HUMAHABOL sa listahan ng mga artistang magpapakasal ngayong 2014 ang supporting actor na si Joross Gamboa sa non-showbiz girlfriend niya na si Kathy Kimberly ‘Ktaz’ Saga.
February last year nag-propose si Joross sa kanyang girlfriend. And last month, nagsimula na sila para sa preparations for their wedding.
Sa Fernbrook Alabang ang napili nilang venue para sa kanilang garden wedding. At ang motif ng wedding ay may pagka-classic daw para elegante.
“Plano namin November ang wedding. Hopefully, after my birthday. Kasi ang birthday ko weekdays, e.”
Tinanong namin si Joross kung bakit nagdesisyon siya na lumagay na sa tahimik.
“Ay, kailangan naman na, dahil ginawa naman tayo ng Diyos, at ginawa ang kasal para magkaroon ng mga godly children,” ngiti ni Joross.
Gusto ni Joross kambal agad ang kanilang firstborn. At kung ilan ang keri daw isilang ng magiging misis niya na babies nila, okey rin sa kanya.
More or less aabot sa milyong halaga ang gagastusin ni Joross sa kasal nila ni Katz.
“Hindi ko pa alam kung magkano. ‘Tsaka ayoko na lang magsalita, hehe. Pero hopefully, sana tama lang. Basta deserving ‘yung worth sa kasal namin.”
Feeling namin sobrang yaman na ni Joross kaya gusto na niyang mag-settledown.
“Ay, hindi naman po. Tamang ano lang, nagkuripot ako. Tama lang nagkuripot ako nu’ng mga huling taon para ilabas ngayon. Pinangtanim ko, haha!”
Pero bago ang kasal, sabay na magmamartsa muna si Joross and his fiancé sa graduation ceremony sa kanilang respective schools.
Magtatapos ng kursong Masscom si Joross sa Southville International School next month.
“Yes, parang hinintay ko siya, hahaha! Hindi kasi, thesis na lang ako, matagal.”
Naka-tatlong lipat ng course si Joross bago naka-graduate. Una, nursing, sumunod computer and then, masscom.
Pasok si Joross sa kasabihang ‘better late than never,’ huh!
-ooOoo-
AKSIDENTENG nakatsikahan namin ang mga bagong hahangang Pinoy boxers ngayon na sina Genesis “Azukal” Servania at Arthur “El Matador” Villanueva sa ABS-CBN. Ang babata pa nila pero matitikas ang kanilang hitsura, huh!
Pawang wala pa silang mga talo sa kanilang mga laban sa ring. Si Arthur nga, e, sa 24 games niya, 14 doon ang knockout.
Makakalaban ni Genesis ang Mexican boxer na si Alexander “El Explosivo” Munoz at ang Mexican boxer din na si Juan Hernandez naman ang kay Arthur.
Sabi ng PR Manager ng bagong ABS-CBN Sports+Action na si Ms. Kathy Solis, magaganap ang pakikipaglaban ng dalawang boksingero sa Pinoy Pride 24: The Future Is Now match sa Solaire Resort on March 1, 6 pm.
Ipapalabas ang sagupaan sa ABS-CBN 2 on March 2, 10:15 am, ABS-CBN Sports+Action on March 2, 7 pm, at sa Balls Chanel on March 3, 5pm.
The post Better late than never! appeared first on Remate.