KALABOSO ang isang dating pulis at kasama nito matapos mahulihan ng baril ng mga pulis na nagsasagawa ng anti-criminality checkpoint sa Caloocan City kahapon.
Kinilala ni Caloocan Police Chief S/Supt. Bartolome Bustamante ang mga nadakip na suspek na sina Regine Asuncion, 39, ng 136 Area II Luzon Ave., Quezon City, dating miyembro ng Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF) na nadismis sa serbisyo sa hindi pa malamang dahilan, at kasama nitong si Julius Palaming, 37, ng 95 Calamansi St., Luzon Ave. at nag-aply din sa PNP ngunit hindi.
Ayon kay Bartolome, dakong 3:00 ng hapon, nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Caloocan Police Community Precinct (PCP)-4 sa LD Rd., Bgy. Tala nang dumaan ang sinasakyang tricycle ng mga suspek.
Pinara ng mga pulis ang tricycle para sa verification hanggang sa magpakilalang pulis si Asuncion pero nang hanapan ito ng PNP-ID ay wala itong naipakita kung kaya inaresto ang mga ito.
Nakuha kay Asuncion ang caliber .38 revolver habang cal. 9mm pistol naman ang narekober kay Palaming na kapwa walang mga kaukulang papeles dahilan upang dalhin sa himpilan ng pulisya at sampahan ng kasong paglabag sa R.A. 10591 at Omnibus Election Code sa Caloocan City Prosecutors Office. RENE MANAHAN