Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 58530

JOB FAIR PINAUSO NI ALI ATIENZA

$
0
0

lily's-files-lily-reyesHINDI alam ng marami na ang nagpauso pala ng Job Fair ay itong si Ali Atienza at ginaya na lang ng iba. Sa murang edad, kinagisnan na nitong si Ali ang pagiging public servant, mula sa kanyang lolo na si Don Pepe hanggang sa kanyang amang si ex-Manila Mayor Lito Atienza. Kaya alam na nito kung papaano tumulong.

Naging katuwang si Ali ng kanyang ama sa mga programa ng Development, rehabilitation at pagpapaganda ng Maynila, at higit sa lahat, ang pagiging eksperto sa larangan ng sports na roon humakot ang Maynila ng international at local awards.

Bilang Chairman ng Manila Sports Council,  maraming nagawa si Ali na sadya namang nakatulong sa mga kabataang mahilig sa sports, na bukod kay Rome Wilson Mariano, karamihan sa mga kabataang naturuan ni Ali ay kabilang nasa National Team ng Bansa.

Hindi rin alam ng mga taga-Maynila na si Ali ang naging dahilan para gumanda at lumiwanag ang lungsod ng Maynila, lalo na ang mga parke  nang ang kanyang ama pa ang alkalde ng lungsod.

Hindi nakapagtataka kung bakit hinikayat si Ali ng maraming grupo ng kababaihan, kabataan, youth organization at grupo ng mga Chairman ng Lungsod ng Maynila na tumakbong konsehal dahil nakita nila na may malaking maitutulong ito sa City Council upang mapaunlad ang Maynila  at mabiyayaan ang mamamayan ng kinakailangan nilang benepisyo.

oOo

PINATAKAS nga ba o sadyang nakatakas sa selda ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District ang isang no bail suspect na kaanib umano ng Iglesia ni Cristo?

Noong   Pebrero 15 , isang Pablo Gomez, na may kasong qualified theft  ang nakatakas umano sa kulungan ng CIDU ng QCPD diyan sa Kampo Karingal. News blackout ang biglang pagkawala nitong si Gomez na may kasong qualified theft.

Ayon sa impormasyon ng Lily’s Files, sinamahan umano ng isang pulis itong si Gomez para makalabas ng Kampo Karingal  sa hindi malamang kadahilanan noong nakalipas na Pebrero 15 at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito bumabalik.

Nang malaman umano ni CIDU chief, Chief Insp. Rodel Marcelo ay agad itong nag-imbestiga at kinasuhan ang duty desk officer ng CIDU. Hindi puwedeng hindi pumutok ang pagtakas ni Gomez dahil ang complainant nito ay ang mismong kapatid niya at sa oras na kailangang iharap ang akusado sa korte ay hahanapin ito.

Alam kaya ni QCPD Director, Sr. Supt. Richard Albano, ang pagkawala ni Gomez, na kasalukuyan pa umanong dinodoktrina para maging INC?


Viewing all articles
Browse latest Browse all 58530


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>