Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all 58296 articles
Browse latest View live

P10B kinaltas sa AFP modernization budget, ipinababalik ni Bato

$
0
0

MANILA, Philippines – Hiniling ni Senador Ronald “Bato”Dela Rosa sa Senado na ibalik ang P10 bilyong kinaltas na badyet ng Mababang Kapulungan sa P50 bilyon na pondo para sa Revised Armed Forces of the Philippines (AFP) Modernization Program fosar 2025.

Sa pahayag, sinabi ni Dela Rosa na nangyari ang pagkaltas sa Mababang Kapulungan na ginamit ng Senate finance committee na nakatakda sa committee report sa General Appropriation Bill (GAB).

Ayon kay Dela Rosa na nagkakaroon ng kabalintunaan sa suporta ng Kongreso sa AFP sa gitna ng mapanghamon na sitwasyon kumpara sa ibinawas na pondo ng modernisasyon.

“Being a former member of the Armed Forces of the Philippines, a former member of the Philippine National Police, and now a senator of the Republic, I cannot help but point out a glaring contradiction na nakikita ko. Kasi every time may mangyaring hindi Maganda during our resupply missions to the Ayungin Shoal… our immediate reaction is like this: ‘We condemn in the highest terms this incident, and we have to see to it that we have to modernize our Philippine Navy,'” aniya.

“Iyon palagi ang linya nating masasabi as politicians, as legislators. And now, here comes the budget deliberations, binawasan pa ng PHP10 billion iyong NEP (National Expenditure Program) ng Department of National Defense… Sana coordinated palagi or synchronized iyong sinasabi natin as politicians at iyong ginagawa natin,” giit pa niya.

Tinukoy din ni Dela Rosa ang kahalagahan ng pagbibigay prayoridad sa kagalingan at moral ng sundalo at maglalayag kaya magkakaroon ng negatibong epekto ang pagkalata sa kanilang motibasyon.

Aniya, hindi dapat makadepende ang ating puwersa sa pag-iwas o takasan ang pangyayari kapag nahaharap sila sa malaking banta.

Sumang-ayon naman si Senador Grace Poe, chairman ng finance committee na ikonsidera ang apela ni Dela Rosa na rebyuhin ang panukalang alokasyon. Ernie Reyes

The post P10B kinaltas sa AFP modernization budget, ipinababalik ni Bato first appeared on Remate Online.


Praktis ng halalan isasagawa ng Comelec

$
0
0

MANILA, Philippines – Magsasagawa ng field testing sa automated election system (AES) ang Commission on Elections (Comelec) sa 14 lugar sa bansa sa Sabado bilang paghahanda para sa 2025 midterm elections.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na ang testing sa 35 sites ay layong masiguro na ang mga presinto at canvass results ay maita-transmit sa pamamagitan ng electronic transmission mula sa pollomh centers at mga lugar ng canvassing sa kanilang otorisadong destinasyon.

Ang field test ay isasagawa sa mga sumusunod na probinsya– Antique (3 sites), Batanes (4), Davao del Sur (3), Palawan (4), Tawi-Tawi (4), at sa Special Geographic Area (4).

Sa National Capital Region (NCR) , ang testing ay isasagawa sa Manila –2 sa Sampaloc; 2 sa Pateros at 2 sa Taguig City.

Para sa overseas, ang mga lugar ay sa Asia Pacific — Japan (Tokyo Philippine Embassy); United States of America: (New York Philippine Consulate General and Philippine Embassy, Washington, D.C.); Middle East at Africa: United Arab Emirates (Abu Dhabi Philippine Embassy); at Europe: Athens (Athens Philippine Embassy).

Sinabi ng Comelec na ang field testing ay bahagau ng User Acceptance Test and Automated Counting Machine (ACM), Consolidation and Canvassing System (CCS), Online Voting and Counting System (OVCS), at transmission hardware at applications.

Ito ay isang pagsubok sa mga makina, aplikasyon, paghahatid, at pamamaraan na ginagawa sa isang aktwal na lokasyon kung saan ito gagamitin sa araw ng halalan, ayon pa sa komisyon.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)

The post Praktis ng halalan isasagawa ng Comelec first appeared on Remate Online.

Naglahong pera sa GCash tatalupan ng NPC

$
0
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng National Privacy Commission (NPC) na magsasagawa ng sariling imbestigasyon sa umano’y hindi otorisadong transaksyon kaugnay sa mga kostumer ng GCash na dahilan ng pagkawala ng kanilang pera o pondo.

Sa isang pahayag, sinabi ng NPC na ang independent imbestigasyon ay naaayon saandato nito na pangasiwaan at ipatupad ang Data Privacy Act of 2012.

Ayon sa NPC, bagama’t sinabi ng GCash na walang kompromiso sa mga kredensyal ng customer o data sa insidente, magsasagawa pa rin ng independiyenteng imbestigasyon.

Sinabi na ang otoridad ng NPC ay nakatuon sa proteksyon ng personal dataat hindi sa monetaryosses at sumabgguni ang apektadong GCash customers sa tamang financial regulatory agency.

“We urge individuals who may have been affected by this incident to reach out to the NPC through info@privacy.gov.ph and provide relevant information to assist with our investigation,” sabi ng NPC.

Noong Lunes, nanawagan ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa mga apektado ng hindi awtorisadong paglilipat ng GCash sa katapusan ng linggo na makipag-ugnayan sa ahensya para sa karagdagang imbestigasyon matapos iulat ng GCash na ilan sa mga gumagamit nito ang naapektuhan ng mga error sa “patuloy na system reconciliation process.”

Idinagdag nito na ang kaso ng aktres na si Marietta “Pokwang” Subong ay posibleng isang organisadong paglabag sa halip na isang system glitch. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

The post Naglahong pera sa GCash tatalupan ng NPC first appeared on Remate Online.

P1B quick response fund sinaid ng 5 magkakasunod na bagyo – DSWD

$
0
0

MANILA, Philippines – NASIMOT ang P1 billion na quick response funds ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) matapos gastusin sa mga biktima ng limang huling tropical cyclones na tumama sa bansa.

“More than P1 billion yung total humanitarian assistance na po ang naipamahagi ng inyong DSWD. Out of that, more than 1.4 million na family food packs ang ating naipamigay dito sa mga probinsiya na apektado ng limang nagdaang bagyo,” ang sinabi n DSWD Undersecretary Edu Punay.

“May natira pa tayo so far na P100 million na standby funds. But the good news, mabilis po ang replenishment ng ating pondo when it comes to disaster response,” dagdag na wika nito.

Kaya nga sinabi ni Punay na inaasahan ng DSWD na ipalalabas ng Department of Budget and Management (DBM) ang P875 million pondo ngayong linggo o sa susunod na linggo.

Mula pa noong October 21, naapektuhan na ng tropical cyclones Kristine, Leon, Marce, Nika, at Ofel ang maraming rehiyon sa bansa.

Dahil sa epekto ng Kristine and Leon, may kabuuang 9,626,456 katao ang naapektuhan at 158 naman ang napaulat na nasawi.

Sinabi naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na 387,514 katao ang naapektuhan sa pananalasa ng bagyong Marce.

Samantala, 195,532 katao ang naapektuhan ng mga bagyong Nika at Ofel.

Nakapinsala naman sa agrikultura at imprastraktura ang pagbaha at landslides sa pananalasa ng kamakailan lamang na bagyo.

Ang bagyong Ofel ay nananatili pa rin sa loob ng Philippine area of responsibility.

Samantala, sinabi naman ng state weather bureau (PAGASA) na ang tropical storm na may international name Man-Yi ay inaasahan na papasok sa PAR, Huwebes ng gabi at papangalanang Pepito.

Sinabi ng PAGASA na maaaring lumakas si Man-Yi at maging severe tropical storm, araw ng Miyerkules at umabot sa typhoon category, Huwebes ng tanghali o gabi.

“The tropical cyclone could even reach the super typhoon category,” ang sinabi ng PAGASA.

Si Man-Yi ay huling namataan sa 1,965 kilometers east ng Eastern Visayas Kumikilos patungong west-southwestward na may 30 kilometers per hour (kph).

“The tropical storm was packing maximum sustained winds of 65 kph near the center and gustiness of up to 80 kph,” ayon sa PAGASA. Kris Jose

The post P1B quick response fund sinaid ng 5 magkakasunod na bagyo – DSWD first appeared on Remate Online.

Dental bureau pinalilikha ni Tulfo sa DOH

$
0
0

MANILA, Philippines – Iminungkahi sa Senado ang paglikha ng sariling tanggapan sa loob ng Department of Health (DOH) na tutugon, magtataguyod at magbibigay proteksiyon sa dental health ng mamamayang Filipino.

Sinabi ni Senador Raffy Tulfo na maraming Filipino ang nakakaranas ng sakit sa ngipin na umaabot sa 72 porsiyento ng buong populasyon ng bansa ayon sa ulat ng Philippine Dental Association.

“Bagama’t may mga polisiya ang DOH hinggil sa pangangalaga ng dental health, mas maigi pa rin kung magkakaroon ng isang departamento sa ilalim ng DOH na nakatutok lamang sa dental care ng bawata, aniya.

Gustong isulong ng mambabatas ang libreng basic dental care, kabilang ang oral check-ups, teeth cleaning, at dentures, particular s senior citizens, persons with disabilities, at minimum wage earners.

Sa nakaraang pagdinig, tumugon ang PHilhealth sa panukala ni Tulfo na magkaroon ng libreng oral check-up at teeth cleaning na magsisimula sa Disyembre para sa karagdagang health package.

“Dapat sa susunod na taon ay mayroon ng malawak na dental health service coverage para sa mga Pilipino mula sa PhilHealth,” ayon kay Tulfo kay DOH Secretary Teodoro Herbosa na sumang-ayon sa panukala sa ginanap na budget deliberation ng DOH.

Gustong isama din ng senador ang serbisyo sa paggawa ng pustiso dahil pangkaraniwang nawawala ng ngipin ng senior citizens kapag sumapit sila sa 70 years old.

Kinumpirma ni Herbosa na kasalukuyang ninirebyu ng ahensiya ang pagpapalawak ng dental health services, kabilang ang free dentures at tooth surgery na nakatakdang ipatupad sa susunod na taon. Ernie Reyes

The post Dental bureau pinalilikha ni Tulfo sa DOH first appeared on Remate Online.

DepEd chief kinalampag sa kakulangan ng prinsipal sa public schools

$
0
0

MANILA, Philippines – Kinalampag ni Senador Sherwin Gatchalian ang Department of Education (DepEd) sa pamumuno ni dating Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara na punan ang kakulangan ng principal sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa.

Sa pahayag, binigyang-diin ni Gatchalian ang kahalagahan na mapunan ang pagkukulang ng punong-guro sa pampublikong paaralan na makakamit kung babaguhin ang lumang polisiyang sa DepEd.

Mahigit kalahati ng lahat pampublikong paaralan sa bansa ang walang punong guro.

Sa isang pandinig pinamunuan ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), iniulat ng DepEd na 20,718 lamang sa 45,918 na mga pampublikong paaralan sa bansa ang may napunang principal positions.

Para sa natitirang 24,480 na mga paaralan, Teachers-In-Charge lamang na madalas nangangailangan ng karagdagang training at suporta ang nakatalaga.

Batay sa staffing parameters na mula pa noong 1997, mga punong-guro ang nakatalaga sa mga elementary schools na may siyam na guro at sa mga secondary schools na may anim na mga guro.

Ayon kay Undersecretary Wilfredo Cabral, isinasapinal na ng DepEd ang mga bagong pamantayan sa tulong ng EDCOM upang matiyak na may punong-guro sa bawat pampublikong paaralan.

“Malaki ang papel na ginagampanan ng mga mahuhusay na punong-guro upang paghusayin ang performance ng ating mga guro at mga mag-aaral. Mahalagang matugunan natin ang kakulangan ng mga punong-guro sa ating mga paaralan, lalo na’t makakaapekto ito sa pagsisikap nating iangat ang kalidad ng edukasyon sa bansa,” ani Gatchalian, EDCOM II Co-Chairperson at Chairperson ng Senate Committee on Basic Education.

Hinimok din ni Gatchalian ang National Educators Academy of the Philippines, ang professional development arm ng DepEd, na suportahan ang mga punong-guro sa pamamagitan ng mga training programs upang maging mas epektibo sila sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

Dagdag pa ng senador, kailangang repasuhin na rin ang isang polisiya noong 1992 kung saan mandato sa punong-guro na lumipat sa ibang paaralan matapos ang tatlo hanggang limang taon.

Ipinaliwanag ni Gatchalian na batay sa karanasan ng mga pampublikong paaralan sa Valenzuela, may mga science schools na kailangan ng punong-guro na may kasanayan sa math at science.

Aniya, kailangang tugunan ng bagong polisiya ang tiyak na pangangailangan ng paaralan. Ernie Reyes

The post DepEd chief kinalampag sa kakulangan ng prinsipal sa public schools first appeared on Remate Online.

Kelot pinagpapalo sa ulo ng pamangkin, dedbol!

$
0
0

ILOCOS SUR-Patay ang isang 55-anyos na lalaki matapos na tatlong beses na hatawin sa ulo ng bamboo wood ng kanyang 42-anyos na pamangkin na lalaki sa Brgy. Bantaoay, San Vicente, Ilocos Sur.

Kinilala ng San Vicente Municipal Police Station ang biktima na si Mario Ullero Rebullo, residente ng naturang lugar samantalang ang itinuturong suspek ay ang pamangkin nito na residente rin ng naturang lugar.

Bandang 4:30 ng madaling-araw kahapon (November 13) nang makita ni Estrella (misis ng biktima) ang kanyang mister na hindi na humihingang nakabulagta sa labas ng kanilang bahay.

Sa imbestigasyon, nabatid na noong umaga ng November 12, ang biktima at ang mga kaibigan niya ay maagang nag-inuman.

Pagsapit ng 7:00 ng gabi ay nagpunta ang biktima sa bahay ng suspek at nagkaroon sila ng pagtatalo.

Sinabi umano ng biktima sa suspek na “rumuar ka ta agpinnatay ta! (Lumabas ka at magpatayan tayo!)”.

Lumabas naman ang suspek at pinuntahan ang biktima.

Nang makalapit ang suspek sa nakaupong biktima ay pinalo niya ito ng tatlong beses sa ulo gamit ang bamboo wood at saka iniwan.

Ayon sa MHO ng San Vicente, Ilocos Sur, ang cause of death ng biktima ay due to hemorrhagic shock secondary to traumatic head injury. Rolando S. Gamoso

The post Kelot pinagpapalo sa ulo ng pamangkin, dedbol! first appeared on Remate Online.

Welder swak sa selda sa sextortion sa 14-anyos

$
0
0

CEBU- SA halip na babae ang hinihimas, himas-rehas ngayon ang isang welder na gusto sanang makipag-sex matapos ireklamo ng dalagita na tinakot nitong i-post sa social media ang kanilang video call sex, iniulat kahapon sa bayan ng San Fernando.

Ayon kay PLt. Col. Vernino Nose­rale, hepe Naga City Police Station, bandang 9:50 AM noong Martes nadakip ang suspek na itinago sa pangalan Dindo, 37, sa isang lodging inn sa Barangay Panadtaran, San Fernando City.

Sinabi ni Noserale, personal na nagtungo sa kanilang himpilan ang grade 9-student na neneng kasama ang ina para pormal na magsampa ng kaso laban sa suspek.

Kwento ng biktima, nagkakilala sila sa Facebook ng suspek noong Nobyembre 5, 2024 hanggang sa nakuha ang loob nito at pinilit na makipagkita at tumanggi ito ay ipapakalat ang kanilang sex video call sa social media.

Agad naman inilatag ang entrapment operation laban sa suspek na nagresulta sa pagkakadakip nito at nakuha sa kanya ang cellphone at .45 kalibre na baril na may bala.

Sa himpilan ng pulisya, sinabi ng suspek na habang inaayos niya ang kanyang probation sa kasong illegal possession of firearm ay naghanap na rin siya ng babae para makatalik.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Sextortion o RA 7610, RA 11930 Anti-Online Sexual Abuse at RA 10591 (Comprehensive Law On Firearms and Ammunition)./Mary Anne Sapico

The post Welder swak sa selda sa sextortion sa 14-anyos first appeared on Remate Online.


P.4B halaga ng droga winasak ng PDEA sa Cavite

$
0
0

MANILA, Philippines – Aabot P486.8 milyong halaga ng droga ang winasak at sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Integrated waste management inc. sa Barangay Aguado,T rece Martirez City sa Cavite.

Sa nasabing droga, aabot sa 65 kilo ng shabu at 234 kilo ng marijuana na nakumpiska sa Region 4-B at CAR. Danny Querubin

The post P.4B halaga ng droga winasak ng PDEA sa Cavite first appeared on Remate Online.

Ordinansa vs human reserve sa parking lots ikakasa ng MMC

$
0
0

MANILA, Philippines – Target ng Metro Manila Council (MMC) na lumikha ng ordinansang magpaparusa sa mga taong nakatayo sa mga parking slot para ireserba sila sa National Capital Region (NCR), sinabi ng isang opisyal nitong Huwebes.

“As soon as possible, aaralin lang namin mabuti (We will do it as soon as possible, we are just studying it thoroughly),” pahayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Romando Artes sa isang press conference pagkatapos ng pulong ng MMC.

Inaasahang magpapasa ng unipormeng ordinansa ang 17 local government units (LGUs) sa Metro Manila sa pagbabawal at pagpaparusa sa mga taong nagpapareserba ng mga parking slot, ayon kay Artes.

“Magco-coordinate tayo sa mga may-ari ng mga malls at yung mga private parking para ma-institutionalize din ito at mapagbabawalan. Kasi kalimitan doon din nag-aagawan sa mga private parking,” ani Artes.

Sinabi ni Artes na nagkaroon ng ideya ang MMC matapos makatanggap ng mga ulat ng mga marahas na insidente dahil sa away sa mga paradahan.

Binanggit ng MMDA chairperson ang isang naka-post na video mula sa ibang bansa kung saan nasagasaan ng isang motorista ang isang taong nakatayo sa isang parking slot para i-reserve ito at ang mga tao sa comment section ay natuwa sa insidente.

Maliban dito, binanggit din niya ang isang video na nagpapakitang may nagtutulak na nakatayo sa isang parking lot sa isang sementeryo sa Metro Manila. RNT

The post Ordinansa vs human reserve sa parking lots ikakasa ng MMC first appeared on Remate Online.

Kita ng PH gaming sector lumago sa P94.61 bilyon

$
0
0

Nakitaan ng dobleng pagtaas ng kita sa ikatlong kwarter ng 2024, pangunahing nagdala ng pagtaas ng benta ang sektor sa electronic games na nakabawi sa pagbaba na nakikita sa iba pang tradisyonal na gaming sector.

Sa pahayag, iniulat ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na ang local gaming sectors gross gaming revenues (GGR) na nanumabot sa P94.61 bilyon noong Hulyo hanggang Setyembre na tumaas ng 37.52 percentula sa P68.79 bilyon sa parehong kwarter noong nakaraang taon.

Ang mga electronic games ay nakabuo ng P35.71 bilyon na kita sa ikatlong kwarter, tumaas ng 464.38 percent mula sa P6.32 bilyon taon-taon.

Sinabi ni PAGCOR chairman at CEO Alejandro Tengco, nakapagtala ng phenomenal na pagtaas ng 464.38% mula noong nakaraang taon ang electronic gaming sector.

” This impressive performance is a strong indication that use of modern technology and mobile gadgets in gaming and amusement will continue to play a pivotal role in shaping the future of gaming”, sabi ni Tengco.

Nagpahayag din ng kumpiyansa ang PAGCOR na ang e-games sector ay patuloy na uunlad habang ang teknolohiya ay nagiging mahalagang bahagi ng pamumuhay ng mga tao kabilang ang shopping ,gaming at entertainment.

Samantala, ang lisensyadong mga casino na nanatiling pinakamalaking kontributor bsa ikatlong kwarter GGR ay nagdala ng P50.72 bilyon sa kabila ng 2.27% na pagbaba sa performance ng kita kumpara sa P51.90 bilyon noong nakaraang taon.

Ang gaming revenues ng Casino Filipino, na pinamamahalaan ng PAGCOR ay umabot sa P3.64 bilyon , bumaba ng 26.32% mula sa P4.94 bilyon na Nakita noong nakaraang taon.

Iniulat din ng PAGCOR na ang bingo operations na nag-ambag ng P4.52 bilyon sa GGR, bumaba ng 19.43%. mula sa P5.61 bilyon na naitala noong ikatlong kwarter ng 2025.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)

The post Kita ng PH gaming sector lumago sa P94.61 bilyon first appeared on Remate Online.

Guwardyang ‘di nagbigay ng pangyosi, ginulpi, inagawan ng baril

$
0
0

Pinagtulungang bugbugin at tinangka pang paputukan ng baril ng ilang beses ng mga lasing na lalaki ang isang guwardya na bumili lamang ng pagkain sa Parola Compound, sa Tondo, Manila.

Sa impormasyon, hindi umano napagbigyan ng biktimang si Saldy Baisa y Cidilla, 53 anyos, sekyu at nakatira sa Quezon City ang suspek na humihirit ng pambili ng yosi kaya tinuhod ito habang naglalakad.

Dahil dito, nahulog ang service firearm ng biktima na agad namang dinampot ng isa pang suspek saka ikinasa ng ilang beses at tinangkang paputokan ang biktima habang pinagtulungang gulpihin at hampasin ng helmet.

Maswerte namang naka-lock ang baril ng biktima kaya hindi ito pumutok.

Nang rumesponde ang kapwa guwardiya ng biktima, nagkanya-kanyang takbo ang mga suspek.

Sa tulong ng tracker team natunton ang isa sa suspek na naaresto na si John Jonard Pacho, 25, na siyang nagtangkang bumaril sa biktima.

Pinaghahanap naman ang dalawa pang suspek na sina Shane Burlas at Taniel Volton na nambugbog at nanghampas ng helmet kay Baisa.

Sinamapahan na ng kaso ang suspek ng attempted murder, at paglabag saComprehensive Firearms and Ammunition regulation Act. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

The post Guwardyang ‘di nagbigay ng pangyosi, ginulpi, inagawan ng baril first appeared on Remate Online.

Nationwide simultaneous earthquake drill sa Malabon

LTO: Non-essential land travel sa Bicol ipagpaliban muna sa banta ni ‘Pepito’

$
0
0

MANILA, Philippines- Bilang paghahanda sa posibleng epekto ni Tropical Storm Pepito, hinimok ng Land Transportation Office (LTO) nitong Huwebes ang mga motorista na suspendihin ang non-essential travel papunta at palabas ng Bicol Region

Sa abiso, sinabi ng LTO na simula alas-6 ng Nobyembre 14, hindi inirerekomendang bumiyahe:

  • Mula sa National Capital Region at mga karatig-lugar patungo sa Bicol Region, at

  • Papunta at palabas ng Visayas at Mindanao sa pamamagitan ng Matnog Port sa Matnog, Sorsogon. 

Pinaalalahanan ng LTO, maging ng Office of the Civil Defense (OCD) ang mga motorista at biyahero na mag-ingat sa kalsada. RNT/SA

The post LTO: Non-essential land travel sa Bicol ipagpaliban muna sa banta ni ‘Pepito’ first appeared on Remate Online.

Unang PIO chief ng SC pumanaw na

$
0
0

MANILA, Philippines- Nagluluksa ngayon ang Supreme Court sa pagpanaw ng naging kauna-unahang hepe ng Public Information Office (SCPIO) na si Atty. Ismael G. Khan, Jr.

Pumanaw si Khan nitong Nobyembre 10, 2024 dahil sa matagal nang sakit. Siya ay 89-anyos.

Nagsilbi si Atty. Khan bilang Assistant Court Administrator at Public Information Office Chief mula July 1, 1999 hanggang January 7, 2007 sa ilalim ng tatlong Chief Justices na sina Chief Justices Hilario G. Davide, Jr., Artemio V. Panganiban, Jr., at Reynato S. Puno.

Taong 1999, sa panahon ni Chief Justice Davide ay itinatag ang Public Information Office na ang pangunahing trabaho ay mapalapit ang Korte sa taumbayan sa pamamagitan ng mga inilalabas na balita hinggil sa mga desisyon ng Korte sa paraan na maiintindihan ng publiko.

Kilala ng mga mamamahayag si Atty Khan na mabait, marespetong tao at madaling makapanayam.

Bago nagsilbi sa Korte Suprema, aktibo si Khan sa private practice at kinikilala na experto sa labor law at legal ethics.

Nagtapos siya sa University of the Philippines College of Law, at 6th placer sa 1959 Bar Examinations. Naging miyembro siya ng New York State Bar. Teresa Tavares

The post Unang PIO chief ng SC pumanaw na first appeared on Remate Online.


DepEd sa mga iskul: Magarbong Christmas party iwasan

$
0
0

MANILA, Philippines – Inatasan ng Department of Education (DepEd) ang lahat ng mga tanggapan at paaralan nito na iwasan ang mga engrandeng pagdiriwang ng mga Christmas party pagkatapos ng sunud-sunod na mga bagyo na nanalasa sa ilang bahagi ng Luzon.

Sumusunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga ahensya ng gobyerno na magpakita ng pakikiisa sa lahat ng mga Pilipinong nasalanta ng kalamidad matapos ang anim na bagyong tumama sa Pilipinas sa loob ng wala pang isang buwan.

“Lahat ng mga tanggapan at paaralan ng DepEd ay inaatasan na bawasan ang kanilang pagdiriwang ng Pasko, at maaaring gamitin ang mga naipon na ipon bilang mga donasyon para sa mga komunidad na nasalanta ng kalamidad,” sabi ni Chief of Staff ng Office of the Secretary, Undersecretary Fatima Lipp Panontongan, sa isang memorandum na inilabas nitong Martes, Nob. 19.

Parehong may tungkulin ang mga tanggapan ng rehiyon at dibisyon na tiyakin ang “mahigpit na pagsunod” sa direktiba ng Punong Ehekutibo.

Inatasan din ang mga tanggapan at paaralan ng DepEd na magsagawa ng donation drive sa mga apektadong lugar na may ipon mula sa kaunting pagdiriwang ng Christmas party. RNT

The post DepEd sa mga iskul: Magarbong Christmas party iwasan first appeared on Remate Online.

408 iskul, 244 klasrum winasak ni Pepito sa Bicol

$
0
0

LEGAZPI CITY – Iniulat ng Department of Education (DepEd) 5 (Bicol) na 408 na paaralan ang nasira at 244 na silid-aralan ang ganap na winasak ng Super Typhoon Pepito (international name Man-yi), na nanalasa sa rehiyon noong Nob. 16.

Sa panayam nitong Miyerkules, sinabi ni Mayflor Marie Jumamil, hepe ng DepEd-5 Public Affairs Unit (PAU), na ang datos ay batay sa Rapid Assessment of Damages Report (RADaR) na isinagawa sa iba’t ibang school divisions sa rehiyon.

Sinabi ni Jumamil na kabilang sa mga apektadong paaralan ang 108 sa Catanduanes, 144 sa Camarines Sur, 113 sa Camarines Norte, at 43 sa Naga City.

Sa 244 na silid-aralan na ganap na nasira, ang pamamahagi ay ang mga sumusunod: Catanduanes –102; Camarines Sur — 128; at Camarines Norte — 14.

Gayundin, may kabuuang 3,848 mag-aaral ang nawalan ng tirahan ng super typhoon.

Idinagdag ni Jumamil na ang DepEd-5 ay nagpadala ng kanilang regional DRRM team sa Catanduanes upang mas masuri ang pinsala sa imprastraktura at matugunan ang mga agarang pangangailangan ng mga mag-aaral at guro sa mga lugar na pinakamahirap.

Sa isang pahayag, sinabi ni DepEd-5 Director Gilbert Sadsad na tututukan ng validation team ang mga pinakamalubhang naapektuhang munisipalidad sa Catanduanes, kabilang ang Pandan, Panganiban, Gigmoto, Caramoran, Bagamanoc, at Viga, hanggang Biyernes.

Muli ring pinagtibay ng DepEd-5 ang kanilang dedikasyon sa pagpapanatili ng pagpapatuloy ng pag-aaral sa kabila ng sunud-sunod na mga bagyo na nakaapekto sa rehiyon. RNT

The post 408 iskul, 244 klasrum winasak ni Pepito sa Bicol first appeared on Remate Online.

Pagdedeklara sa kaarawan ni Rizal na special working holiday lusot na sa Kamara

$
0
0

MANILA, Philippines – Pasado na sa huli at ikatlong pagbasa sa House of Representatives ang House Bill (HB) No. 10958 na nagsusulong na ideklara ang June 19 bilang special working holiday bilang pagkilala sa kaarawan ni Dr. Jose P. Rizal.

“By institutionalizing the commemoration of Dr. Jose Rizal’s birth anniversary, we ensure that future generations of Filipinos will continue to remember and draw inspiration from his legacy of patriotism, intellectual excellence, and unwavering dedication to the Filipino people,” ani House Speaker Martin Romualdez.

“This bill reflects our commitment to preserving and celebrating our rich national heritage,” dagdag pa nito.

Sa orasna maisabatas ang House Bill (HB) No. 10958 ang June 19 ay opisyal na tatawaging “Araw ng Kapanganakan ni Dr. Jose P. Rizal.”

Nasa 175 mambabatas ang bumoto pabor sa panumqlq.

Si Rizal na isang novelist, physician, scientist, artist at linguist ay ipinanganak noong June 19, 1861 sa Calamba, Laguna. Gail Mendoza

The post Pagdedeklara sa kaarawan ni Rizal na special working holiday lusot na sa Kamara first appeared on Remate Online.

Balak ng DILG na bawas bilang ng heneral ibinabala ni Sen. Dela Rosa

$
0
0

MANILA, Philippines — Binalaan ni dating Philippine National Police (PNP) chief at ngayo’y Sen. Ronald “Bato” dela Rosa nitong Miyerkules ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa plano nitong bawasan ang bilang ng mga heneral ng pulisya, at sinabing makakaapekto ito moral

Sa confirmation hearing ni newly-appointed DILG Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla sa Commission on Appointments, sumang-ayon si Dela Rosa sa obserbasyon na “somehow bloated somewhere” ang organisasyon ng PNP.

Aniya, sang-ayon siya na dapat maging “lean and mean” organization ang PNP.

“Kasi nga, meron kaming observation sa PNP noon na kapag magtapon ka daw ng cigarette butts sa second floor ng Crame, chances are ang matatamaan mo pagdating sa baba, general,” dagdag pa ng dating police general.

Sinabi ni Remulla noong nakaraang buwan na plano niyang bawasan ang bilang ng mga pangkalahatang opisyal sa PNP sa 25 mula sa 133 kabilang sa mga planong reporma sa tinatawag niyang “a very top-heavy” na organisasyon.

Ngunit sinabi ni Dela Rosa na dapat iba ang pagtingin sa tauhan ng PNP kumpara sa Armed Forces of the Philippines.

“Habang lumalaki yung population ng Pilipinas, lumalaki rin ang population ng PNP because we are trying to achieve the 1 is to 500 police to population ratio,” paliwanag pa ni Dela Rosa.

Umaasa si Dela Rosa na hindi gagawa ng matinding pagbabago ang DILG. RNT

The post Balak ng DILG na bawas bilang ng heneral ibinabala ni Sen. Dela Rosa first appeared on Remate Online.

Shellfish ban itinaas sa 11 lugar sa E. Visayas

$
0
0

TACLOBAN CITY – Ipinatupad ang shellfish ban sa 11 lugar sa Eastern Visayas ngayong linggo, sinabi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Miyerkules.

Sa kanilang advisory, sinabi ng BFAR na nakita ang red tide sa mga sample ng tubig dagat na nakolekta sa Cancabato Bay sa Tacloban City; baybayin ng Guiuan, Eastern Samar; baybaying tubig ng Calbayog City, Samar; at Matarinao Bay sa mga bayan ng General MacArthur, Quinapondan, Hernani, at Salcedo sa Eastern Samar.

Nauna rito, sinabi ng bureau na pitong anyong tubig sa mga lalawigan ng Leyte, Samar, Eastern Samar, at Biliran ang kontaminado ng red tide toxins, batay sa shellfish meat sampling.

Kabilang dito ang Biliran Island sa Biliran province; baybaying tubig sa bayan ng Leyte; Carigara Bay sa Babatngon, San Miguel, Barugo, Carigara, at mga bayan ng Capoocan sa lalawigan ng Leyte; Cambatutay Bay sa bayan ng Tarangnan; Daram Island; Isla ng Zumarraga; at Irongirong Bay sa Catbalogan City sa lalawigan ng Samar.

Mahigpit na pinapayuhan ang publiko na huwag mangolekta, magbenta, o kumain ng anumang uri ng shellfish, kabilang ang maliliit na hipon, sa mga lugar na ito, sinabi ng advisory ng BFAR.

Ang mga isda, pusit, hipon, at alimango ay ligtas na kainin ng tao kung ang mga ito ay sariwa at hinugasan ng maigi, at ang kanilang mga laman-loob, tulad ng hasang at bituka, ay inaalis bago lutuin. RNT

The post Shellfish ban itinaas sa 11 lugar sa E. Visayas first appeared on Remate Online.

Viewing all 58296 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>