Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 58530

SUKLAM SA PANGULO

$
0
0

HINDI kataka-takang maging ang mga kabataan, mahirap o mayaman, ay pagkasuklam ang maramdaman kay Pangulong Benigno Aquino III dahil sa wala nitong pakundangan sa damdamin at kapakanan ng mga mamamayang nagluklok sa kanya sa puwesto.

Halos mabaliw ang Kabataan Party-list sa katwiran ni Pangulong Aquino kaugnay sa power crisis sa Mindanao nang sabihin nito na ang solusyon sa problema ay pagbabayad ng mahal sa kuryenteng kinukunsumo.

Ayon kay Aquino, “in order to resolve power crisis, consumers should “pay higher power rates or live with the rotating brownouts. You have to pay more because this is the reality of economics, not the rhetoric of politics. Everything has its price.”

Mauunawaan ng mamamayan ang katwiran ni Pangulong Noynoy kung kumakalam ang sikmura niya at pwedeng isipin na nalipasan siya ng gutom. Pero hindi siya gutom at ang totoo ay maganda ang kalagayan niya sa Malakanyang kung saan maganda at malamig ang kanyang opisina at maging ang tulugan.

Hindi niya kailangang ipukol sa mamamayan ang problemang kinakaharap hinggil sa kakulangan ng kuryente sa halip ay dapat umisip ang pamahalaan, lalo na ang kanyang mga opisyal sa Department of Energy, ng solusyon sa krisis sapagkat ito ay dapat binabalikat ng gobyerno.

Noong 2010 elections, nagharap si dating Pangulong Joseph Estrada ng posibleng solusyon sa krisis sa enerhiya partikular sa Mindanao pero dahil nabulag ang mga tao sa pangakong “Daang Matuwid” ni Aquino ay hindi nabigyan ng pagkakataon.

Ngayon, marami ang nagsisisi dahil nagpadalos-dalos sila ng desisyon. Mas pinaboran ang isang opisyal na magaling lang sa pananalita subalit kulang sa gawa.

Dapat, batid ni PNOY na malaking sakripisyo ang ginagawa ng mga mamamayan simula nang maupo siya sa Palasyo sapagkat ang consumers ang bumabalikat ng mataas na singil sa kuryente.

Ang katotohanang ito ang patunay na inutil ang rehimeng Aquino sa mga problemang kinakaharap ng bansa at ang tanging malinaw ay ginagawa nilang komersyo ang bawat proyekto na dapat sana ay pinakikinabangan ng mga Filipino.

Ang totoong boss ni Pangulong Aquino ay ang mga mamumuhunan na malaki ang maibibigay na komisyon sa kanyang mga korap na opisyal at tauhan.

Sino ngayon ang nakikinabang sa mga problema ng bayan?

Ang mga negosyanteng malalapit kay Aquino na kinakapital ang pera nila habang pinapayuhan si Aquino na sila ang solusyon sa poblema. PAKUROT/LEA BOTONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 58530

Trending Articles


Pipi’t-binging tomboy, dinalirot ng pinsan


Ang Pananaw sa Kasaysayan ng Pilipinas ng mga Kapatiran at Kilusang...


Jewelry store sa SM Megamall hinoldap


15-anyos, niluray ng amain


JOURNEY NI GEN. RICHARD ALBANO, EMOSYONAL


Ibong Adarna Script


KASERA


PAGBABATA


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar


KANTUTAN


5 rice trader kinasuhan ng smuggling


Liza Soberano, kinaiinisan na agad


Long Mejia may sex scandal


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


ATSWETE


HALINGHING


PANGIMBULUHAN


BEMBANG


10 sugatang sundalo vs ASG, pinangalanan na



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>