Manila, Philippines – Hawak umano ni Philippine National Police (PNP) chief Archie Gamboa ang listahan ng mga gambling operator sa lahat ng rehiyon sa bansa.
Sa ngayon, ani Gamboa, na naibigay niya na umano ang listahan sa lahat ng regional police directors.
“We are going against them. Lahat ng illegal gambling from low to high [We are going against them… All of them, from low to high],” ani Gamboa.
Inatasan niya naman ang lahat ng Kapulisan na magkasa ng “aggressive” operations laban sa iligal na sugal.
“Yes, in the next few months, heads will roll if you don’t follow my instructions. If you don’t do aggressive operations and you don’t start relieving your chiefs of police, then I will not be convinced,” dagdag pa ni Gamboa.
Binantaan naman ni Gamboa na pananagutin ang mga police officer na mabibigong masawata ang iligal na sugal sa kanilang nasasakupan.
Naniniwala rin umano si Gamboa na mayroong ilang mga pulis na protektor ng mga operator ng iligal na sugal.
“Anyway, yun lang naman pakiusap ko, huminto na kayo eh [That is my only request. Please stop]. Otherwise, you will face the full force of the law,” banta ni Gamboa sa mga nagsusugal, maging sa mga operator.
Balak ding palakasin ni Gamboa ang Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) at ang Internal Affairs Service (IAS) para mahuli ang mga pulis na protektor ng mga gambling lord.
“We have to convince the people that we are serious on everything, that the PNP does not protect any illegal activities that other citizens do.” Remate News Team
The post Listahan ng gambling lords sa bansa, hawak ni Gamboa; Mga pulis na protektor, tutugisin appeared first on REMATE ONLINE.