Nueva Vizcaya – Usap-usapan ngayon si Nueva Vizcaya Vice Governor Jose Tomas Sr matapos ang pagsusuot nito ng isang katutubong kasuotan sa isang government session.
Taas-noong pinagmalaki ni Tomas ang kanyang pagiging Ifugao, na nagsabing bukas siya sa pagsusuot ng kanyang kasuotan bilang pakikiisa sa Indigenous People’s Month.
“Earlier this day, during our special session, I opted to wear my native attire and show my great pride in being an IP. I am also delighted since our Internal Rules authorize the wearing of native attire during sessions, allowing your humble representation to be in Ifugao clothing,” nakasaad sa FB Post ni Tomas.
“Kas nakunak idi election, we must be proud that our province is home to many IPs and non IPs and different cultures and traditions. So no matter what tribe or ancestry you belong, dituy Nueva Vizcaya, maymaysa tayo latta nga maawagan nga Vizcayano. Matagu tagu taun namin!” dagdag pa nito. Remate News Team
The post N. Vizcaya VM, taas noong pinagmalaki ang pagiging Ifugao appeared first on REMATE ONLINE.