Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 58323

Sa sobrang galit sa amo: Nilason hindi tumalab, katulong ikinulong

$
0
0

Muntinlupa – Nakakulong ngayon sa Muntinlupa City Police Detention Facility ang isang housemaid dahil sa tangkang pagpatay sa kanyang among babae.

Sa tala ng Muntinlupa City Police, mismong ang target na biktima na kinilalang si Remedios Dalit Gimena, 76 anyos na residente ng Soldiers Hills Village, Brgy. Putatan, Muntinlupa City, ang nakadiskubre na gusto siyang lasunin ng housemaid dakong 8:30 ng umaga noong Sabado.

Sa salaysay pa ni Gimena, iinumim niya sana ang herbal na gamot nang mapansin niya ang kakaibang lasa.

Sinilip ng biktima ang loob ng bote at dito niya nadiskubre ang tatlong piraso ng Camphor Balls (Alcampor). 

Tinawag niya umano ang kanyang asawa at sinabi kung ano ang kanyang nakita sa bote ng gamot.

Nang kanilang komprontahin ang kanilang katulong na kinilalang si Garnet Balacoy Gallardo, 35 anyos, ng Carnacion St., Navotas City, umamin umano ito sa kasalanang nagawa.

Aniya, dahil sa sobrang galit sa amo kaya niya nilagyan ng alcampor ang bote ng gamot.

Dahil dito ay mabilis na nag-report ang asawa ng biktima sa mga opisyal ng Barangay Putatan para humingi ng ayuda upang madala ang suspek na si Gallardo sa tanggapan ng Muntinlupa City Police Station para sa kaukulang disposisyon. Dave Baluyot

The post Sa sobrang galit sa amo: Nilason hindi tumalab, katulong ikinulong appeared first on REMATE ONLINE.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 58323

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan