Manila, Philippines – Sakaling makarating na sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso, inihayag ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go na boboto siya, ayon sa kanyang konsensiya, kaugnay ng usapin sa renewal ng prangkisa ng giant network ABS-CBN.
“Once it reaches our office here in the Senate, I will decide. Nasabi ko na ‘yan. Vote according to your conscience,” ani Go na tiniyak na boboto siya pabor sa interes ng nakararaming Filipino.
Kuwestyonable kung makapagpapatuloy pa rin ang ABS-CBN sa ere matapos magsampa si Solicitor General Jose Calida sa Supreme Court ng quo warranto petition laban sa giant network. Ayon sa petisyon, dalawang grave violations ang nilabag sa prangkisa ng ABS-CBN.
“Ito namang pagdinig (sa Senado), maaaring in aid of legislation, marami silang gustong pakinggan, maybe that’s the proper forum na mapakinggan both sides. Pakinggan natin sino gusto magsalita, sino gusto magreklamo… I might also ask some questions,” ani Go.
Nilinaw gayunman ng senador na ang anumang legislative action ukol sa franchise bills ay dapat magsimula sa Lower House, batay sa batas.
“If the Senate decides to start the discussions to look into compliance of ABS-CBN with their existing franchise… or to consider possible extension, I will participate to clear any pressing issues and I can assure the public that I will be fair and impartial,” dagdag niya.
Aniya, nasa kamay pa rin ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kung paano sila gagalaw sa Senado sa naturang paksa.
“Franchise renewal, it will emanate from the Lower House so dapat na rin nilang i-tackle ito. Sa congressmen, just vote according to your conscience, hopefully it is for the interest of the Filipino people,” anang senador.
“Mas lalo natin pinapatagal, mas lalong umiinit ang isyu, pag usapan n’yo. Ito naman ang proseso, pag-usapan nyo, then papadala dito sa Senado (kung pumasa sa House), then the President will decide,” pahayag ni Go.
Samantala, kinuwestyon ni Go ang joint resolution na inihain ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na naglalayong i-extend ang prangkisa ng ABS-CBN hanggang sa katapusan ng 2022.
“Bakit joint resolution? Bakit hindi na lang natin aprubahan o disapubahan (ang renewal ng franchise)? Bakit December 31, 2022, meron bang pulitika dito?”
Tiniyak din niya sa publiko na si Pangulong Rodrigo Duterte ay laging parehas at balanse sa kanyang mga nagiging desisyon.
“Ako naman, knowing the President, he is a fair person naman po. Babalansehin n’ya po ang lahat. Hindi siya nakikialam sa gawain ng legislative branch,” aniya.
“Vocal sya sa kanyang sama ng loob pero wala siya inuutos kahit kanino, ako bilang close to him, parati nya sinasabi na vote according to your conscience at unahin ang interes ng Pilipino,” pangwakas ng senador. RNT
The post Giit sa mga mambabatas ukol sa ABS-CBN franchise issue: ‘Bumoto ayon sa konsensiya’ appeared first on REMATE ONLINE.