NASAGIP na ng rescue team ang dalawa sa apat na mangingisdang halos isang linggo nang nawawala sa karagatang sakop ng Dasol, sa Pangasinan.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), ang dalawang mangingisdang sina Rodulfo Caoile at Desiderio Bundal ay lulan ng kanilang mobile banca nang matagpuan.
Habang narekober naman ang ginamit na bangka ng dalawa pang pinaghahanap na sina Joey Bundal at Danilo Bayale.
Umaasa ang mga awtoridad gayundin ang pamilya at kaanak nina Bundal at Bayale na matatagpuan ding buhay ang mga ito na naglayag noon pang Nobyembre 26.
The post 2 sa 4 missing na mangingisda nasagip sa Pangasinan appeared first on Remate.