Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 58386

PAMBABAE PARA SA GABRIELA

$
0
0

NILINAW ng Gabriela Women’s Party ang kanilang tayo laban sa pambababae ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte, kandidatong pampangulo ng PDP-Laban.

Nagpahayag si GWP national chairperson at Congresswoman Emmi de Jesus na nakipag-ugnayan sila kay Representative Luz Ilagan upang maiwasto ang pahayag nito na balewalain ng mga botante ang pambababae ni Duterte.

Nang magsalita sa Mindanao Women Leaders Forum, sinabi ni Ilagan na naniniwala siya na ang pambababae at paghalik-halik ni Duterte ay media hype o propaganda lamang.

Sinabi niya sa mga tao na lawakan ang pananaw sa salita at aksyon ni Duterte, at sa halip ay mag-focus sa kanyang mga nagawa at kasalukuyang ginagawa para sa kapakanan ng mga tao.

Binigyan-diin ni De Jesus ang posisyon na laban sila sa pambababae at ang tingin nila rito ay pang-iinsulto sa kababaihan at sa kanilang mga karapatan.

Dapat lang linawin ni De Jesus ang kanilang pananaw dahil ang pahayag ni Ilagan ay umani ng pagbatikos mula sa mga netizen. Sumasalamin ito sa tayo ng buong Gabriela sa isang sensitibong paksa.

Ang grupo ng Gabriela na kampi sa kababaihan na kumikilala sa pambababae ni Duterte at hinihimok ang publiko na balewalain ito, ay tiyak na aani ng kritisismo at pagkondena. Ang pahayag ni De Jesus ay kaugnay lang ng pambababae ni Duterte at hindi sa ibang sensitibong isyu.

Noon pa man, tinukoy na natin na malaki ang nagawa ng matapang na alkalde mula Davao sa laban sa kriminalidad.

Pero ang mga bastos na salita na nagmumula sa bibig ni Duterte, ang kanyang pambababae at ang kanyang pagbalewala sa kahalagahan ng buhay ng mga tao kapag mga kriminal ang sangkot ay masasamang halimbawa na hindi dapat gayahin ninoman, lalo na ang kabataan.

Ang ipinag-aalala ko at ng marami nating kababayan ay ang kagustuhan ni Duterte na ipatupad nang lingguhan ang parusang kamatayan.

Bukod dito, balak niyang bigyan ang kapulisan ng kalayaan na patayin ang lahat ng kriminal. Dahil may basbas sila ng Pangulo ay maaaring mauwi ito sa maraming pang-aabuso ng matatakaw sa kapangyarihang mga pulis at kamatayan ng marami, may sala man o inosente sa krimen.

Alalahanin na ang maraming biktima ng summary executions sa Davao noong alkalde si Duterte ay pinaslang kahit hindi pa napatutunayan sa korte na may sala sila sa krimen.

Naniniwala ako na ang trabaho ng kapulisan ay hindi kaugnay ng pagiging malakas para gumamit ng puwersa. Ito’y tungkol sa pagiging malakas para hindi na ito kailangang gamitin pa.

***
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View. FIRING LINE/ROBERT ROQUE, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 58386

Trending Articles


Pipi’t-binging tomboy, dinalirot ng pinsan


10 sugatang sundalo vs ASG, pinangalanan na


Jewelry store sa SM Megamall hinoldap


15-anyos, niluray ng amain


JOURNEY NI GEN. RICHARD ALBANO, EMOSYONAL


Ibong Adarna Script


KATIPAN


MAALIWALAS


KANTUTAN


BEMBANG


WAKAWAK


5 rice trader kinasuhan ng smuggling


Liza Soberano, kinaiinisan na agad


Long Mejia may sex scandal


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


ATSWETE


PAGBABATA


PANGIMBULUHAN


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>