Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 58485

Mahiyain at hindi carry ang mga intriga!

$
0
0

LIBERATED ang tingin kay Jackie Rice pero never pa niyang ginawa ‘yung mag-invite sa bahay niya ng ibang lalaki at magdala ng foods.

“Kasi ako naman, infairness naman sa bahay ko, never pa akong naka-invite ng, maliban sa boyfriend ko, ha? Hindi kasi ako touchy sa lalaki, e. Never pa pong may nakapunta na ano, maliban sa boyfriend ko, yung boyfriend ko po nagpupunta sa bahay pero maliban dun, yung mga barkada, parang ang pangit kasing tingnan na mag-i-invite ako ng lalaki, kahit barkada hindi, e.

“Kasi may boyfriend akong tao. Kung wala man akong boyfriend, magkita na lang kami sa labas, manood na lang kami ng sine o mag-coffee na lang kami, yung ganun. Hindi sa bahay kasi sa bahay ko, parang dun yung privacy ko rin, yung parang kahit kaibigan kita, hanggang sa baba ka lang hindi ka makakaakyat sa ano ko, ganun, oo.Totoo yan, walang ano. Para alam niyang hanggang dun lang tayo, magkaibigan tayo, pero hindi mo puwedeng pasukin yung loob ng bahay ko, parang ganun,” bulalas niya.

May rebelasyon pa nga siya na hindi siya sanay na maging center of attraction.

“Hindi ako yung taong ganun. Kaya ‘di ba dati parang laman ako dati lagi everyday ng tabloids, parang na-trauma rin ako. Ayoko na dati mag-artista. Hindi ko kinakaya pag ganun.

“Nag-a-absent pa ako dati sa school pag ako yung magli-lead ng prayer, kasi nahihiya ako, mahiyain ako, e,” sambit pa niya.

Ganoon ba?

-0o0-

BAGAMAT naging kapartner na ni Max Collins sina Dingdong Dantes at Luis Alandy, gusto rin niyang makatrabaho si Alden Richards. Peg ba siya ni Marian Rivera na gustong makasama rin ang mga nakaka-partner ng Primetime Queen? After Dingdong, si Alden naman?

“Kasi magaling siyang umarte. Never ko pa siyang nakatrabaho, sa SAS (Sunday All Stars) lang, sa soap hindi pa. Kasi si Alden ano yung mata niya e, very expressive. At pag ganyan, mas madaling mahugot din from him ang emotion. So one day sana makatrabaho ko siya, sana one day.

“Sana magka-work kami kasi ang galing ng style niya, kung paano niya nae-express lahat ng emotions, gusto ko ring matutunan yun,” sey ng aktres.

Tsuk!

-0o0-

BILIB kami sa adhikain ni Buhay Party-list Representative Lito Atienza na makatulong sa industriya at magkaroon ng trabaho ang mga artista pag nadagdagan ng mga serye at sarili nating prodyus.

Meron siyang dalawang bill na ipinasa niya sa kongreso. Isa rito ay ang Bill 3839 na ipagbawal ang pagpapalabas ng mga foreign TV series sa primetime gaya ng mga koreanovela at mga seryeng tagalized na galing sa Japan, Taiwan, atbp.

Pag nabawasan ang pagbili ng mga serye na gawa sa abroad, mas dagdag trabaho ito sa mga artists natin dahil madaragdagan ang local shows na ipo-produce.

Ang isa pang ipinasa ni Cong. Atienza ay ang Bill 3840 na magbibigay ng 5-year tax holiday sa movie industry. Malaking tulong ito sa mga producers at mae-engganyong gumawa ulit ng pelikula.

Ang mga naturang bill ay suportado ng mga taga-showbiz na nasa Kongreso. Kahit si Cong. Lani Mercado ay gustong maging co-author sa bill na ito. Sana nga ay maaprubahan ito para sa industriya.

Hinihikayat din ni Cong. Atienza na sumuporta ang mga taga- industriya at dumalo sa public hearing nito .

Oo nga naman!

The post Mahiyain at hindi carry ang mga intriga! appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 58485

Trending Articles


Pipi’t-binging tomboy, dinalirot ng pinsan


WAKAWAK


Jewelry store sa SM Megamall hinoldap


15-anyos, niluray ng amain


JOURNEY NI GEN. RICHARD ALBANO, EMOSYONAL


Ibong Adarna Script


KASERA


PAGBABATA


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar


KANTUTAN


5 rice trader kinasuhan ng smuggling


Liza Soberano, kinaiinisan na agad


Long Mejia may sex scandal


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


ATSWETE


HALINGHING


PANGIMBULUHAN


BEMBANG


10 sugatang sundalo vs ASG, pinangalanan na



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>