confiscated and reported to the appropriate authorities for proper documentation and disposition while personnel found to be complicit in the unauthorized entry or use of cellular phones will be subjected to administrative and criminal sanctions,” babala ni Catapang.

Kapalit ng mga cellphones, iniutos ni Catapang ang pagbili ng dagdag na two-way radios bilang alternatibong uri ng komunikasyon.

“We need to invest in two-way radios as a strategic move aimed to eliminate the reliance on smuggled cellphones, which have become a significant issue in correction facilities, often leading to illegal activities both inside and outside the walls.” TERESA TAVARES

The post TikTok, iba pang social media platforms bawal na sa NBP at lahat ng penal farms first appeared on Remate Online.

2 lugar sa Laguna, baha pa rin!

$
0
0

MANILA, Philippines – Lubog pa rin sa baha ang lungsod ng Biñan at munisipalidad ng Santa Cruz sa Laguna ilang linggo makalipas ang pananalasa ng sunod-sunod na bagyo, ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) nitong Huwebes, Nobyembre 21.

Ang Laguna ang isa sa mga napuruhan ng mga nagdaang bagyo lalo na ang Severe Tropical Storm Kristine.

“It can be recalled that it took three months for the flooding to subside in our towns near the lake. Here, those affected by the storm experienced its almost stationary presence over our area. Nearly all towns were impacted, including our upland municipalities,” pahayag ni PDRRMC Officer Aldwin Cejo sa panayam ng Teleradyo Serbisyo.

Noong Oktubre, naitala ng Office of the Civil Defense ang pinakamataas na death toll sa bansa sa CALABARZON na umabot sa 48 sa pananalasa ng Bagyong Kristine.

Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na 584 lugar sa iba’t ibang bayan sa 15 rehiyon ang nakaranas ng mga pagbaha.

Ayon naman sa Laguna Lake Development Authority, nagdulot ng mabilis na pagtaas ng tubig sa Laguna de Bay ang malalakas na ulan dulot ng Bagyong Kristine.

“Due to the rains in neighboring provinces, Laguna Lake is being affected, and as we know, it can no longer accommodate the water coming from other provinces, especially with the rainfall here in the province of Laguna.”

Patuloy na isinusulong ng Laguna PDRRMC ang implementasyon ng drainage master plan, na pangungunahan ng provincial government sa pakikipagtulungan sa local planning officers, engineers, at disaster risk reduction and management (DRRM) officers. RNT/JGC

The post 2 lugar sa Laguna, baha pa rin! first appeared on Remate Online.


China binatikos sa paggamit ng pekeng fishing boats sa WPS

$
0
0

MANILA, Philippines – Kinondena ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang taktikang ginagamit ng China para makapag-establisa ng kanilang pwersa sa West Philippine Sea (WPS) sa pamamagitan ng paggamit ng mga pekeng fishing boats na ang totoo ay mga military vessels.

Ayon kay Barbers, lahat na lamang ay pinepeke ng China kaya naman hindi maisasantabi ang posibilidad na maaaring may mga itinalaga din itong military personnel sa Pilipinas na ang panlabas ay Philippine offshore gaming operator (POGO) workers.

“Nuong una at sa kasalukuyang panahon, kilala natin ang China na notorious sa paggawa ng mga pekeng produkto na itinitinda nila sa ating mga merkado. Ngayon, meron na rin silang fake na fishing boats – naka-disguise na fishing boats – na tinatauhan ng Chinese Coast Guard or Navy personnel at naka-deploy na sa WPS,” paliwanag ni Barbers.

Ang pagkakaroon ng pekeng fishing boats ng China sa WPS ay una nang isiniwalat ni Defense chief Gibo Teodoro matapos bumisita sa Palawan kamakailan.

Si Teodoro kasama si United States (US) Defense Secretary Lloyd Austin III ay bumiyahe sa Palawan para talakayin ang defense cooperative activities at regional security concerns.

Sinabi ni Barbers na wala nang bago sa
deception tactics ng China kasama na dito ang kanilang pina-usong 9-dash line at 11-dash line territorial line na malinaw sa Hague-based United Convention on the Law of Seas (UNCLOS) ba walang basehan sa batas. Gail Mendoza

The post China binatikos sa paggamit ng pekeng fishing boats sa WPS first appeared on Remate Online.

6 NPA rebels dedo sa engkwentro

$
0
0

MANILA, Philippines – Patay ang anim na hinihinalang remnants ng New People’s Army (NPA) nitong Huwebes, Nobyembre 21 sa engkwentro sa mga sundalo sa Barangay Gatuslao, Candoni, Negros Occidental.

Ayon kay Brigadier General Joey Escanillas, commander ng Army 302nd Infantry Brigade, hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng mga nasawing rebelde.

Nasamsam ng mga awtoridad ang high-powered firearms – kabilang dito ang limang M16 rifles, dalawang AK 47, at isang baby Armalite.

Ani Escanillas, tumagal ng 45 minuto ang engkwentro sa nasa 10 miyembro ng NPA.

“We received a report of the presence of the rebels in the area and on the way to the site the government soldiers encountered the rebels,” aniya.

Dagdag ni Escanillas, maaaring nasa lugar ang mga rebelde para magrecruit ng mga bagong miyembro. RNT/JGC

The post 6 NPA rebels dedo sa engkwentro first appeared on Remate Online.

Senate probe sa POGO, tatapusin sa susunod na linggo – Hontiveros

$
0
0

MANILA, Philippines – Pagkataposng 19 buwan na may 15 pagdinig, nakatakda nang isarado ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality ang imbestigasyon sa sinasabing criminal at iregularidad na kinasasangkutan ng Philippine offshore gaming operators (POGOs).

Inihayag ito ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros, chairman ng komite nitong Huwebes, Nobyembre 21 na nagtatakda sa ika-16 pagdinig bilang kahuli-huling pagpupulong na itinakda sa Nobyember 26 sa gitna ng bagong impormasyon sa pang-eespiya ng Chinese government sa bansa.

Sinimulan ni Hontiveros ang pagdinig noong Abril 19, 2023.

“May bagong impormasyon po tayong nakalap, lalo na sa pagkakaroon ng mga espiya ng Tsina dito sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga POGO, ayon kay Hontiveros sa Kapihan sa Senado.

“Sa next hearing, ilalahad po natin yung mga reporma sa batas na kailangan isulong dito sa Senado dahil sa napakaraming iregularidad at policy gaps na nakita natin sa pagkalat ng POGO at ng mga kaakibat nitong krimen,” dagdag niya.

Ilan sa repormang irerekomenda ng lupon ang paghihigpit sa proseso sa pagkuha ng birth certificates upang maiwasang maulit ang kaso ni dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo.

Kabilang sa rekomendasyon ng Senado ng pagtugon ng gobyerno sa biktima ng POGO at nawalan ng trabaho sanhi ng pagsasara nito at kung paano maiiwasan na gamitin ang lupaing pang-agraryo sa hindi pang-agrikulturang Gawain tulad ng nilusob na POGO sa Porac, Pampanga.

Nilinaw din ni Hontiveros na nakatakda pang humarap si Guo sa huling pagdinig. Ernie Reyes

The post Senate probe sa POGO, tatapusin sa susunod na linggo – Hontiveros first appeared on Remate Online.

Bagong Office of the Judiciary Marshal may kapangyarihan na mag-imbistiga vs crimes against judiciary

$
0
0

MANILA, Philippines – Inilabas na ng Supreme Court ang Implementing Rules and Regulations ng Republic Act No. 11691 o ang Judiciary Marshals Act (Judiciary Marshals IRR).

Ang Judiciary Marshals Act na naging ganap na batas noong 2022 ang tutugon sa nakakaalarmang pagtaas ng bilang ng marahas na krimen laban sa mga miyembro ng hudikatura kung saan karamihan ay hindi nareresolba ang kaso.

Layon ng naturang batas na pangalagaan ang mga judges, court personnel, maging ang mga pag-aari ng korte habang pinapanatili ang integridad ng court proceedings.

Sa ilalim ng Judiciary Marshals Act, ang Office of the Judiciary Marshals ay naatasan na sisiguro sa kaligtasan at proteksyon ng mga miyembro ng hudikatura.

Ang Office of the Judiciary Marshals ay may kapangyarihan na mag-imbistiga ng mga banta, magsagawa ng pag-aresto at pagkumpiska at tumulong sa pagpapatupad ng writs at court processes.

“They are also tasked with providing protection to witnesses, including the secure transportation of accused individuals or witnesses when ordered by the court.”

Binibigyan kapangyarihan din ang Office of the Judiciary Marshals na mag-imbistiga ng mga alegasyon ng graft at corruption sa loob ng judicial system.

“To perform these functions, marshals can issue subpoenas, apply for search warrants, administer
oaths, and access public records from other government agencies, all while adhering to the provisions of the Data Privacy Act.” TERESA TAVARES

The post Bagong Office of the Judiciary Marshal may kapangyarihan na mag-imbistiga vs crimes against judiciary first appeared on Remate Online.

34 days na lang, Pasko na!

Romualdez hiniling kay VP Sara na dumalo sa House probe

$
0
0

MANILA, Philippines – Hinimok ni House Speaker Martin Romualdez si Vice President Sara Duterte na personal dumalo sa House investigation ukol sa illegal na paggamit ng P612.5 million confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at ng Department of Education (DepEd).

Nang tanungin ukol sa pagharap ng mga OVP at DepEd officials sa House hearing ngunit wala si Duterte sinabi ni Romualdez na hindi dapat ipinapasa ang responsibilidad.

“Wag na niyang ibigay sa mga officials niya sa OVP at sa DepEd. Sana lang magsalita. Dapat lang siyang sumipot at mag-oath at mag-salita at mag-eksplika dahil sya lang may alam kung anong nangyari diyan sa mga pondo eh kaya dapat siya ang mag-eksplika,” pahayag ni Romualdez.

Ang House Committee on Good Government and Public Accountability na nag iimbestiga sa misuse of funds ay nagkaroon na ng 6 na pagdinig at isa beses pa lamang nakadalo si VP Sara.

Iilang opisyal lamang din ng Deped at OVP ang nakadalo sa pagdinig habang ang tinuturing na “inner circle” ni VP Sara na kinabibilangan nina Assistant Chief of Staff Lemuel Ortonio, Special Disbursement Officer Gina Acosta, at mag asawang Edward at Sunshine Charry Fajarda ay hindi pa dumalo.sa kabila ng mga ipinalabas na subpoena.

Sa naging huling pagdinig ay pinatawan ng contempt at pinakulong ng komite si OVP Undersecretary at Chief of Staff Zuleika Lopez dahil sa “undue interference” sa proceedings.

Ang susunud na pagdinig ay itinakda sa Lunes, November 25. Gail Mendoza

The post Romualdez hiniling kay VP Sara na dumalo sa House probe first appeared on Remate Online.

Brownlee, Sotto, Fajardo umani ng papuri sa panalo kontra NZ

$
0
0

Sinabi ni Gilas  Pilipinas coach  Tim Cone na ang breakthrough win laban sa New Zealand ay talagang espesyal kung isasaalang-alang kung gaano kalaki ang kailangang lampasan ng home team sa kanilang 2025 FIBA Asia Cup qualifier sa MOA Arena.

Sinabi ni Cone na kailangang makipagsabayan ang Gilas sa isang napaka-pisikal na koponan sa Tall Blacks at kumapit nang matagal hanggang sa ang mga host ay gumawa ng kritikal na 16-0 na pagsabog upang makuha ang panalo sa harap ng nangangalit na homecrowd.

“Ito ay isang mahirap,” sabi ni Cone, na mukhang masaya at gumaan sa parehong oras sa postgame press conference. “Magaling sila. Ang galing talaga nila.”

Bumagsak ang Gilas sa 8-0 bago pinanatiling malapit ang laro sa 45-all sa halftime. At kahit na matapos ang third-quarter run, hindi nakayuko ang New Zealand, nanatili sa loob ng striking distance ng Gilas hanggang sa final buzzer.

Sinabi ni Cone na siniguro ng New Zealand na maging pisikal lalo na laban kina Justin Brownlee, Kai Sotto, at June Mar Fajardo sa pagtatangkang limitahan ang kanilang pagiging epektibo.

“Sila ay hindi kapani-paniwalang pisikal. Iyan ang numero unong bagay na kailangan naming labanan. Credit to Kai and June Mar for battling through their bigs. Talagang pisikal sila sa amin. And of course, Justin, physical sila  kay Justin. Pinaikot nila ang dalawa, halos tatlong lalaki sa kanya at pinahirapan siya sa  buong laro.

Maganda ang ipinakita ni Brownlee sa kabila ng physicality ng Tall Blacks, nagtapos na may 26 points, 11 rebounds, apat na assists, dalawang steals, at dalawang blocks para sa Gilas.

Sa lahat ng Gilas bigs, si Sotto ang pinakaepektibo dahil mayroon siyang 19 puntos, 10 rebounds, at pitong assist sa 93-89 panalo.

Sinabi ni Cone na kinailangan ding makaligtas ng Gilas sa hot shooting New Zealand team na gumawa ng 18 sa kanilang 35 three-point shot para sa nagniningas na 51.4-percent clip.

“Iyan ay hindi kapani-paniwalang shooting. Kailangan mong silang puriin. At sa kabila ng hindi kapani-paniwalang shooting, nagawa pa rin naming manalo sa laro,” ani Cone.

 “Ang pagtagumpayan iyon at makahanap ng isang paraan upang manalo ay talagang espesyal lalo na sa aming home crowd.”

Kinilala ni Cone ang bigat ng inaasahan na kailangan ng mga Pinoy fans sa laban sa world No. 22, ang ikalawang home outing nito sa FIBA ​​Asia Cup.

The post Brownlee, Sotto, Fajardo umani ng papuri sa panalo kontra NZ first appeared on Remate Online.


Pagtiyak ng pondo ng AKAP sa 2025 budget isusulong sa bicam

$
0
0

MANILA, Philippines – Inatasan ni House Speaker Martin Romualdez si House Appropriations Committee Chairman Zaldy Co na tiyakin na maibalik ang P39-billion na Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) funds sa gagawing bicameral conference committee.

Bukod sa AKAP, nais din ni Romualdez na matiyak sa bicam na magkakaroon ng pondo para sa dagdag na subsistence allowances para sa mga sundalo.

Matatandaan na una nang tiniyak ni Romualdez na gagawin ng Kamara ang lahat para maibalik ang AKAP program funds sa ilalim ng 2025 national budget na una nang inalis ng Senado.

Giit ni Romualdez ang AKAP ay nakakatulong na sa may 4 million na beneficiaries mula nang masimulan ang programa.

Sa panig ni Co, sinabi nito na hindi lamang ang Kamara ang nagsusulong na matiyak ang AKAP program kundi lalo sina DSWD Secretary Rex Gatchalian at Philippine Statistics Authority Usec. Dennis Mapa na nakita ang kahalagahan ng peograma para sa 12 million low-income o near-poor families.

“Millions of struggling Filipinos depend on this critical financial support. We can’t allow the administration’s most vital socialized program to disappear,” pahayag ni Co.

“Until these families earn at least P45,000 per person monthly, AKAP remains essential. If we can’t provide proper wages, this program is the right form of support to shield them from high prices and economic hardship.” dagdag pa nito.

Sa ilalim ng AKAP ang mga beneficiaries ay nakakatanggap ng one time financial aid na P3,000 hanggang P5,000.

“Without AKAP, families living paycheck-to-paycheck will have no safety net for emergencies, such as illness, death in the family, or natural disasters,” paliwanag ni Co.

Nagpahayag ng pagkadismaya si Co sa hakbang ng Senado na tanggalin sa 2015 budget ang AKAP program partikular nina Senators Grace Poe at Imee Marcos.

” we urged the Senate to reconsider, sustaining AKAP is not only a moral responsibility but also an economic imperative to support struggling Filipinos and foster resilience” pagtatapos pa nito. Gail Mendoza

The post Pagtiyak ng pondo ng AKAP sa 2025 budget isusulong sa bicam first appeared on Remate Online.

LIW, PWDs sa P’que inayudahan ni Bong Go

$
0
0

MANILA, Philippines – Personal na namahagi ng tulong si Senator Christopher “Bong” Go sa libong persons with disabilities (PWDs) at low income workers (LIW) sa Parañaque City bilang bahagi ng kanyang adbokasiya na mabigyan ng oportunidad sa kabuhayan ang mga maralitang tagalungsod.

Idinaos sa Parañaque Sports Complex, 1,000 benepisyaryo ang tumanggap ng meryenda, mask, food packs, bitamina, kamiseta, basketball, at volleyballs mula kay Go at sa kanyang Malasakit Team. Bukod pa rito, nakatanggap ang mga piling benepisyaryo ng bisikleta, sapatos, mobile phone, at relo.

Sa sama-samang pagsisikap ni Go, ng mga pambansang ahensya, at ng lokal na pamahalaan ng Parañaque City sa pangunguna ni Mayor Eric Olivarez, ang mga kwalipikadong benepisyaryo ay nakatanggap din ng suportang pinansyal mula sa gobyerno.

Pinuri ni Go sina Congressman Edwin Olivarez, Mayor Eric Olivarez, Vice Mayor Joan Villafuerte, at ang mga konsehal ng lungsod sa kanilang pagtutulungan at tulong.

Hinimok ng senador ang mga benepisyaryo na i-maximize ang ibinigay na tulong sa kanila at pinayuhan sila na maging masipag at matiyaga para sa kanilang mga pamilya.

“Mahalaga ang bawat patak ng pawis sa pag-asenso. Gamitin ninyo ang mga oportunidad na ito bilang hakbang patungo sa mas magandang kinabukasan,” ayon kay Go.

Alinsunod din sa kanyang adbokasiya, inihain ni Go ang Senate Bill No. 2789, na tututok sa kapakanan ng para-athletes. Binibigyang-diin ng panukalang batas na ito ang pangangailangang bigyan ang mga para-atleta ng suporta at pagkakataong kinakailangan upang umunlad.

Kikilanin ng panukalang batas ang kanilang mahahalagang kontribusyon sa palakasan sa Pilipinas at ang kanilang papel sa pagdadala ng karangalan sa bansa sa pamamagitan ng mga internasyonal na kompetisyon.

At para lalo pang isulong ang kapakanan ng mga manggagawang Pilipino, inihain din ni Go ang Senate Bill No. 1705, na nagmumungkahing taasan ang service incentive leave ng mga empleyado sa pribadong sektor. Inihain din niya ang Senate Bill No. 1707, na naglalayong magbigay ng competitive remuneration at compensation packages sa social workers sa bansa kung ito ay maisasabatas.

Inihain din ni Go ang Senate Bill No. 2107, o ang “Freelance Workers Protection Act” na naglalayong bigyan ng proteksyon at mga insentibo ang freelance workers.

Co-author din at suportado ni Go ang Senate Bill No. 2534, na nagmumungkahi ng nationwide increase sa daily minimum wage ng  P100 upang maibsan ang hirap ng mga pamilyang Pilipino.

The post LIW, PWDs sa P’que inayudahan ni Bong Go first appeared on Remate Online.

Tol: Pampanga bilang ‘culinary capital’ ng PH, dahil sa magsasaka

$
0
0

Bacolor, Pampanga – Ang pagkilala sa lalawigan ng Pampanga bilang ‘culinary capital’ ay hindi lamang dahil sa husay ng mga Cabalen sa pagluluto, ayon kay Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino.

Naniniwala si ‘TOL’ na mahalaga rin ang kontribusyon ng mga magsasaka ng probinsya.

“Nagiging masarap ang pagkain ‘di lamang dahil sa mahusay na pagkakaluto nito. Ito rin ay dahil sa mga sariwang sangkap mula sa masaganang aani ng ating mga magsasaka,” ani Tolentino sa kanyang talumpati sa harap ng libong magsasaka mula sa 20 lokalidad ng probinsya.

Isa si TOL sa mga pangunahing may-akda ng Senate Bill No. 2797, na opisyal na kumikilala sa Pampanga bilang ‘culinary capital’ ng bansa. Kamakailan lamang ay ipinasa ng Senado sa ikalawang pagbasa ang panukala.

Nasa Pampanga si TOL noong Huwebes ng umaga para samahan si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa pamamahagi ng 2,939 Certificates of Condonation with Release of Mortgage (COCROM) sa 2,487 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) ng lalawigan.

Saklaw ng COCROMs ang mahigit 3,900 ektarya ng mga sakahan at P206.37 milyong halaga ng amortisasyon na aakuin ng pamahalaan. Dagdag pa rito ay 30 titulo ng lupa at 30 tax declarations ang iginawad sa natatanging ARBs.

“Ang kondonasyon, o pag-ako ng pamahalaan sa pagkakautang mula sa inyong mga sakahan ay malinaw na patunay na kayo’y kinakalinga ng gobyerno. Kinikilala din ang inyong mahalagang ambag bilang tagapagtaguyod ng bansa,” pagdidiin ni Tolentino.

Sa kanyang talumpati ay kinila rin ng senador ang mga miyembro ng Kamara na dumalo sa pagtitipon; gayundin ang pinuno ng mga lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Vice Governor Lilia Pineda; at mga opisyal at kawani ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa pamumuno ni Kalihim Conrado Estrella III.

Ang paggagawad ng COCROMs ay bahagi ng P57.56 bilyong katumbas ng mga utang — kasama ang interes, surcharges, at penalties – ng mahigit 600,000 magsasaka sa pamamagitan ng Republic Act No.11953, o ang New Agrarian Reform Emancipation Act.

The post Tol: Pampanga bilang ‘culinary capital’ ng PH, dahil sa magsasaka first appeared on Remate Online.

VP Sara nagpalipas ng gabi sa Kamara; bumisita sa nakakulong na chief of staff

$
0
0

Manila, Philippines – Kinumpirma ni House Secretary General Reginald Velasco na pumunta sa Batasan Complex si Vice President Sara Duterte para dalawin ang kanyang Chief of Staff na si Atty. Zuleika Lopez.

Dumating si Duterte ng 7:40 ng gabi at nanatili sa visitor’s center hanggang alas 10:00 ng gabi.

Sinabi ni Velasco na ang visiting hours sa Kamara ay mula ala 8 ng umaga hanggang alas 5 ng gabi ngunit pinayagan na makapanatili si VP Sara ng matagal bilang konsiderasyon sa kanyang iskedyul.

Pagkaraan nito ay nagtungo na ai VP Sara sa tanggapan ng kanyang kapatid na si Davao Rep. Paolo Duterte kung saan na siya nagpalipas ng gabi.

Si Lopez ay nakakulong sa Detention Facility ng Kamara matapos siyang ma-cite for contempt ng House committee on good government and public accountability base na rin sa naging mosyon ni Rep France Castro.

Makukulong si Lopez hanggang sa November 25 na syang susunud na pagdinig.

Una nang nagpahayag ng kanyang simpatiya si VP Sara sa kanyang mga tauhan na nagigisa sa House hearing subalit hindi naman ito dumadalo sa imbitasyon kaya naman hinamon na ito ni House Speaker Martin Romualdez na syang humarap sa hearing at magpaliwanag at huwag hayaan ang kanyang mga tauhan. RNT

The post VP Sara nagpalipas ng gabi sa Kamara; bumisita sa nakakulong na chief of staff first appeared on Remate Online.

Bituin sa labas ng Milky Way nakuhanan ng litrato

$
0
0

Sa unang pagkakataon, kumuha ang mga siyentipiko ng malapitang larawan ng isang bituin sa labas ng Milky Way.

Ang bituin na tinawag na WOH G64, ay isang pulang supergiant na matatagpuan 160,000 light-years ang layo sa Large Magellanic Cloud, isang kalapit na kalawakan. Ang mga pulang supergiant ay ang pinakamalaking bituin sa kalawakan, malaki ang pamamaga bago sumabog sa isang supernova.

Gamit ang Very Large Telescope ng European Southern Observatory sa Chile, nakunan ng mga mananaliksik ang malabong dilaw na imahe ng bituin, na napapalibutan ng hugis itlog na dust cocoon. Ipinaliwanag ni Keiichi Ohnaka, ang nangungunang siyentipiko, na ang pagtuklas na ito ay maaaring magbunyag kung paano naglalabas ng materyal ang bituin bago ang tuluyang pagsabog nito.

Ang koponan ay nag-aral ng WOH G64 sa loob ng maraming taon, ngunit ang direktang pag-imaging ay naging posible lamang sa isang bagong instrumento na tinatawag na GRAVITY, na pinagsasama ang liwanag mula sa apat na teleskopyo. Napansin nila na ang bituin ay lumabo nang husto sa nakalipas na dekada, na nag-aalok ng isang pambihirang pagkakataon na pag-aralan ang ebolusyon nito sa real-time.

Ang mga pulang supergiant tulad ng WOH G64 at Betelgeuse ay kilala sa pagbuhos ng mga panlabas na layer ng gas at alikabok sa kanilang mga huling yugto, na maaaring ipaliwanag ang pagdidilim at hindi pangkaraniwang hugis ng cocoon. Iminumungkahi din ng mga siyentipiko ang posibilidad ng isa pang nakatagong bituin na makakaapekto sa hugis ng alikabok.

Ang groundbreaking na obserbasyon na ito ay tumutulong sa mga mananaliksik na mas maunawaan ang ikot ng buhay ng malalaking bituin at ang kanilang mga sumasabog na dulo. RNT

The post Bituin sa labas ng Milky Way nakuhanan ng litrato first appeared on Remate Online.

Viewing all 58323 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>