Beijing – Matapos na maipit sa sinasabing US-China trade war, naglabas ang Chinese telecom giant na Huawei ng bagong smart television, ang kauna-unahang produkto na gagamit ng sariling operating system ng kompanya.
Magagamit na sa Huwebes sa China ang bago at sariling OS ng Huawei na HarmonyOS, ayon kay chief executive George Zhao.
Ang HarmonyOS ang papalit na operating system para sa mga Huawei phones at smart devices kasunod ng sanction ng US na pagbawalan ang kumpanya na gumamit ng Android technology.
Ang Huwaie ay ang nangunguna sa buong mundo sa pagdebelop ng fifth-generation o 5G equipment at ang pangalawa na smartphone producer.
Blacklisted ang kompanya sa US matapos na akusahan ni US President Donald Trump na kumukuha ito ng mga intell para sa Chinese government, na marrii namang itinanggi ng kompanya. Remate News Team
The post Smart TV na gagamit ng Huawei operating system, inilunsad appeared first on REMATE ONLINE.