HINDI nagtapos ang masayang araw ng mga tauhan ng Manila Police District noong ibigay sa kanila ni Manila Mayor Joseph Estrada ang kanilang monthly incentive na mahigit isang taong nawala sa panahon ni Mayor Alfredo Lim.
Noong Biyernes, sa pagdiriwang ng ika-113 anibersaryo ng MPD, inihayag ni Mayor Estrada na simula ngayong Enero, P2,500 na ang monthly incentive ng mga pulis-Maynila na dahilan upang magpalakpakan at magsingiti ang mga pulis na sumaksi sa pagdiriwang.
Dito makikita na mahal ni Erap ang mga pulis na nagmamantine ng kaayusan at kapayapaan sa kanyang nasasakupan.
Maganda ang tema ng anibersaryo na “Pulis Maynila at Manileño, Magkatulong sa Makatotohanang Serbisyo” sapagkat ipinakikita rito ang kahalagahan ng pagtutulungan ng gobyerno at komunidad tungo sa katahimikan at kaayusan ng pamayanan.
Binigyang parangal ang mga sibilyan na hindi nagkait ng tulong sa MPD sa oras ng pangangailangan. Gayundin ang mga pulis na nagsisilbi para sa bayan. Kaya naman bilang ganti ay binigyan din sila ni Estrada ng pabuya.
Sa pagdiriwang, nasaksihan ang magandang samahan nina Erap at MPD director Chief Supt. Isagani Genabe.
Gayundin, makikita sa pisngi ni Vice Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang kasiyahan matapos ianunsiyo ng alkalde na si Isko ang susunod na alkalde ng lungsod.
Ibig sabihin, totoo ang dating Pangulo sa kanyang binitiwang salita noong nagtambal sila ng bise-alkalde na isang termino lang niya pagsisilbihan ang mga Manileño. Kaya congrats, soon to be Mayor Isko Moreno. Walang atrasan na ‘yan!
Congratulations to MPD’s awardees especially to Supt. Roderick Mariano, of MPD-Abad Santos Police Station – MPD’s Best Police Station Commander of 2013; Sr. Insp. Melchor Villar, of Baseco Police Community Precinct – Best PCP Commander of 2013; at Sr. Insp Rozalino Ibay, MPD-Anti-Carnapping – JR PCO of 2013.
Iginawad sa Sampaloc Police Station ang “Best Police Station of 2013.” Lamang, hindi ang nagtanim, nagbayo at nagsaing na si Supt. Santiago Pascual III ang kumuha ng karangalan at biyaya dahil sinibak siya sa puwesto noong unang linggo ng Enero dahil sa hold-up incident sa LBC na walang sariling guwardiya.
Ang masakit, naka-leave si Pascual nang mangyari ang nakawan.
Suwerte naman ni Supt. Christian dela Cruz, bagong hepe ng Sampaloc Police Station dahil siya ang tumanggap ng parangal bukod pa sa P100,000 na pabuya ni Mayor Estrada.
Pero teka, nasibak si Pascual dahil sa LBC robbery. ‘Di ba dalawang araw pa lang nakaupo si Dela Cruz sa puwesto nang nagkaroon din ng hold-up sa PLBC Pureza branch? Sakop ni Dela Cruz ito pero tiwala ang opisyal na hindi siya masisibak dahil malaki raw ang pondo niya sa opisyal ng Manila City Hall na nagbigay ng basbas sa kanya kahit dating bata siya ni dating Mayor Lim.
The post PULIS MASAYA KAY ERAP, ISKO READY NA appeared first on Remate.