Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 58530

ABOGADO DE KALANTOGES

$
0
0

square-nelson-floresDAPAT na magbitiw sa puwesto sa gobyerno o ‘di kaya ay madisbar ang mga abogago na kinonsulta ng mga umakda ng Cybercrime Prevention Act of 2012 0 Republic Act 10175 at ‘yung mga tinanong ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III bago niya pinirmahan ang batas na ito dahil sa kapabayaan sa tungkulin.

Ito ang aking naging konklusyon matapos umamin si Solicitor General Francis Jardeleza (ito ang abogado ng pamahalaan) sa Supreme Court (SC) hearing kamakailan na may mga bahagi ang batas na laban sa Saligang Batas o unconstitutional. Partikular na tinukoy nito ‘yung tinatawag ng “take down clause” ng batas na nagbibigay kapangyarihan sa Department of Justice na basta na lamang isara ang mga website na tinataya nitong may pagkakasala.

Lumabas din sa hearing na ito na hindi akma sa Saligang Batas ‘yung probisyon tungkol sa libelo. Ang probisyong ito ay isiningit kahit malinaw na hindi napag-aralan.

Bukod dito ay nakita rin na mali ang ginawang pagpapalawak at pagpapabigat ng kaparusahan sa libelo sa cyberspace.

Hindi ako naniniwala na hindi alam ng mga abogado na unconstitutional ‘yung batas na niluto ng Kongreso at pinirmahan ni Pangulong B.S. Aquino. Pinabayaan nila na lumusot ito dahil tila sila ay apektado na rin ng kultura ng kawalang pananagutan o culture of impunity. Mabuti na lamang at pinalawig pa ng SC ang pagbabawal sa pagpapatupad sa batas na ito. (Pero ‘di pa tapos ang laban.)

Kapabayaan, kayabangan o katangahan na walang kumibo sa kanila at kinailangan pang madala sa SC ang usaping ito bago nila aminin ang kanilang kapalpakan.

Nakahihiya ang mga abogagong ito. Saan kayang Kolehiyo ng Batas nagsipagtapos ng abogasya ang mga kumag na ito? Bukod dito ay nakatatakot na sila’y may hibong pasista. Malinaw na wala sa kanilang halaga ang demokratikong adhikain ng ating Saligang Batas.

Anoman ang dahilan, maging ito ay kawalang nalalaman o kapabayaan, ay hindi na dapat manatili sa poder ang mga abogago de kalantoges na ito. Sana itulak kayo ng inyong kahihiyan sa pagbibitiw at self disbarment.

* * *

Ang mga miyembro ng Senado, na sumuporta sa pagpasa ng Cybercrime Prevention Act of 2012 na reeleksyonista ay wala ring karapatan na maboto muli. Malinaw kasi na tulad ng mga abogago de kalantoges ay hindi nila ginawa ang kanilang tungkulin bilang mabuting mambabatas.

Maliban kay Senador Teofisto Guingona III na tahasang nagsabi na unconstitutional ang batas na ito ay walang sumalungat na senador sa pagpapasa ng makalantoges na batas na ito.

Ang mga maalab na umakda sa batas na ito ay sina Senador Jose “Jinggoy” Estrada, Gregorio Honasan II, Panfilo Lacson, Manuel Lapid, Loren Legarda, Aquilino Pimentel III, Ramon Revilla Jr., Vicente Sotto III, Ralph Recto, Manny Villar, Edgardo Angara, Pia Cayetano, Ferdinand Marcos Jr., at Francis Escudero.

Gayunman matapos umani ng katakot-takot na puna mula sa taong bayan ay nangako (o naghugas kamay?) sina Senador Angara, Cayetano, Marcos at Escudero  na kikilos para maamyendahan ang batas at maituwid ito.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort, Indigo Bay Subdivision, barangay Bagong Kalsada, Lungsod ng Calamba. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling. Tawagan ninyo si Gene Lorenzo sa 09063555560 para sa karagdagang impormasyon.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 58530

Trending Articles


Pipi’t-binging tomboy, dinalirot ng pinsan


WAKAWAK


Jewelry store sa SM Megamall hinoldap


15-anyos, niluray ng amain


JOURNEY NI GEN. RICHARD ALBANO, EMOSYONAL


Ibong Adarna Script


KASERA


PAGBABATA


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar


KANTUTAN


5 rice trader kinasuhan ng smuggling


Liza Soberano, kinaiinisan na agad


Long Mejia may sex scandal


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


ATSWETE


HALINGHING


PANGIMBULUHAN


BEMBANG


10 sugatang sundalo vs ASG, pinangalanan na



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>