KUNG susuwertehin ka nga naman. Double whammy ang National Irrigation Administration sa pagpasok ng buwan ng Hulyo.
May bago na silang Administrator, si Engr. Claro V. Maranan … may bago pa silang media bureau na tumutulong sa kanilang information office!
Si Maranan ay nagsilbing OIC-Senior Deputy Administrator ng NIA at nanumpa siya noong ika-8 ng Hulyo kay Sec. Proceso Alcala ng Department of Agriculture.
Si Alcala ay aming kasama sa Thursday Club at Sollar, isang media organization ng mga editor, kolumnista, at brodkaster.
Tito Procy, ang suwerte n’yo naman kasi tumutulong na sa NIA ang isa sa mga pinakamahusay na opisyal namin sa Association of Information Officers in Metro Manila (AIMM) … si Lloydson Palconan – batikang PIO ng Parañaque.
Kinabukasan naman ang official turn over ceremony ni Maranan sa NIA Central office sa Diliman, Quezon City. Ito ay dinaluhan nina Usec. Romeo S. Momo ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Usec. Antonio Fleta ng Department of Agriculture (DA), Katambayan S. Celino ng National Power Corporation at Dir. Ismael D. Tabije mula sa private sector.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Administrator Maranan na sisikapin niyang mabigyan ng pabahay ang mga empleyado ng NIA. Nais din umano niyang itaas ang budget ceiling ng Bids and Awards mula P40M hanggang P100M sa regional areas.
May Master’s Degree in Public Administration si Maranan mula sa Lyceum of the Philippines-Manila at tinapos naman niya ang kanyang Bachelor’s Degree in Civil Engineering mula sa Luzonian University Foundation Inc. sa Lucena City.
Dati siyang miyembro ng Sangguniang Bayan ng Sariaya, Quezon mula 1976-1980 bago siya naging Board Member ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon Province hanggang 1985.
Ang National Irrigation Administration ay isang government-owned and controlled corporation na responsable para sa pagpapalawig ng irigasyon sa bansa.
Ibinida sa akin ni Palconan na makaaasa ang bansa sa higit na epektibong pagpapatakbo ng NIA sa liderato ni Maranan.
Sige na nga, Lloydie … o, huwag kayong mawawala ni Warren sa AIMM meeting natin sa PIA. Nami-miss ka ng ibang PIOs at ni Dir. Riza Baldoria at kanyang staff sa PIA-NCR.
Guest natin sina Executive Director Mahar Lagmay ng Project NOAH at Director General Jose Mari Oquinena ng PIA.
The post NAPAKASUWERTE NAMAN NG NIA appeared first on Remate.