Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 58323

OPERATION BACK-TO-BACK

$
0
0

“Pabalik-balik lang ang mga pasaway sa lansangan.” 

Ito ang malimit na reklamo ng mga tao sa pamahalaan. 

Pagkatapos ng isang clearing operation ng mga enforcer ay balik ulit ang mga violator sa lansangan na tila walang nangyari. 

Dito sa bahaging ito may pagkukulang ang mga barangay official. 

Hindi nila halos kinakaya na i-maintain ang naipanalo at nabawing mga lansangan. 

Bihira ang may kakayahan na ma-sustain ang achievement na ‘yun. 

Kaya may bagong operasyon ang QC Task Force for Transport and Traffic Management – ito ang programang tinawag na “Back-to-Back.” 

Sinubukan ng Task Force ang operasyon na ito sa Timog Ave. at sa Maginhawa St. sa QC. 

Sinuyod nang ilang beses at binalik-balikan ng mga kasapi ng Task Force on the same day ang mga kalsada.

At dahil dito, nakaabot sa mahigit 500 apprehensions ang tropa ng QC MMDA-PNP sa isang araw pa lamang ng operasyon ng ‘Back-to-Back’. 

Nagkakaroon din ng on-the-spot lecture sa mga gwardya ng mga establishments at sa mga manager – na huwag hayaan ang kanilang mga customer na mag-park sa kalye o pedestrian sidewalks. 

Kasabay ng back-to-back operation ang night time operation pa rin ng Task Force. 

Kaya ang pakiusap ay sana sundin ng lahat ang batas kahit walang nanghuhuli. 

Gawing way-of-life ang pagsunod sa mga batas para sa ikakaginhawa nating lahat.

The post OPERATION BACK-TO-BACK appeared first on REMATE ONLINE.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 58323

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>