TATLONG U.S. Navy ship ang nakatakdang dumating sa bansa upang magsagawa ng routine port calls .
Kabilang sa nasabing mga barko ang submarine USS Ohio, USS Decatur at ang USS Frank Cable na dadaong sa port of Subic, Manila at Cebu.
Magkakaloob naman ng community assistance at outreach activities ang nasabing mga barko kung saan kinabibilangan ng ilang Filipino-American crew.
Sa USS Decatur, ang limang Filipino-American ay sina Roselle M. Taday, tubong San Pedro, Laguna; Rocel S. Castañeda ng Pasig City; Jesper Sison ng Quezon City; Micael Padua tubong San Juan, La Union; at si Jacob S. Lirio, ng Tagudin, Ilocos Sur.