Kalunos-lunos ang kalagayan ng marami nating kababayan na apektado ng dengue outbreak sa iba’t ibang rehiyon ng kapuluan.
Patuloy pa nga ang dagsa ng mga kaso ng tigdas at heto pa ang pagkalat ng dengue.
Umabot na sa 622 ang namatay sa dengue sa buong bansa as of last August 3.
Sa Western Visayas, humigit na sa epidemic threshold ang dami ng dengue cases sa period ng January 1 to June 15.
Sa Iloilo Province ang may pinakamaraming kaso ng dengue, 9,636.
Nakadidismaya at ginagamit pa itong dengue outbreak bilang depensa ng mga taong nahaharap sa mga kaso kaugnay ng pagkamatay ng 138 na bata at tatlong nakatatanda na tinurukan ng Dengvaxia.
Umabot sa 3,281 ang naospital dahil komplikasyon na dulot ng naturang kwestiyunableng anti-dengue vaccine. May suma total na 729,105 ang nabakunahan.
At iginigiit pa ngayon ni dating Health Secretary at ngayo’y House Rep. Janette Garin na bawiin ng gobyerno ang pagbabawal sa paggamit ng Dengvaxia.
Palibhasa, sandamukal na demanda ang kinakaharap niya kaugnay ng pagkamatay ng mga tinurukan nito.
Gusto lang makalusot sa kalaboso!
Kasama ni Garin na sinisisi sa trahedya si dating Pangulong Noynoy Aquino at dating Budget Secretary Butch Abad na nag-apruba sa P3.5 bilyon na pambili ng untested Dengvaxia.
Isang buwan bago mag-eleksyon noong April 2016, inilunsad ng mga damuho ang mass vaccinations sa public schools.
May mga bayaran ngayon na nagpapagamit sa media blitz na pabor sa Dengvaxia kabilang na ang ilang doktor na nagtutulak ng lifting ng ban versus Dengvaxia.
‘Di man lang nila isaalang-alang ang kaligtasan ng mga tao na ‘di pa nagkakaroon ng dengue at maaaring makaranas ng komplikasyon dahil sa pagpapainiksyon ng Dengvaxia.
Walang konsyensya ang mga demonyong bayaran na ‘yan!
Dapat isaisip ng publiko na maiiwasan ang pagkakasakit ng dengue kung maglilinis sa kapaligiran at alisin ang mga naiipong tubig na pinanganganakan ng lamok.
Maaari rin pong humingi ng tulong sa lokal na pamahalaan para sa pagbomba ng usok sa kapaligiran laban sa lamok.
The post MGA BAYARANG SA ‘MEDIA BLITZ’ NG DENGVAXIA appeared first on REMATE ONLINE.