Manila, Philippines – Mistulang nabuhay dahil sa maling akala ang isang holdaper na nagpanggap sa mga pulis na biktima ng pamamaril.
Nagpapagaling ngayon ang suspek na si alyas “Juancho” sa isang hospital sa tinamong tama ng baril mula sa rumespondeng mga pulis sa inireport na holdapan sa Barangay 484.
Base sa imbestigasyon ng Sta. Ana, Manila police na hinoldap ng suspek ang isang 16-anyos na estudyante.
Natangay mula sa biktima ang cellphone nito matapos na tutukan ng pekeng baril saka mabilis na tumakas sakay ng motorsiklo.
Sa ikinasang follow up operation, nabaril ng mga pulis ang suspek pero nakatakas pa rin ito.
Pagdating ni Juancho sa Makati ay nakita ito ng mga pulis doon na may tama ng baril.
Nagpanggap ang suspek na biktima ng pamamaril kaya agad siyang tinulungan na madala sa ospital.
Nabuking ang suspek matapos na mairadyo na sa mga Makati Police ang tinutugis na holdaper na may tama sa braso.
Dito na nila napagtanto na si Juancho ay ang suspek na pinaghahanap ng kanilang mga kabaro.
Mahigpit na binabantayan ngayon ang hospital na pinagdalan sa suspek.
Hihintayin muna itong gumaling bago ikulong at pananagutin sa kasong robbery hold-up.
Naibalik naman ang cellphone ng dalagita. Remate News Team
The post Sugatang holdaper, isinugod sa hospital ng pulis matapos magpanggap na ‘biktima’ appeared first on REMATE ONLINE.