Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 58332

SONA NI PNOY MAKATOTOHANAN

$
0
0

ALINGAWNGAW_Alvin-Feliciano_WEBTIYAK na marami na naman ang tataas ang kilay sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino.

Hindi kasi makapaniwala ang mga kritiko ni PNoy lalo na ‘yung mga nawalan ng pakinabang sa kasalukuyang gobyerno na kayang mapagtagumpayan ang lahat ng ito ng isang matinong liderato.

Malinaw sa mga datos at survey na umangat ang ekonomiya ng bansa sa panahon ni PNoy dahil kinilala na ang pag-angat ng ekonomiya ng Pilipinas sa buong Asya dahil umabot sa 7.8 percent ang economic growth ng bansa ngayong unang quarter ng 2013.

Maging ang korapsyon sa buong sistema ng gobyerno ay malaki ang nabawas dahil malinaw ang direksyon ng PNoy administration laban sa katiwalian sa pamahalaan.

Buhos ang investors sa bansa at iyan ay dahil sa matinong pamamalakad ng liderato ni Pang. Aquino at iyan na rin ay bunga ng kampanya laban sa kurakutan sa pamahalaan.

Maliwanag din na nakatulong ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil naramdaman ito hindi lamang sa kalunsuran kundi lalo’t higit sa kanayunan.

Kung noong araw ay mga politiko lamang ang nakikinabang sa pera ng bayan, ngayon ay hindi na dahil nakararating na ito sa maralita saanmang panig ng bansa.

Kitang-kita rin sa datos ng pamahalaan na umabot na sa halos 3.5 milyong pamilya sa bansa ang nabiyayaan ng 4Ps.

At dito ipinakita ni Pangulong Aquino na sinsero siya na matulungan ang mga anak-pawis

ng ating bansa.

Malaking pondo rin ang kanyang inilaan sa edukasyon at kalusugan ng mamamayan na isang pagpapatunay na prayoridad niya ang paghubog ng matalino at malusog na mamamayan ng Pilipinas.

Maging ang aspetong pangkapayapaan laban sa mga kapatid nating Muslim ay inatupag din ni PNoy at ito ay ipinakita sa kanyang tuloy-tuloy na pakikipag-usap sa mga kapatid natin sa MILF o Moro Islamic Liberation Front.

Ang panimulang usapan tungkol sa hatian sa kita na nakukuha sa lupain ng Bangsamoro ay malinaw na desidido ang pamahalaang Aquino na tapusin ang sigalot sa Mindanao na ilang taon na rin namang nagpabagal sa pag-unlad ng naturang rehiyon.

Tatlong taon pa ang administrasyong Aquino at iyan ang ating susubaybayan dahil marami pang magagandang mangyayari sa bansa dahil kakaiba ang ating liderato ngayon: punom-puno ito ng puso sa tao.

The post SONA NI PNOY MAKATOTOHANAN appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 58332

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>