Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 58476

Gerald Santos may bagong kanta at bagong music video

$
0
0

MAY ginagawang bagong album ang Prince of Ballad na si Gerald Santos at kaugnay nito ay inilabas na ang pinakabago niyang single na may titulong ‘Because I love You’, isang napakagandang love song na tamang-tama ngayong buwan ng Pebrero.

Ang song na ‘to ay composition ni Agat Obar at sa areglo ni Melvin Morallos. (Si Agat Obar ang composer sa likod ng mga awitin nina Julie Ann San Jose, Rachelle Ann Go at iba pang sikat na singers.) English ang song na ‘to pero hindi nawawala ang tatak Gerald na maramdamin at may kurot sa puso; mga elementong nagbigay sa kanya ng titulong ‘Prince of Ballad’.

Kaugnay ng paglabas ng awiting ito ay ang pag-ere rin ng kanyang music video. Dito ay matutunghayan hindi lamang ang husay ni Gerald sa pagkanta kundi maging sa pag-arte. Ang magandang music video ng ‘Because I love You’ ay sa ilalim ng baguhan pero magaling na direktor na si Christian Samson na nakasama rin ni Gerald sa mga youth-oriented shows noon sa Tv5.

Para ka talagang nanonood ng isang glamorosong pelikula kapag pinanood mo ang music video na ‘to. Kasalukuyang ipinapalabas ang music video sa MYX channel.

Leading lady rito ni Gerald ang star magic talent na si Sofia Andres na litaw na litaw ang ganda at alindog sa music video. “Malakas ang chemistry nina Gerald at Sofia!”, sang-ayon sa mga nakapanood na ng video.

Dahil dito, tinutukso si Gerald ng mga nasa paligid niya na baka tuluyang mahulog ang loob niya sa magandang dalaga.

Ang ‘Beause of You’ ang carrier single ng pang-apat na studio album ni Gerlad at naglalaman ito ng mga original composition mula sa mga hitmakers nating composers. Handog ito ni Gerald sa kanyang mga tagahanga na sa kanya’y patuloy na sumusuporta.

Sa mga susunod na araw ay maririnig n’yo na sa radyo ang pinakabagong single release ni Gerlad na Because I Love You.

The post Gerald Santos may bagong kanta at bagong music video appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 58476

Trending Articles


Pipi’t-binging tomboy, dinalirot ng pinsan


WAKAWAK


Jewelry store sa SM Megamall hinoldap


15-anyos, niluray ng amain


JOURNEY NI GEN. RICHARD ALBANO, EMOSYONAL


Ibong Adarna Script


KASERA


PAGBABATA


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar


KANTUTAN


5 rice trader kinasuhan ng smuggling


Liza Soberano, kinaiinisan na agad


Long Mejia may sex scandal


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


ATSWETE


HALINGHING


PANGIMBULUHAN


BEMBANG


10 sugatang sundalo vs ASG, pinangalanan na



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>