PINAYUHAN na ng Foreign and Commonwealth Office (FCO) ng United Kingdom, ang mga mamamayan nito, laban sa pagbiyahe sa ilang bahagi ng Mindanao.
Sinabi ng FCO na kailangang iwasan muna ang pagbiyahe sa rehiyon dahil nananatiling mataas ang banta ng terorismo laban sa mga sibilyan.
Partikular na tinukoy sa travel advisory ang timog-kanlurang bahagi ng Mindanao at ang Sulu Archipelago.
Subalit kung hindi naman mahalaga ang biyahe, mas mainam na huwag na munang magtungo sa anomang bahagi ng Mindanao. JOHNNY ARASGA