Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 58530

PAIHI NG GASOLINA AT KRUDO NI KAP. FELIX

$
0
0

HANGGANG ngayon ay bukas pa rin ang negosyong “paihi” ng produktong petrolyo at krudo nitong si Kap. Felix sa Bgy. Aguila sa San Jose, Batangas kaya patuloy ang taas-baba ang presyo gasolina at krudo sa bansa.

Kaya naman bumabawi ang Big 3 oil companies sa pagkalugi nila sa oil smuggling at “paihi” nitong si Kap. Felix.

Bukod dito, hindi rin nagbabayad ng buwis sa kanyang “paihi” si Kap. Felix na ikinalulugi naman ng pamahalaan.

Malinaw pa sa sikat ng araw na isang uri ng economic sabotage ang gawain nitong si Kap. Felix dahil sa halip na magtuloy-tuloy ang operasyon ng pagdedeliber ng mga oil tanker na dala ng driver at pahinante nito sa mga gasoline station ay inuuna muna nila ang pagkakakitaan nila.

Ang pinagtatakhan ko ay kung bakit hindi hinuhuli ng mga otoridad ng Batangas ang talamak na pagnanakaw ng produktong petrolyo at krudo ganong kung tutuusin ay madali lang namang hulihin ang “paihi” nitong si Kap. Felix sa Bgy. Aguila, San Jose.

Ano ang ginagawa ni Batangas Provincial Director Supt. Arcadio Ronquillo at bakit ang “paihi” ni Kap. Felix simula nang maupo siya ay patuloy pa rin ang operasyon nito?

May lagay rin ba si PD gaya ng mga naunang PD sa nasabing lalawigan?

BOOKIES SA SAN JOSE, KONTROLADO

Isang Kap. Noel Vitucio naman ang may ‘control’ ng operasyon ng bookies ng Small Town Lottery (STL) sa buong San Jose, Batangas.

Ang matindi rito ay kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin kumikilos si San Jose City director Maj. Ferdinand Ancheta para ipatigil ang talamak na operasyon ng bookies ni Kap. Noel.

May lingguhang padulas bang tinatanggap si Maj. Ancheta?

oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 58530

Trending Articles


Pipi’t-binging tomboy, dinalirot ng pinsan


WAKAWAK


Jewelry store sa SM Megamall hinoldap


15-anyos, niluray ng amain


JOURNEY NI GEN. RICHARD ALBANO, EMOSYONAL


Ibong Adarna Script


KASERA


PAGBABATA


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar


KANTUTAN


5 rice trader kinasuhan ng smuggling


Liza Soberano, kinaiinisan na agad


Long Mejia may sex scandal


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


ATSWETE


HALINGHING


PANGIMBULUHAN


BEMBANG


10 sugatang sundalo vs ASG, pinangalanan na



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>