HINDI pa rin tumitigil at patuloy pa rin sa pag-operate ang malaking sindikato ng ‘paihi’ sa Star Toll Way sa nasasakupan ng Region-4A sa kabila ng mahigpit ang ginagawang kampanya ng mga police enforcer sa nasabing rehiyon laban dito.
Napag-alaman ng ating source, ang “paihi” ay mula sa natitirarang gasolina sa mga oil delivery truck o tanker makaraang magdeliber ang mga driver at pahinante ng mga truck ng mga kom-panya ng langis sa bawat suking gasoline station gaya ng Petron, Shell at iba pa.
Ang sabi pa ng source, binubuo ang sindikato ng paihi ng mga nagsasabwatang driver, pahinante at may-ari ng paihi.
Ang modus operandi ng mga nasabing kawatan, eh, sa halip na 10,000 liters lang ang dapat na ikarga sa oil delivery tanker, pinasosobrahan nila sa kanilang mga kasabwat sa loob ng kompanya ng langis.
Ibinulgar din ng source, isang alyas Felix at alyas Dodong ang mga nasa likod ng operasyon ng pagpapa-ihi ng mga produktong petrolyum sa kahabaan ng Star Toll Way, lalo na sa may Laybay Parking nito nasa South Luzon Expressway (SLEX).
Dagdag pa ng source, simula sa Sto. Tomas hanggang Batangas City sa lalawigan ng Batangas ang lawak ng operation ng ‘paihi’ ng mga kumag na ito.
Nagpag-alaman pa na ang dalawang paihi operator na ito ay kumikita sa pamamagitan ng kanilang mga sariling oil tanker truck na dahilan din ng malayang operasyon ng kanilang sindikato sa tulong ng ilang tiwali na opisyal ng South Super Highway.
Ang Laybay Parking ang ginagawang target place ng sindikato sa pagdidiskarga o pagpapaihi ng mga naipon nilang tingi-tinging gasolina mula sa mga kontak nilang oil delivery tanker .
Ayon pa sa impo ng source, ang style sa pagpapaihi ng sindikato ay sa pamamagitan ng kunyaring pagkasira sa Laybay Area ng Star Tollway at South Luzon Expressway ng oil delivery tanker at doon na inililipat ang mga produktong petrolyo sa isa pang tanker na pag-aari naman ng sindikato.
oOo
Anomang puna o reklamo ay i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com.
The post STAR TOLLWAY, SENTRO PA RIN NG OPERASYON NG PAIHI appeared first on REMATE ONLINE.