MULING nagpaalala ang Malacañang na “regular working day” ang Pebrero 25, araw ng Martes o petsa ng paggunita sa ika-28th anibersaryo ng EDSA-1 Revolution.
Ayon kay Presidential Communications Sec. Herminio Coloma Jr., saklaw lamang ng Proclamation 655 ay ang suspension of classes sa lahat ng paaralan sa buong bansa pero may pasok sa trabaho.
“According to Proclamation 655 (Series of 2013), ang ika-25 ng Pebrero, EDSA People Power Revolution Day, ay school holiday. Ibig sabihin walang pasok sa lahat ng paaralan, lahat ng antas at ito ay isang regular working day (Proclamation 655 (Series of 2013) declares Feb. 25 a school holiday. There will be no classes at all levels on that day. But it is also a regular working day),” paliwanag ng kalihim.
Una nang inanunsyo ng Palasyo na pangungunahan mismo ng Pangulong Benigno Aquino III ang mga aktibidad sa pag-alala sa People Power revolution na nagpatalsik noon kay dating Pangulong Ferdinand Marcos at naglagay sa katungkulan sa ina nito na si dating Pangulong Corazon Aquino.
Para ngayong taon, gugunitain ang EDSA I sa ilalim ng temang “EDSA 28: Kapit-bisig Tungo sa Pagbango.
Sa kauna-unahang pagkakataon din, gaganapin ang komemorasyon at tradisyonal na “Salubungan” sa lungsod ng Cebu.
The post 28th EDSA anniversary, regular working day appeared first on Remate.