SABADO ng gabi, Febuary 23, paikut-ikot lamang sa kahabaan ng Tomas Morato itong si Xian Lim na napababalitang manliligaw ni Kim Chiu.
Kaya naman ang mga mega produ ng naturang show ng young actor sa Zirkoh sa Tomas Morato na sina Vina Vivar, Kris Nicacio, Karen Martinez at ng kapitbahay namin sa Remate na si Roldan Castro ay sobrang nag-aalala kung ano ang nangyayari sa aktor.
Ayon kasi kay Roldan, 11:30 dapat ang call time ni Xian para umawit sa naturang show after Aimee Torres na siyang original singer ng Pusong Bato.
Pero dahil sa paikut-ikot lamang itong si Xian sakay ng kanyang kotse ay sobrang nainip na ang mga otaw sa naturang venue kaya napilitan ang mga mega produ ng naturang concert na unahin na lang isalang ang comic duo na sina wally at Jose Manalo.
Naging palaisipan sa mga produ ang nangyaring hindi pagsipot nang maaga sa concert venue nitong si Xian samantalang natatanaw namang paikut-ikot lamang ito sa kahabaan ng Tomas Morato na may parang hinahanap?
Aber, Xian, magpaliwanag ka nga. Nang makapag-decide na kasi itong bumaba ng kotse ay sobrang nainip naman siya sa paghihihintay na matapos mag-perform sina Wally at Jose.
Siyempre bigay na bigay sa performance ang dalawang comic duo kaya napahaba ang kanilang pag-awit at pagpapatawa lalo na’t nakikita nilang sobrang nag-e-enjoy naman ang audience.
Jampacked at sobrang fullpacked talaga ang concert venue na pinagdausan nito kaya happy sina Wally Bayola at Jose Manalo, kasama pa sina Lemuel Santos, Mark Anthony ng TV5, ang kaibigan naming si Arthur Pangilinan, at ang anak-anakan naming na si Aime Torres ang babaeng may pusong bato at ni Xian Lim nga.
Guest rin sa naturang show ang bagong alaga ng celebrity lawyer na si Attorney Ferdinand Topacio sa si Xavier Cruz.
Speaking of Xavier, sobrang nakaaaliw talaga ang mga fans nito habang umaawit ang kanilang idolo. May dala pa silang mga malalaking picture na kanilang winawagayway habang nagpe-perform ito.
No wonder, sobrang ganado si Xavier habang umaawit dahil sa kanila.
Kay Xavier pa rin, bukod sa gwapo ay mahusay rin itong mag-perform. ‘Yun nga lang, may kalawang yata sa paligid nito.
***
ABANGAN ang pagbabalik ng dating sexy star sa Philippine movies na si Raja Montero.
Ayon sa kanyang publicist na si Troy Catan, grabe daw ang paghahandang ginagawa nitong si Raja at sa katunayan, sa bagong pictorial niya ngayon kamangha-mangha ang kanyang mga kuha na nakapulupot ang isang ahas.
Kahit hindi na uso ang pagpapa-sexy sa pelikula, pwede naman daw sa drama or sa comedy itong si Raja na dating alaga ng El Nino films ni Nino Pascual.
So far, may gagawin yatang pelikula si Raja na isang bilyonaryo ang balita naming magpu-produce nito.
Sana matuloy, di ba naman, Troy Catan?
Anyway, sa mga pictorial ng comebacking boldstar, may pagkakahawig sila ni Angelica Panganiban. Hindi kaya isang araw mapagkamalan si Raja ni John Llyod Cruz na si Angelica P? Hahahaha!
Bukod sa pagbabalik showbiz ni Raja, may plano rin daw ang kanyang sponsor, ayon pa rin kay Troy Catan, na makapag-produce ng mga big-big concerts.
‘Yun na!